CHAPTER 16 Steph POV: Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi na sa akin bago ang tagpuang ito dahil parang kabayo ang oras sa Pilipinas dahil sa bilis ng takbo. And as usual kahit magkaibigan na kami ni Lance ay hindi pa rin mawala sa amin kulitan at asaran na lalong nagpapasaya sa aming samahan. Wala eh, naging routine na namin itong dalawa. Kaya maging si Tina ay nasanay na sa aming bangayan. Kagaya na lamang ngayon, nag-aagawan kami at naghahabulan dahil sa biglaang eksena niya. "Lance! Akin na nga yan!" sigaw ko sa kanya at patuloy ko na inaagaw ang aking diary na siyang kinuha nito sa kamay ko. "Ayoko nga," saad nito at pilit na inilalayo ang gamit sa akin para hindi ko ito makuha sa kanya. "Andaya! Diary ko yan eh... Bakit ba ang hilig mong manguha nang hindi sayo? Para kang