Hindi naman magtagal na naglapat ang labi namin. Agad ko ring inalis pagkatapos ay pinahid ko ang aking labi gamit ang aking kamay. "Hindi ka pala masarap humalik, lalo lang akong nagutom sa 'yo, Mr. Spark," tuloy-tuloy na litanya ko. Sabay talikod dito at muling lumapit sa aking kaibigan. Nakita ko naman ang mukha ni Tine, nakanganga siya habang nakatingin sa akin. Alam kong hindi ito makapaniwala sa aking ginawa. "Tine, nagugutom na ako. Ano bang ulam ninyo rito?" tanong ko sa aking kaibigan, sabay tapik ko sa balikat nito. "Ha! Sige. . . tayo na sa kusina," pagyaya niya sa akin sabay hawak sa aking kamay para dalhin sa hapagkainan. "Jusko po, Tamara! Ano bang pumasok sa utak mo at hinalikan mo si Kuya Stanley? Ako ang natatakot sa mga pinag-gagawa mo!" palatak ni Tine, nang ito'y m