CHAPTER 12 Steph POV: Himala! Si Bola, makikipagkaibigan sa akin? Tila sinaniban yata ang mokong na 'yon ng kung anong espiritu sa katawan at bigla na lamang siya magbabait-baitan na akala niya yata ay isa siyang santo. Ganon pala ang epekto ng pancake sa isang tao kapag kinain mo. Pero siguro nasabi niya lang 'yon dahil sa nangyari kahapon. Lagi niya akong nahuhuling umiiyak. Siya mismo ang laging nakakasaksi kung gaano ako kadramang babae. But honestly, napaisip ako sa sinabi ni Bola. Kaya lang, wala pa rin akong tiwala sa lalaking 'yon, baka kasi trip niya lang na kaibiganin ako para maging uto-uto lang. Kilala ko 'yon eh, galawang babaero ang gung-gong na iyon. "Hay naku Mr. Bola, maging ikaw ay dumaragdag pa sa isip ko," kibit-balikat kong sambit sa aking sarili. Dumiretso n