ANG MAKAPAL na ulap na humaharang sa bilog na buwan ay unti-unti nang gumalaw palayo. Dito’y sumilay muli ang liwanag nito sa buong kagubatan at nagbigay ito ng bahagyang ilaw sa madidilim na bahagi nito. Sinabayan din ito ng malakas na paghangin sa paligid na may kasamang bahagyang pagkayap ng lamig ng temperatura rito. Dito’y makikita ang isang malaking apoy mula sa mga sinunog na mga kahoy ang makikitang nagliliwanag sa harapan ng isang kwebang matatagpuan dito. Nasa isang malawak na kalupaan ito sa gitna ng kagubatan sa kabila ng ilog. Makikita rin dito ang mga hayop na maayos na nakapila sa labas ng nasabing lugar. May ilan din namang makikitang umiikot sa bawat sulok ng lugar na iyon. Sila ay ang mga bantay sa kanilang teritoryo. Ito rin ang kuta ng lahat ng mababangis na hayop n