KABANATA 2 - SURPRISE QUIZ

830 Words
ASHA POV Nakarating na kami ni JD sa school at pumasok na kami, naglakad na kami papuntang classroom at nang makarating kami sa classroom umupo na ako sa chair ko at tumabi naman si JD sa akin. At kakarating lang din nung katabi ko sa kabilang upuan na si Nicole. "Hi Asha!" Bati niya sa akin. "Hi Nics!" Bati ko rin. "Hi JD!" Bati niya kay JD at nginitian naman ni JD ito at bumati. Tumingin si JD sa akin. "Asha dun lang ako" turo niya dun sa mga kaibigan niyang mga loko loko haha. Tumango lang ako bilang sagot. "Gwapo ni JD noh, super hot niya grabi" biglang sabi ni Nicole. Tumingin ako kay JD. Oo aaminin ko gwapo sya super hot niya may 6 biceps na abs kapag tumingin ka dun siguradong maglalaway ka talaga. Tapos yung ngiti niya mahihimatay ka talaga kaya madaming babaeng nagkakandarapa sa kanya. Teka nga ano na ba tung iniisip ko erase erase. "Di naman masyado" sagot ko kay Nicole. "Anong hindi masyado ang gwapo kaya niya, sigurado ka bang wala kang gusto sa kanya kasi kung ako ikaw siguradong may gusto na ako sa kanya dati pa" sabi niya. 'Eh hindi ikaw ako magkaiba tayo wag mo nga ako e compare sayo kasi ikaw ipinanganak na maganda, ako ipinanganak na dyosa hehe' "Wala!" Maikling sagot ko kasi wala naman talaga. "Bahala ka nga jan" irap ni Nicole. Dumating na ang teacher namin at nag.. Discuss Discuss Discuss Science Pumasok na ang na si Sir Cuifan at.... "Get 1 whole s**t of paper" sabi kaagad ni sir "Ayy surprised quiz kaagad sir" react ng isa sa mga classmate namin. "Oh bakit Mr. Alvarez dahil jan 30 items quiz dali labas na ang mga papel ninyo" "Ayyy ano ba yan" "Yes Ms. Lee" "Wala sir" "40 items quiz sige isang react pa jan dadagdagan ko pa problema ko ba kung hindi kayo nag aral diba from the start of school year sinabi ko na sa inyo hindi niyo alam kung kailan ako magququiz kaya magbasa kayo in advance pero kung nakinig kayo kahapon meron kayo masasagot kaya isang angal pa dadagdagan ko ang items" Patay ako nito huhu mahina pa naman ako sa science nakikinig naman ako kaso wala talagang pumapasok sa utak ko merong iba pero di ko parin alam, huhu sigurado maliit score ko nito huhu. "No. 1 What is matter?" "No. 2 What is velocity?" "No. 3 What is the unit of speed?" Nagpatuloy ang quiz ni sir hanggang umabot sa sa 40 tapos nag exchange of paper na and then nagcheck na kami ng mga papel namin magkapalit kami ng papel ni Nicole. Pagkatapos ma check ibinalik na ang papel para tignan kung ilan ang mga score namin. OH MY GHAD! Out of 40, 12 lang kuha ko sana man lang naka gitna man lang ako huhu. "Pass your papers" Pinasa na namin ang mga papel tapos nag dismissed na sya at kasunod nito lunch break na. Umupo ako sa upuan ko wala akong gana magligpit. "Tara na!" Si JD. "Oh ba't ganyan mukha mo?" Tanong niya. "Kasi naman ehh ang liit ng score ko huhuhu" "Huwag ka ng umiyak jan makakabawi ka rin marami pa namang time ehh may 3rd at 4th Quarter pa naman, kaya tayo na maglunch na tayo" sabi niya sabay hila patayo sa akin. Pero nagpumilit ako. "Ayy ayaw mong tumayo hah" at kiniliti niya ako. "Ahhh hahaha tama na please tama na ahhhh hahahaha oo na tatayo na" "Yun naman pala ehh kung hindi kikilitiin di pa tatayo, tara na gutom na ako" sabi niya sabay himas sa tyan niyang may abs, etong lalaking to ang takaw pero di naman tumataba, saan kaya niya nilalagay ang pagkain na kinakain niya, I wondered. Tumayo na ako at naglakad na kami papuntang cafeteria. "Ilan score mo dun sa quiz" tanong ko. "35" sabi niya. Eh kasi naman matalino yan sa science ehh sa kanya nga ako nagpapatulong pag may assignment sa subject na yun. "Ehh kainis magaling ka kasi sa science" naka pout ko na sabi "Hindi naman! matalino lang talaga" at nagsmile pa ang mokong. Hinampas ko sya sa balikat. "Aray, ang sakit ahh" himas niya dun sa hinampas ko, alam ko naman hindi sya nasaktan ang tigas kaya ng muscles niya hehe. "Tseh, tigilan mo ako sa tigas ng muscles mo masasaktan ka sa mahina kong hampas" pinandilatan ko sya ng mata. Nakarating kami ng cafeteria at hinatid niya ako dun sa table na uupuan namin. "JD ako naman ang pipila please" pagmamakaawa ko with puppy eyes. "Hindi tumigil ka Asha huwag kang makulit ako ang pipila" sagot niya at tumalikod na. Napapout nalang ako. Dumating naman si Katie. "Hi bes" bati niya. "Oh ba't ganyan mukha mo?" Tanong niya. "Ehh ang liit kasi ng score na nakuha ko sa quiz namin sa science" naka pout kong sabi. "Bawi ka nalang" sabi niya. "I really hate surprised quiz" Short update Hope you like it!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD