1. 14 Years Ago

1935 Words
MAY kadiliman ang gabing iyon at tila iba sa pangkaraniwan. Ang bilog na buwan sa kalangitan ay bahagya lamang na sumisilip sa likod ng makapal at itim na mga ulap. Kung titingnan ay tila hindi ito normal sapagkat wala namang anunsyo na magiging maulap ang gabing iyon. Pero para sa iba, isang normal na gabi lang ito kung saan ang karamihan ay mahimbing nang natutulog. Mas lalo ngang mas tahimik ang gabi para sa mga lugar na malayo sa mga nag-uunlarang lungsod at bayan. Sa mga liblib na pamayanan na bihirang mapuntahan. "Sino k-kayo!?" Ito ang tanong ng isang lalaki nang biglang may kung sino'ng sumira sa dingding ng kanyang maliit na bahay. Hindi rin naman katibayan ang tirahan nitong gawa lamang sa kawayan at mga dahong pinagtagpi-tagpi't pinagdikit. Ang tanong na iyon ay hindi wari niya dapat pang itinanong, sapagkat batid na rin niya kung sino ang mga ito. Dis-oras na nga ng gabi iyon at wala talagang makakapansin sa mga posibleng mangyari lalo na sa lugar nila kung saan ay magkakalayo ang mga bahay. Makikita nga ang magkahalong itim at pulang liwanag ang bumabalot sa may kalakihang tao na bumulaga sa kanyang harapan. Hindi ito isang normal na tao dahil nababalot ng itim na baluti ang katawan nito at may dalawang mahabang sungay ang makikita sa ulo nito. Lumiwanag ang pulang mata nito at nakaramdam ng pangingilabot ang lalaki dahilan upang mapaatras siya. "N-nasaan ang sanggol?" Ito ang mga salitang lumabas sa bibig ng nilalang na iyon. Kasunod noon ay ang pagdaloy sa paligid ng nakakapangilabot na pakiramdam. "Pasukin ninyo ang bahay!" dagdag pang winika nito at mula sa likuran ng nilalang na iyon ay nagsipasok ang mga alagad nitong nababalot din ng itim at pulang aura ang katawan. Walang pag-aalinlangang hinalughog ng mga ito ang loob ng bahay. "Panginoon! Walang sanggol sa loob ng bahay na ito!" sigaw ng isa sa mga pumasok na alagad nitong humahangos na pumunta sa pinuno nito. Napatingin naman ang malakas na nilalang sa lalaking may-ari ng bahay na nasa harapan pa rin nito. Kasunod noon ay kumawala ang isang mabilis at hindi maipaliwanag na enerhiya mula sa katawan nito at sa isang kisap ng mata ay hawak na nito ang leeg ng lalaking iyon. "Saan mo dinala ang sanggol!? Nasaan ang sanggol!? Sabihin mo!" Makikitang may galit at inis ang tanong ng nilalang na iyon sa lalaki. Sa hindi naman inaasahang pagkakataon, biglang ngumisi ang lalaking hawak ng malakas na nilalang na iyon. May pulang liwanag nga ang bumalot sa katawan nito at ang kanyang aura ay lumabas sa sitwasyong iyon. "De...mon Lord? Pa...nginoon ng Kadiliman?" Seryosong pinagmasdan ng lalaki ang nakakatakot na nilalang na iyon. "N-natatakot ka b-bang lumaki ang anak ko!? A-ang natatangi at sinasabing kikitil sa buhay mo?" Napaubo pa nga ang lalaki nang higpitan ng Demon Lord ang pagkakahawak sa leeg nito. "A-ang anak ko ang magiging pinakamalakas sa buong mundo at darating ang araw na papatayin ka nito... S-siya ang puputol sa sungay mo..." Ngumisi pa ang lalaki matapos niyang sabihin iyon at dahil naman sa inis ng Demon Lord na may hawak rito ay kumawala nga ang walang katumbas na kapangyarihan nito. Siya ang pinakamalakas na nilalang sa mundo. Walang sinuman ang makakapantay sa antas ng kapangyarihan at abilidad nito. Kahit ang mga bayani ay walang magagawa rito. Hindi man ito kumikilos ay tahimik naman itong nagmamasid sa kung saan-saan. Unti-unti itong naghahasik ng lagim hanggang sa dumating ang tamang oras... Doon na siya lalabas upang sakupin ang buong-mundo. Sa antas ng kanyang kapangyarihan, hindi ito imposibleng mangyari. Ito ang Demon Lord. Ang Panginoon ng Kadiliman! ***** SUMABOG nga sa paligid ang masaganang dugo nang mapisa ang leeg ng lalaki. Ngumisi ang Demon Lord ngunit nagmarka naman sa isip niya ang sinabi ng kanyang pinatay. "H-hindi ako natatakot!? Hindi!" sigaw nito at nayanig ang buong paligid. Ang buong lugar ay nagkabitak-bitak. Nagsitaasan ang lupa at ang mga karatig pamayanan ay nagising dahil doon. "Hindi ka makakatakas sa akin!?" Kumawala ang itim na kapangyarihan ng Demon Lord. Kumalat iyon sa paligid. Lumayo nang lumayo hanggang sa may nasagap ito na tumatakbo palayo sa hindi kalayuan. Sa isang iglap nga ay agad na naglaho ito. Sa isang gubat sa kalapit ng lugar na pinangyarihan, napahinto bigla sa pagtakbo ang isang babaeng nakatalukbong ang katawan. May dala itong sanggol at halatang tumatakas. "Saan ka pupunta!?" tanong ng Demon Lord na biglang lumitaw sa harapan nito. "Hindi ko hahayaang mabuhay ang batang iyan!" sigaw pa nito at doon ay nabalot ang malaking kamao nito ng itim na enerhiya. Ang babaeng may dala naman ng sanggol ay naging maagap. Kumislap bigla ang lumuluhang mga mata nito. Kumawala nga sa katawan nito ang pulang aura. Humahalo rin doon ang isang itim pang liwanag. "P-po...protektahan ko ang anak ko! Hindi mo mapipigilan ang nakatakda!" sigaw ng babae na makikitang handang ipagtanggol ang kanyang anak mula sa Demon Lord. Umiyak nga ang sanggol dahil doon. Nagising ito mula sa pagkakatulog. Natanggal naman ang talukbong ng mag-ina at lumitaw ang asul at itim na buhok ng babae. May sungay rin ang babae at ang mga mata nito ay nababalot ng pulang liwanag. "Napakasuwail mo talaga kahit kailan Kaima!" winika ng Demon Lord. "Hindi na ako maaawang patayin ka kahit anak pa kita! Hindi ko hahayaang may mabuhay na mas malakas pa kaysa sa akin..." "Kahit kadugo ko pa!" Doon na nga bumulusok ang kamao ng Demon Lord. Ang babaeng nagngangalang Kaima ay bumulusok din ang kaliwang kamao paitaas na nababalot ng kanyang enerhiya. Sasalagin niya ang malakas na suntok ng kanyang ama upang ipakitang hindi siya pumapayag sa balak nito. Nasa kanan naman ni Kaima ang sanggol na binalutan niya ng kanyang aura upang protektahan ito mula sa pwersa ng kanilang mga suntok. Ito na lang ang paraan na naiisip niya sapagkat kung tatakbo siya... Mas magiging madali para sa ama niya na sila ay patayin. Sa sandaling magtatagpo na ang kamao ng mag-ama... Isang maliit na liwanag ang gumuhit paitaas mula sa kinatatayuan nila. Kasunod noon ay ang pagbulwak ng isang mas malaking liwanag na nagdulot ng isang napakalakas na pagsabog sa buong lugar na iyon. Yumanig ang buong mundo nang mga sandaling iyon. Ramdam iyon sa bawat sulok nito kaya ang karamihan sa mga nasa parteng gabi ay nagising at napabangon mula sa pagkakatulog nila. Habang ang mga nasa maliwanag na bahagi ng mundo ay napatigil sa kung anong kanilang ginagawa. "A-ano'ng nangyayari!?" bulalas ng isa na napatingin sa labas mula sa bintana ng tinutulugan nitong condominium. Doon ay nakita niya ang isang tumataas na liwanag mula sa malayo. "Mama! Ano iyon!?" tanong naman ng isang bata sa kanyang ina na kasalukuyang nakasakay sa loob ng isang ferris wheel sa isang amusement park. Nakikita rin nila ang liwanag na nagmula sa malayo. "Bilisan ninyo! Kailangan nating puntahan ang pinagmulan ng liwanag na iyon!" utos ng isang matipunong lalaki na nakasuot ng isang costume na tila isang superhero. Doon ay nagsilabasan din ang mga tinawag nito na may mga suot na ring mga kasuotan. Sila ay ang mga Hero, o ang mga tagapagtanggol ng mga tao mula sa mga sumusubok na guluhin ang kapayapaan sa mundo, ganoon din sa mga sakuna na nangyayari sa paligid. Maging sa mga nangyayaring krimen ay sila rin ang umiintindi. Doon nga ay nagsiliparan na sila palayo mula sa isang napakataas na building. "Ipaalam rin natin ito sa Heroes Assembly! Malakas ang pakiramdam ko na hindi ito isang bastang liwanag," sabi pa ng lalaking tumatayong lider ng grupo ng mga Heroes na iyon. ***** SAMANTALA, nakangisi naman ang Demon Lord habang hawak-hawak ang sanggol ng kanyang mga kamay na nababalot ng dugo ng sarili niyang anak. Ito ang sanggol na sinasabing papatay sa kanya. Nakatayo siya sa gitna ng isang napakalawak na lugar na walang kahit anong makikita