Lumawak ang ngiti ko ng makababa na kami sa KIA airport sa Cebu sa pribadong helipad ni Sir Kiosk.Pakiramdam ko ng malanghap ko ang hangin dito sa Cebu ay parang nakarating na ako dito.Ang sarap sa pakiramdam na may bagong ambiance akong nakikita. Malaki ang ngiti na lumapit ako kay Dennis na hila-hila ang bike ko na agad kong kinuha sa kanya.Ang location namin ay sa Imperial Palace Water park Resorts and Spa sa Mactan Island Cebu,doon namin gagawin ang Photoshoot namin.Mukhang hindi naman ako mahihirapan na mahanap ang resort na yun dahil sa tingin ko ay isa sa tourist spot ang Mactan Island,isa pa mahilig akong magtanong kaya im sure na hindi ako maliligaw. Sabay-sabay kaming lumabas ng Alpha Team sa KIA ng makita namin sina Ford na pasakay sa kani-kanilang kotse.May sasakyan naman par