LLAT-1

1754 Words
One year later... First anniversary Nagising ako dahil sa pagsidhi ng kirot sa aking dibdib. Agad akong napahawak do’n at marahang hinilot-hilot upang maibsan ang sakit na nadarama ko mula doon. Palagi na lang ganito ang aking nararamdaman sa t’wing gigising ako sa umaga, minsan naman ay babangon na lang ako sa madaling araw dahil bigla na lamang iyon kikirot. "Ayan ka na naman..." bulong ko sa aking sarili. Dati ko pa itong nararamdaman noong nag-aaral palang ako pero wala akong sinabihan kahit na sino sa aking pamilya. Lalo na sa asawa kong si Bryan. Ayaw ko naman na magdagdag pa sa suliranin niya dahil napansin ko lately na madalas siyang busy sa trabaho at madaling araw na kung umuwi, minsan. Bumangon ako para kumuha ng tubig sa kusina nang sa gano'n ay bumuti ang aking kalagayan. Ganito naman palagi ang ginagawa ko sa t’wing a-atake ang sakit na ito. Hindi ko alam kung ano iyon o saan iyon nagmumula o ano ang dahilan nang madalas na pagkirot nito. Siguro kailangan ko na talaga mag pa-check up. Pero siguro sa susunod na linggo na lang. Sa ngayon ay aasikasuhin ko muna ang First anniversary namin ni Bryan. Kinuha ko ang cellphone upang tawagan ang bakla kong kaibigan na nagmamay-ari ng Cake shop. Si Agatha. "Hello, sisteret! Happy anniversary sa inyo ni Papa Bryan! Naku, gurl magpabuntis ka na nang sa gano'n ay makita na namin ang magandang lahi niyo ni Papa Bryan!" malakas ang boses na bungad kaagad ni Agatha sa akin. Inilayo ko pa ng kaonti ang cellphone sa aking tenga. Mapait akong napangiti. Sino ba namang babae ang hindi gustong magka-anak? Isang taon na kaming sumusubok ni Bryan pero hindi pa rin ako nabubuntis hanggang ngayon. "Alam mo naman sisteret, kung gaano namin kagusto ang magkaanak..." malalim akong napabuntong-hininga, "pero anong magagawa natin kung hindi pa iyon ibibigay ng panginoon sa’min ni Bryan." malungkot na sagot ko kay Agatha. Nahimigan naman niya ang naging tono ng aking boses kaya chi-ner-up niya ako katulad nang madalas gawin ng mga kaibigan namin when it comes to pagbubuntis na topic. "Hoy, sisteret, sorry na ha. Huwag na malungkot, ang aga ko naman kasing nagbukas ng topic na ganito, kaloka! Don’t you worry, sisteret, sigurado ako na magkakalaman na iyang tiyan mo!" Tumawa ako sa sinabi niya. "Ang cake pala nagawa na?" tanong ko sa kan’ya. Gusto ko lang na ibahin ang tema ng usapan namin. "Yes, sisteret! At ako na mismo ang mag-de-deliver d’yan sa bahay niyo. Syempre kasama ko si Yuhan at Lena, makikikain kasi kami d’yan." ani niya na hinaluan pa ng pagtawa. Si Agatha, Yuhan, at Lena ay mga kaibigan ko since Highschool. Si Yuhan Miguel ang pinakanauna kong naging kaibigan bago ko nakilala sina Agatha at Lena. At isang Hospital lang din ang pinagtatrabahuhan namin ni Yuhan. "Oo ba, basta tulungan niyo akong magdesinyo ha. Isu-surprise ko kasi si Bryan mamaya," nakangiting wika ko kay Agatha. Hindi ko rin maiwasang ma-excite, syempre First anniversary namin. "Oh, sure, pananampalataya!" wika niya na inaasar na naman ako sa pangalan kong Faith. Natawa na lang ako sa kan’yang sinabi, saka nagpaalam na sa kan'ya. "Sige na, sisteret, ibababa ko na ang telepono, ha." "Okay, see you later." paalam niya bago nawala ang linya. Maliligo na muna ako bago mag-agahan dahil mamaya ay busy na kami sa pagdedesinyo. Pero bago iyon ay tatawagan ko muna si Bryan upang batiin ito, mukhang hindi kasi niya naalala na anniversary namin