Chapter 1 The Agreement

4361 Words
Mariah Lira Buenavista: PAGEWANG-GEWANG akong bumaba sa sportscar ko at namimigat na rin ang mga mata ko sa kalasingan at antok sa magdamag naming inuman ng mga barkada ko sa bar nila Liezel Del Prado, isa sa mga kaibigan ko at anak ng pinakamayamang pamilya nitong bansa! Tumuwid ako ng pagkakatayo na mabungaran si granpa sa sala namin habang nagkakape at may hawak na magazine. "Good morning, Grandpa." Lambing ko at humalik sa noo nito. Napakagat-labi akong nakatayo sa harap nito dahil saka lang ako nito patutuluyin sa silid ko oras na tapos na niya akong interview-hin sa pinuntahan ko kahit alam ko namang naka-report na dito kung saan ako galing at sinong mga kasama ko. Patuloy pa rin ito sa pagbuklat sa magazine na binabasa na tila hindi ako nag-e-exist sa harapan niya. Napapapikit na ako dala ng antok at kalasingan pero kailangan kong labanan at tumuwid ng tayo sa harapan nito na parang isang army sa harapan niya. Napahinga ito ng malalim at sa wakas ay itinabi na rin ang magazine sa center table bago ako pinasadaan ng tingin na nakakunot na naman ang noo kaya naglalabasan lalo ang mga guhit sa mukha dala ng katandaan. "Get ready yourself for your upcoming wedding next month. We're going to meet the family of your fiance this weekend" saad nito na ikinahimasmas ng patulog kong diwa. Napakurap-kurap akong tumitig dito na naka-pokerface lang namang nakamata sa akin. "Kasal? Fiancee? Are you drunk, Grandpa?" sa wakas ay naisatinig ko ang nasa utak ko sa sinaad nitong nakakagising ng ulirat! Tumayo ito at dinampot ang tungkod para sa suporta nito. Naglalakad-lakad pa ito sa harap kong nakat*nga lang sa kanya. " Do I have to repeat my words, Mariah? " napalunok akong umiling dito. Confirmed! Seryoso siya! May fiancee na akong 'di ko nalalaman?! Matatali na ako at mawawalan ng kalayaan sa edad na bente! No way highway?! Ang aga pa, ang bata ko pa! Naputol ang paglalakbay ng utak ko sa pagtikhim ng kaharap kong matiim na palang nakatitig sa akin. "Pero Grandpa-" naitikom ko ang bibig sa pagsalubong lalo ng kulay puti na niyang malalagong kilay. "That's final Mariah, wether you like it? Or not" pinal nitong saad bago ako tinalikuran pero hinabol ko para ipaglaban ang karapatan ko. Siguro nama'y deserve ko rin ng malinaw na explanation sa biglaan nilang pagpapakasal sa akin at sa susunod na buwan na agad-agad! "No Grandpa! Hindi ako papayag! Ayo'ko!" sigaw ko na ikinatigil nito. Dahan-dahan itong humarap at lumarawan sa mukha nito ang kirot na nang-alarma sa akin! Unti-unti itong napaluhod at napadakma sa kaliwang dibdib na ikinataranta ko at kaagad dinamayan ito! " Grandpa! Yaya help us! Hurry!" pagpapasaklolo ko dahil nawalan na ng malay si grandpa sa bisig ko! Tumalima naman ang mga katulong at kaagad tinawag ang ilang bodyguards namin sa labas para buhatin si grandpa. Umiiyak akong nakasunod sa mga ito at ni-dial ang number ni Daddy na kaagad namang sinagot. "D-Daddy please come home! Inatake sa puso si Grandpa! We're on the way to our hospital! I don't know what to do anymore!" naghe-heristical kong saad na ikinabigla din ni daddy. "Calm down hija, we're on the way now! Just please, hija stay at your Grandpa's side! Do you understand?!" tumango-tango ako sa narinig kay daddy kahit hindi ako nito nakikita. "Yes, Dad.... I'm sorry, it's my fault" pagtatapat ko na ikinahinga niya ng malalim sa kabilang linya. Nanginginig ako sa takot sa nangyayari kay grandpa na kasalukuyang inaasikaso nang aming family doctors dito sa Buenavista's General Hospital and Medical Center na isa sa pinakasikat at malaking hospital dito sa syudad. NANGANGATOG ANG mga tuhod ko habang nakaupo dito sa waiting area kaharap ang OR na kinaroroonan ni grandpa. Ilang oras na sila sa loob at hanggang ngayo'y wala pa ring lumalabas sa mga nurse at doctor na umaasikaso sa kanya kaya lalo akong kinakabahan. Dapat talaga pumayag na lang ako sa sinaad nito. Hindi na sana kami umabot dito kung hindi ako kumontra! Pakiramdam ko'y napaka-selfish kong hindi pinagbigyan si grandpa gayo'ng lahat ng luho ko mula pagkabata ay ibinibigay niya ng sobra-sobra pa sa hinihingi ko. Minsan lang siya humiling pero tinanggihan ko pa kaya ngayo'y inatake tuloy siya sa puso! Hindi ko mapapatawad ang sarili sa oras na may mangyaring masama kay grandpa! Si grandpa na ang kinalakihan kong magulang dahil busy ang mga magulang ko sa pagpapatakbo ng mga negosyo namin. Hindi na nga sila magkandaugaga sa pagma-manage sa mga negosyo namin dito sa bansa at sa abroad kaya namulat akong hindi sila nakakasama dahil sila ang nakatutok sa negosyo ng aming pamilya. Lalo na ngayon dahil si daddy ang nangungunang senador ng bansa. Panay ang daloy ng mga luha ko at tuluyan na nga'ng nagising ang diwa ko at nahimasmasan sa kalasingan sa nangyayari ngayon. Dating senador din si grandpa kaya sa kanya nagmana si daddy sa pagiging public servant habang mina-manage din ang aming mga negosyo. Napatunghay ako at napatayo ng sa wakas ay bumukas na ang pinto at nakangiting mukha ng family doctor namin ang iniluwal no'n. "Doc! How's my Grandpa!? Is he stable now?!" nag-aalalang tanong ko na ikinangiti at tango nito. Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko at nakahinga ng maluwag na ligtas na si grandpa. "Yes, Ms. ML don't worry Señor Buenavista is stable now" nakangiting saad nito na ikinatulo ng mga luha ko sa labis na tuwang ligtas na si grandpa. "Pero...iiwas muna natin si Señor sa makaka-stressed sa kanya dahil hindi natin masisiguro kung makakaligtas pa siya sa susunod na ika-atake ulit nito sa puso" segunda nito na muling nagpangatog sa mga tuhod ko. Nanghihina akong napaupo at napatangu-tango sa doctor namin. Tinapik naman ako nito sa balikat bago muling bumalik sa loob. Ilang sandali lang ay inilabas na nila si grandpa. Nakapikit pa rin ito at may suero na sa kamay at naka-oxigen mask na rin. Naluluha kong ginagap ang kamay nito at nakisabay sa paglipat sa kanya sa aming residential suites dito sa hospital. Nagu-guilty ako habang pinaghahaplos sa mukha si grandpa na wala pa ring malay. "I'm sorry, Grandpa for being stubborn. I promise I won't disobey you anymore. I'll marry that man you want me to marry" lumuluhang pakiusap ko habang hinahaplos ito sa pisngi. Maya pa'y bumukas ang pinto kaya napalingon ako at iniluwal no'n sina daddy at mommy na humahangos. Napatayo ako at sinalubong ang mga ito ng yakap. Napahagulhol akong sumubsob sa kanila habang yakap na nila ako at pinaghahalikan sa ulo. "How's your Grandpa, hija?" saad ni daddy habang nakamata na kay grandpa. Pinahid din ni mommy ang mga luha ko at napatango naman ako sa kanila na ikinahinga nila ng maluwag. " He's stable now, Dad. I'm sorry again" nakayukong saad ko at hinihintay sumbatan ako ni daddy pero hinawakan ako nito sa baba at iniangat ang mukha ko sa kanya. Nakangiti ito pero may bahid ng lungkot, takot at awa sa kanyang mga mata. " What important is your Grandpa's stable now, hija" napalabi akong niyakap itong muli sa ginhawang hatid ng sinaad nito. Buong akala ko'y makakatikim ako sa kanila sa nangyari kay grandpa pero laking pasalamat kong dinamayan at inaalo pa ako para maibsan ang takot at guilt sa puso ko. Lumapit na ang mga ito sa kinahihigaan ni grandpa at ginagap ang kamay nito. Naupo ako sa gawi ng sala para bigyan sila ng privacy kausapin si grandpa na wala pa ring malay hanggang ngayon. Saglit lang ay tumayo na rin ang mga ito at lumapit sa kinauupuan ko. Napapahinga ng malalim si daddy na paglakad-lakad sa harapan namin ni mommy na ngayo'y nakayakap na rin sa akin habang hinahaplos ako sa likod na nagpapakalma sa kaba at takot na nararamdaman ko. "Ano bang nangyari, hija?" maalumanay