Tanging tunog ng mga katana ang narinig sa buong paligid. Walang nagpapatalo sa aming dalawa. Kaya naman muli kong winasiwas ang hawak kong katana, sabay ataki sa babaeng kalaban ko. Pero maliksi ko ring itinaas ang isang paa ko sabay sipa ng ubod lakas sa tiyan nitong naka-open. Bigla tuloy itong napaurong sa aking ginawang pag-ataki. Alam kong nagulat ito. Mayamaya pa'y maliksi na naman itong sumugod papalapit sa akin. At alam kong gaganti ito. Kaya naman muli ko ring sinalubong ang pag-ataki nito. Subalit bigla naman akong napa-urong dahil isang sipa rin sa aking tiyan ang binigay nito. Nakita ko namang ngumisi ang babaeng kaharap ko. At tila minamaliit ang aking kakayahan sa pakikipaglaban. Hanggang sa muli na naman itong umataki. Nakita kong mabilis ang mga galaw nito habang papa