Magkahawak kamay lang kami ni Ford na naglalakad pabalik sa Hotel.Natatawa pa nga sya sa akin dahil umaangal ako at hindi ko man lang nakuhanan ng video yung ginawa nya kanina.Masyado kasi ako nag enjoy at natuwa sa pagkanta nya kaya hindi pumasok sa isipan ko na kuhanan sya ng video para remembrance lang sa ginawa nya. Kinukulit ko na nga sya na ulitin nya yung pagkanta kahit ako lang ang audience kaya lang ayaw nya.Masyadong pakipot si Ford ayaw ipakita ulit sa akin ang talent nya. "Sige na Ford kumanta ka na ulit para makuhanan ko ng video." pangungulit ko na ikinaiiling nya lang sa akin. "I don't want!I already sang so why repeating it again." Nakabusangot ang mukha kong tumigil sa paglalakad na ikinatigil din nya at pang asar na nakangiting humarap sa akin.Natutuwa syang inaasar