na tanong ni daddy kaya napabitaw ako kay mommy at tumuwid ng upo. "Ipapakasal na niya ako, sa hindi ko kakilala. Umalma po ako kaya siya inatake. I'm sorry po Dad" pagtatapat ko pero 'di ko manlang sila nakitaan ng kabiglaan. Mukhang ako lang ang walang alam sa nakatakdang kasal ko sa reaks'yon nila ni mommy. Napahinga ng malalim si daddy bago naupo sa tabi ko at ginagap ang mga kamay ko. Matiim itong nakatitig sa akin na ikina-kaba ko. "Listen hija, matagal na naming alam ang tungkol sa kasunduan na 'yan sa pamilya Mondragon" pagtatapat ni daddy na ikinatigil ko. "What do you mean, Dad?" nanginginig kong tanong. Mapait itong napangiti bago nagpatuloy. "It's been sixty years since that incident happened" paninimula nito habang napapatingala sa kisame na tila inaalala ang nakaraan. Ako nama'y tahimik lang na matiim nakatutok sa kanya. "Nagpunta noon ang Grandpa mo sa Basilan, para personal na mag-abot ng tulong sa mga kababayan doon na sinalanta ng lindol. Pero naharang ng mga r*belde ang sinakyan nila dahil isa ng congressman noon ang Grandpa mo at tumatakbong senador dahil buwan ng election noon. Pero dahil sa mga nag-respond na kasundaluhan ay nasagip ang Grandpa mo. Niligtas siya ng leader ng grupong sumaklolo sa kanila kaya nangako siya sa taong 'yon na balang araw ibabalik niya ang pabor sa ginawang pagligtas ni Capt. Joaquin Mondragon. Nagkasundo silang ipapakasal ang mga anak nila sa tamang panahon para hindi maputol ang ugnayan ng pamilya natin sa pamilya nila pero dahil parehong lalake ang mga naging anak nila at kalauna'y napabilang si Capt. Mondragon sa mga nasawi sa isang laban nila noon sa mga terorista, naipasa sa second generation ang kasunduan nilang magkaibigan. At 'yon ang hinihiling ng Grandpa mo ngayon, hija. Pakasalan mo ang apo ni Capt. Mondragon. Si Adrian Mondragon na anak ni Governor Sherwin Mondragon. Alam kong mahirap, hija. Pero unawain mo na lang ang Grandpa mo para sa kasunduan ng pamilya natin sa pamilya ng mga Mondragon. Do it for your Grandpa, hija. Kapag hindi mo natutunang mahalin ang batang ipinapakasal sayo ng Grandpa mo ako ng bahalang magpawalang bisa ng kasal niyo kapag naging miserable lang ang marriage niyo" mahabang paliwanag nito na ikinalinaw ng lahat sa akin. Napalabi akong napatango-tango sa paliwanag ni daddy. Nakakainis! Hindi ako makatanggi dahil natatakot din naman akong muling atakihin si grandpa at baka matuluyan na siya sa susunod. Hindi ko kayang may masamang mangyari na naman kay grandpa dahil sa pagmamatigas ko. Handa akong mag-sacrifice para sa kanya. Gano'n ko siya kamahal. ILANG ARAW DIN ang nakalipas bago nakalabas si grandpa ng hospital namin. Mas lumakas-lakas na nga siya kaya pinayagan na siya ng mga doctors niya. Naka-schedule na rin ang pagkikita namin sa pamilya Mondragon para sa kasal namin ng Adrian Mondragon na 'yon. Hindi siya pamilyar sa akin at wala akong interest alamin ang pagkatao niya. Buong kumpyansa naman akong hindi ko ito magugustuhan dahil mataas ang standard ko sa mga dine-date kong lalake, sa mapapangasawa pa kaya? PANAY ANG TUNGGA ko sa champaign ko habang nagkakausap-usap na ang mga matatanda sa lamesa namin. Nag-excuse na lang ako dahil wala pa naman ang anak nilang paimportante dahil hindi nakisabay sa mga magulang pero on the way na raw. Nandito kami ngayon sa isa sa mga exclusive main branch ng restaurant ni mommy para pag-usapan ang kasal at ipakilala kami ni Adrian sa isa't-isa. Napakibot-kibot ang nguso ko habang iginigiya ang paningin sa paligid. Marami-rami na ring mga kumakain dahil maggagabi na. Maya pa'y may patakbong binata sa gawi nila grandpa. Naka- jeans black na tattered style ito at black plain shirt habang may hawak na black leather jacket sa kamay maging rubber shoes nito ay black din! Para siyang sangganong kagagaling sa lamay ang itsura. May hikaw pa