"Dravy... Ang scary ng Daddy mo." Napabuga ako ng hangin habang hinahaplos ang balahibo ni Dravy, natutulog na naman siya. Pumasok na naman sa alaala ko ang nakita ko kagabi. Alam kong si Dravis ang tumatayong punisher ng feroci, pero hindi ko alam na ganoon kalala ang ginagawa n'ya. Sa totoo lang hindi naman dapat ako magulat... May nagawa sila na mas higit pa ro'n, pero hindi ko maiwasang matakot sa nakita ko. The cute Dravis I know can be that scary, huh. Mukhang gano'n din ang pinagdaanan ni Xceron sa kan'ya noon. Napatingin ako sa phone ko. It's already 10 am, wala akong natanggap na text at tawag mula kay Dravis. Knowing him, mukhang kinakabahan na siyang i-approach ako dahil sa pagtaboy ko sa kan'ya kagabi. Napaismid na lang ako... Kalmado na naman ako. Kaya ko na siyang harapi