maliban sa nahawing mga lupa. Ang kaninang mga kagubatan at mga bundok ay naglaho. Ganoon din ang mga pamayanan sa paligid ay ganoon din. Hindi na nga makikilala ang lugar dahil wala ng kahit ano rito. Ito ang epekto ng dalawang kapangyarihang kanina ay naglaban. "Ngayon, kailangan ko ng tapusin ang binhi ng propesiya," sambit ng Demon Lord. Doon nga'y tinapos na nito ang buhay ng walang kamuwang-muwang na sanggol. Ang malakas na iyak ng sanggol ang huling maririnig sa lugar na iyon. Kasunod noon ay biglang nagdilim ang buong mundo. Isang napakalakas na hangin ang kumawala sa kahit saang lugar. Mula naman sa isang satellite sa buwan, kitang-kita ng ilang astronauts ang nangyari sa mundo. May isang maliit na liwanag ang biglang kumayap mula sa isang lugar. Umikot iyon hanggang sa ang kalahati ng mundo ay maikot nito. Napakabilis ng mga pangyayari. Sumabog ang kalahati ng mundo at ang parte niyon ay kumawala sa kalawakan. Naramdaman din sa kalawakan ang impact ng pagsabog na iyon. Napakalakas niyon at kahit sa buwan ay naramdaman ng mga naroon. "Holy... shittt!" Ito na lang ang naibulalas ng mga nasa space satellite nang mga oras na iyon. Sa isang kisap ng mata... ang buong mundo ay kalahati na lamang matapos ang pangyayaring iyon. ***** MULA sa buwan, makikita ang daigdig na kalahati na lamang. Para itong isang nahating bilog mula rito. Subalit magkaganoon man, nanatili itong umiikot sa orbit nito. Patuloy itong nakakaranas ng liwanag at dilim mula sa araw. Ano nga ba ang nangyari rito? Walang nakakaalam noon! Ang tanging naaalala ng mga natirang tao sa daigdig ay may naramdaman silang napakalakas na enerhiya na nagpayanig sa sanlibutan. Hanggang sa isang kisap nga ng mata ay nawasak ang kalahating bahagi nito. Ang lahat ng mga nakatira sa nawasak na bahagi ay namatay. Pagkatapos ng mahabang imbestigasyon ay tila walang nakuhang malinaw na dahilan ang mga ito. Ni bakas mula sa pinagmulan noon ay hindi nila alam kung nasaan. Ang buhay ng mga natirang mga tao ay nagpatuloy. Walang nakapigil sa pag-unlad ng mga natirang bansa. Patuloy sa paglaki ang populasyon at ang pag-unlad ng malalaking bansa ay nagpatuloy. Sa mundo kung saan ang lahat ng tao ay may taglay na kapangyarihan, imposibleng hindi sila makaahon mula sa sakunang naganap, labing-apat na taon ang nakakalipas. Ito ang mundong binabase sa kapangyarihan ang antas ng pamumuhay. Ang mga malalakas ay napupunta sa mataas na posisyon. Karamihan din sa mga ito ay napupunta sa mga Hero Agencies. Sila ang mga malalakas na indibidwal na nagpapanatili ng kapayapaan sa buong mundo. Hindi rin kasi maiaalis na may mga tao na gagawa ng masama, magkanoon man, mas marami ang bilang ng mga Heroes kaysa sa mga Villains. Ito ang dahilan kaya bawat malalaking siyudad dito ay napapanatili ang kapayapaan. Bawat siyudad ay may tinaguriang Top Heroes na sumisimbolo sa kanilang lugar. Bawat siyudad at lugar ay may mga malalakas na bayaning nagpapanatili ng kapanatagan para sa mga hindi ganoon kalakas na mga indibidwal. Maraming tao rin nga ang kailangan ng trabaho at kailangan ng pera. Sa kabila ng kapangyarihang tinataglay ng bawat isa, nagiging normal pa rin ang kanilang pamumuhay. Mapa-siyudad man o sa mga liblib na lugar. Mapa-industrial o agricultural ay may mga tao na gumagawa pa rin nito. Sa tulong ng iba't ibang kapangyarihang taglay ng bawat isa, ginagamit nila ang mga ito para mas mapadali ang kanilang pamumuhay. Ang mga Heroes para sa Peace and Order at ang mga hindi ay para sa Manpower. Upang mas mapagbuti rin ang abilidad at kapangyarihan ng bawat isa, bawat lugar ay may kanya-kanyang paaralan para sa mga kabataan. Ito ay para mas mapayabong nila ang kanilang abilidad. Dito rin matutukoy kung magiging Hero ba sila o hindi. Sa isang maliit na siyudad sa Northern part ng mundo ay may isang hindi kalakihang paaralan. Ito ay ang School of Purif City.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD