"Siraulo ka, Dravis!" Napasabunot ako sa sarili kong buhok at bumagsak sa couch n'ya. Si Dravis naman ay tila walang pakialam, naka-Indian sit lang sa sahig at tumuloy sa pagpapakain kay Dravy. "Hoy, Dravis!" Humawak ako sa balikat n'ya saka pinaharap siya sa akin. "Sinesermunan pa kita, makinig ka naman! Naiinis na talaga ako, bakit mo biglang ginawa 'yon?!" Dravis looked innocently at me. "A-Are you mad at me? I'm sorry." Napakagat ako sa ibabang labi ko habang nakatitig sa kan'ya. Natigilan siya nang hawakan ko ang magkabilang pisngi n'ya at pinisil 'yon saka siniil siya ng halik sa labi. May tunog pa talaga. Pulang pula ang mukha ni Dravis nang ilayo ko na ang mukha ko. "W-Why did you suddenly kiss me?" tanong n'ya. "Basta! Sinesermunan kita, stop being cute!" asik ko. Napakunot