ngayon. O baka sobrang busy niya lang talaga. Nitong nagdaang linggo kasi ay masyado siyang tutok sa kan’yang trabaho. "Kawawa naman ang asawa ko..." Nasambit ko bago dinayal ang numero ni Bryan. Nakailang ring iyon bago niya pa sagutin. "Hello, Bryan?" "Hi, sweetheart. Happy anniversary!" bungad niya kaagad sa akin. Hinaplos naman ang puso ko dahil doon. Akala ko kasi nakalimutan na niya. "Happy Anniversary! Akala ko nakalimutan mo na eh," wika ko na hindi maiwasan ang mapangiti. "Oh, I’m so sorry sweetheart, kung hindi ako nakauwi d’yan kagabi. Masyado lang akong busy sa trabaho. Pero hindi ko nakakalimutan ang ating anniversary, sa katunayan nga ay may pina-de-deliver ako d’yan ngayon. Sana magustuhan mo, sweetheart." ani ni Bryan na mababakas sa tono ng boses nito ang kasiglahan. "Wow! Talaga? Naku, ang hilig mo talaga mag-surprised!" sabi ko na hindi maiwasang ma-excite kung ano ba ang surpresa niya para sa’kin. Napapitlag pa ako sabay lingon sa sala nang marinig ang pagtunog ng door bell. Mabilis akong tumungo doon habang nasa tenga ko pa rin ang cellphone. "Wait lang, Bryan ha. May tao kasi sa labas." "Sige lang, sweetheart." sagot naman niya sa akin. Nang buksan ko ang pinto ay isang delivery guy ang nasa labas, bitbit ang isang ponpon ng bulaklak, at isang malaking Teddy bear na paborito ko. "Good morning, Ma’am! Delivery po from Mr. Bryan Collins!" nakangiting wika ng lalaki sa akin sabay abot nito ng bulaklak at Teddy bear. "Wow..." tanging nasambit ko habang pinagmamasdan ang inaabot ng lalaki. Hindi naman ako magkandaugaga sa pagkuha no’n kaya sinabihan ko na lang ang lalaki na ipasok na lang niya sa sala. Matapos nito ilagay ang mga pina-deliver ni Bryan sa mesa ay nagpasalamat ako sa rito. "Thank you." pasalamat ko sa delivery guy. "You’re welcome po, Ma’am." magalang na sagot niya sa’kin. Mabilis kong isinara ang pinto nang makalabas na ang lalaki at muling kinausap ko si Bryan. "Bryan?" "Yeah, sweetheart? Nagustuhan mo ba ang pinadala ko sayo?" "Oo naman. Thank you so much ha. I love you," malambing na wika ko sa kan’ya. Sobrang haba talaga ng buhok ko! "I love you too, Sweetheart. Maaga akong uuwi mamaya para makapag-date tayo." saad ni Bryan na ikinangiti ko naman. "Okay. Take care, Bryan." masaya kong tugon sa kan'ya. "You too, sweetheart." Nang matapos kami sa pag-uusap ay mabilis akong tumungo sa banyo para makaligo. Hindi maalis-alis sa aking mga labi ang ngiti. Parang kailan lang isang taon na pala kami nagsasama ni Bryan. Kahit hindi nagbabago ang pakikitungo ng mommy niya sa akin ay okay lang. Sanay na rin naman ako kay Tita Marites. Ang importante ay kami ni Bryan na hindi kami nagbabago sa isa’t isa. Kahit gaano ito ka-busy sa trabaho ay hindi nito nakakalimot na tawagan ako, pero minsan ay hindi ko rin maiwasang malungkot dahil hanggang ngayon ay wala pa rin kaming anak. Nang matapos ako sa pagliligo ay mabilis na rin akong nagbihis. Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos sa aking sarili dahil sanay naman na ako na walang nilalagay sa aking mukha. Sapat na sa akin ang makapag-bihis. Sabi nga nila, 'being simple is beautiful'. At saka iyan ang nagustuhan ni Bryan sa akin. Sinabi niya ‘yon sa akin kaya ‘wag na kayong komontra. ... "Surprised!" Sabay-sabay naming salubong kay Bryan nang makapasok ito sa loob ng aming tahanan. Nagulat siya pero dagli rin napangiti sa mga kasama ko, lalo na sa akin. "Oh, sweetheart..." agad niya akong sinalubong nang mahigpit na yakap at masuyong halik sa mga labi na buong puso ko naman tinugon. Narinig ko pa ang kantiyawan ng aking mga kaibigan. "Ang sweet naman!" ani ni Agatha na kilig na kilig sa amin ng asawa ko. "Ang haba talaga ng buhok ni Pananampalataya!" dagdag pa ni Lena habang tahimik naman sa isang sulok si Yuhan katabi si Nanay Dels. Nginitian lang ang mga ito ni Bryan. "Thank you, sweetheart. Happy anniversary." muli ay masuyo akong hinalikan ni Bryan sa mga labi pagkatapos ay nagpasalamat ito sa mga kaibigan ko. "Thank you, guys!" bumaling ito kay Nanay. Saglit muna ako iniwan upang lapitan si Inay. "Magandang gabi po, Inay." magalang na sabi niya sabay mano kay Nanay. "Kaawaan ka ng diyos, anak." nakangiti namang wika ni Inay. Nagsalo-salo kaming lahat ng gabing iyon. Dumating din ang mga magulang ni Bryan at dalawa pa nitong mga kapatid na sina Amy at Terrell. Simple lang ang handaan. Ayaw ko naman na gumastos pa ng malaki para lang sa gano’n. Ang bahay namin ay sakto lang din ang laki nito. Simple, at simpleng mga kagamitan lang din ang sa loob no’n. Iyon kasi ang gusto ko at gusto ni Bryan. Simpleng pamumuhay lang ang pareho naming hangad. Gusto ng Daddy Joel niya na sa Mansion kami titira, pero hindi sang-ayon doon si Bryan, at lalo na ako. Mas maganda kasi na may sarili kang tahanan. Kahit maliit lang atleast masasabi mong iyo. Aanhin mo naman ang mala-mansyong bahay kung hindi rin naman kayo nagkikita-kita sa loob no'n. "Isang taon na kayong nagsasama ng asawa mo pero bakit hindi pa rin siya mabuntis-buntis, anak?" natigil ako sa akmang pagsubo nang marinig ang katanongan na iyon ni Tita Marites kay Bryan. Parang wala ako sa hapag ng mga oras na ‘yon nang itanong iyon ni Tita sa asawa ko. Ang mga kaibigan ko na nasa hapag din ay napatigil sa akmang pagsubo at pinaglipat-lipat ang tingin kay Tita, at sa akin. Si Nanay Dels naman ay nagpaalam na may kukunin lang daw ito sa kusina. "Parang hindi ka nag-e-exist sa paningin niya, sisteret." mahinang bulong ni Agatha sa akin. Agad naman itong siniko ni Lena. "Ang bibig mo bakla." kaya napatahimik ito at itinuloy na lang ang pagkain. Tumikhim si Bryan, at kinuha ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa, saka iyon marahang pinisil. "Ma, this is not the right time to talk about that." ani ni Bryan sa ina. Sa pamamagitan ng pagpisil niya sa kamay ko ay parang pinapahiwatig niya sa akin na huwag ko na lang pansinin ang sinabi ng mommy niya. "At bakit naman hindi, anak? Totoo naman ah, anong silbi ng matris niya kung hindi ka naman mabigyan ng anak?" nakataas ang kilay na wika ni Tita Marites. Tinapunan pa niya ako ng isang masamang tingin. "Atleast maganda si Faith, eh, ikaw po? Ganda ka?" sumabat si Agatha sa usapan na ikinagulat ko pa. Lumipat sa kan'ya ang masamang tingin ni Tita pero nagkibit-balikat lamang ito at tinaasan pa ng kilay si Tita. "Aba—" "Stop it, Marites." mariin na utos ni Daddy Joel sa asawa niya. Napatikom naman ng bibig si Tita Marites. Pero binigyan pa ako nito ng isang nakakamatay na tingin bago ibinalik ang atensyon sa pagkain. "I’m sorry, sweetheart sa inasta ni Mom..." bulong ni Bryan sa may tenga ko. Tumango lang ako sa kan’ya saka ngumiti. Sanay na ako kay Tita at sa bunganga niya kaya wala na sa akin iyon, kahit na ang totoo ay kinukurot ang damdamin ko sa t’wing ganoon ang topic na binubuksan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD