CHAPTER 24 Steph POV: Naiinis ako kay Lance! Siya na nga itong sinusuyo, siya pa itong pana'y iwas sa akin. Akala niya yata ay hindi ko nahahalata ang mga kilos niya. Kaninang umaga lang ay nakita ko siya sa Gym tapos pinapasabi niyang wala siya. Hindi ko alam kung anong trip niya at tila gusto niya yatang makipaglaro ng tagu-taguan at habul-habulan. Pero kahit anong mangyari, kukulitin ko pa rin ang mokong na 'yon kahit na anong pag-iiwas pa ang gawin niya. Bukas na kasi ang debut ko kaya dapat lang na naroon siya. Kaya heto ako ngayon, muling bumalik sa gym. Alam kong dito siya tumutungo dahil isa siyang basketball player at madalas na ito ang takbuhan niya kapag may training sila. "Ahm excuse me, nakita mo ba si Lance?" tanong ko sa isang lalaki na ka-team ni Bola. He also