SA HINDI maipaliwanag na dahilan, may kung anong naramdaman si Beazt mula sa malayo habang patuloy pa rin siyang tumatakbo. Ilang prutas na lang din ang kanyang dala-dala nang oras na iyon dahil nakain na niya ang iba para bumalik ang kanyang lakas matapos ang ilang minutong pagpapahinga. Ang kanyang pagtakbo ay nanatiling mabilis at higit pang mas bumilis dahil nawala na ang kanyang dala-dala. Nakatingin din siya sa malayo habang ang gabi ay unti-unti nang niyayakap ang kagubatan. Nakakaramdam siya ng panganib. Hindi siya maaaring magkamali, alam niya sa sarili niya ito. Hindi sila makakapunta sa bulkan nang hindi manganganib ang kanilang mga buhay. “Kailangan kong magmadali,” sabi niya sa sarili at ibinuhos na niya ang kanyang bilis sa kanyang mga paa. Gusto niyang maabutan kaaga