CHAPTER 28 Steph POV: Ang sakit ng braso ko dahil sa pagkadiin ng kuko ni Glen sa akin. Medyo namumula na rin ito kaya masyadong mahapdi. Hindi ko rin naman sya masisi kasi fiance nga niya ako, kaya natural lang siguro na gano'n ang magiging asta niya. Kaya isa lang ang natutunan ko ngayon, iyon ay dapat kong alamin ang aking limitasyon pagdating sa pakikipag-usap sa lalaki. Ewan ko ba pero kahit na nasaktan ako sa pinakita nya, may halo pa ring saya ang naramdaman ko kanina. Feeling ko kasi ay dala lang iyon ng pagseselos ni Glen kaya nya ginawa sa akin 'yon. I feel like he still likes me. May gusto pa rin yata ang lalaki sa akin at hindi niya lang ito masabi sa akin ng diretsahan. "Oh my gosh Steph! Saan ka ba galing? Alam mo ba na kanina pa ako na-0OP dito sa mga tao... Halo