Simula ng makita kong umiiyak si Ford ng puntahan namin sila ni Gail kung saan sila nag uusap ay hindi na umalis si Ford sa pagkakayakap sa akin.Iniwan kami ng mga kaibigan nya sa pavilion para daw makapag gala daw sila sa Imperial bago kami umuwi mamaya. Nagpasya kasi si Taz na kailangan na naming bumalik ng Manila dahil marami daw silang aasikasuhin.Sabi nila tawagin ko sila sa pangalan nila at wag na akong maging formal dahil hindi ko naman daw yun ginagawa sa kanila.Ginawa ko nalang ang gusto nila at ngayon kami lang ni Ford ang naandito sa Pavilion, nakaupo ako sa sofa habang katabi ko si Ford na walang imik at nakayakap lang sa akin na parang natatakot syang mawala ako. Kanina nang dumating kami ni Gail dito sa loob ng pavilion ay may kaakiba na akong naramdaman sa kanila.Hindi ko