ito sa gilid ng labi na lalong ikinalakas ng datingan niya. Saglit pa itong huminto sa tapat ko at ngumiti ng may pakindat na ikinabilis ng pagtibok ng lintek kong puso! Natulala ako sa itsura nitong napaka-manly ang itsura at datingan. "Laway mo honey, sipsipin ko 'yan" anas nito sa mukha ko at marahang pinadaanan ng hinlalaki ang ibabang labi kong bahagya nga'ng nakaawang! Nag-init ang mukha ko at napaiwas ng tingin sa nanunudyong titig nito na may naglalarong pilyong ngiti sa mga labi na napakasarap lantakan sa paningin ko! Nagpakurap-kurap pa akong napatitig doon ng bahagya niyang iniawang at isinubo ang hinlalaking pinangpahid lang kanina sa labi ko! Namilog ang mga mata ko at lalong pinamulaan ako ng mukha! "Ahm! How dare you" mahinang singhal ko at sinamaan ito ng tingin. Tatawa-tawa naman itong umatras at may pakagatlabi pa habang malagkit akong tinititigan paatras. Nabundol pa nito ang isang waiter namin sa paatras nitong paglakad sa gawi nila grandpa. Inirapan ko ito at inisang lagok ang natitirang champagne ko sa baso bago muling nagpasalin sa dumaang waiter. "Mariah hija, come here!" napalingon ako sa gawi nila grandpa sa pagtawag sa akin. Naibuga ko ang nasa bibig kong champaign ng makita doon ang m*nyak na lalaking nakaharap ko na prenteng nakaupo sa tabi nila mr and mrs Mondragon! Pareho pa kaming natigilan at napatitig sa isa't-isa sa pagtawag sa akin ni grandpa. No way?! Ang m*nyakis na 'yon ang Adrian Mondragon na mapapangasawa ko?! Nanginginig ang mga nanigas kong tuhod na pilit kong inihahakbang sa gawi nila grandpa. Nakangiti silang nakamata sa akin habang ngising-ngisi naman ang m*nyakis guy sa akin na makumpirmang ako ang mapapangasawa! Ngayon pa lang ay bumabaliktad na ang sikmura ko at nasusukang malamang ito ang mapapangasawa ko! Para siyang babaerong basagulero sa kanyang pormahan. Kahit pa likas na makahulog panty ang kagwapuhan nito'y walang-wala siya sa standard ko. Unang beses pa lang naming nagka-encounter obviously nga'ng babaero ito! Sa galawan at tinginan pa lang niya ay mababasa mong m*nyakis ito! Lintek na buhay bakit siya pa! Napakamalas ko namang maipagkasundo sa bw*sit na 'to! " Ahm, ML hija. Siya ang anak nila balae Swerwin at Anna, ang unico hijo nila. Si Adrian. Magpakilala ka, sa mapapangasawa mo" saad ni daddy. Muntik pa akong maduwal na makumpirmang ito nga ang Adrian na ipapakasal sa akin. "Lira" labas sa ilong pagpapakilala ko. Tumayo naman ito at inilahad ang kamay habang nangungutitap ang mga matang nakatitig sa akin. Lihim akong napangisi dahil bakas sa mga mata nito ang paghanga sa kagandahan kong taglay. Hindi siguro nito inaasahang isang buhay na dyosa ang mapapangasawa. Tsk. "Hi, it's nice to finally met you Lira, my soon to be wife. Adrian by the way" nakangiting pagkakakilala nito sabay angat ang kamay kong 'di mabitaw-bitawan at dinala sa mga labi nito. Napalunok akong napasunod ng tingin at parang kinuryente sa pagdapo ng malambot nitong mga labi sa balat ko! Impit pang napatili si tita Anna at mommy sa ginawa nito habang nakangiti sila sa amin kaya 'di ko magawang suwayin ang m*nyakis na 'to! Tama nga ang first impression kong m*nyakis at babaero ito! Bw*sit! MATAPOS NAMING PAG-USAPAN at ini-set sa susunod na buwan ang kasal nami'y hinayaan nila kaming magkasarili ni Adrian. Nauna na akong lumabas ng restaurant pero sumunod ito at kaagad sumakay sa passenger seat na ikinataas ng kilay ko. Nagngingitngit ang mga ngipin kong pabalang naupo sa driver side at padabog isinara ang pinto. Napairap na lang ako dito na ngiting-ngiti habang pinagmamasdan ako. Nanunuot sa buto ko ang lagkit ng pagkakatitig nito sa akin na ikinakatayo ng mga balahibo ko sa katawan. "Saan tayo, honey?" napaikot ako ng mga mata sa lambing ng pagkakatanong nito habang nakaharap pa rin sa akin at namamangha akong pinakatititigan. "Don't call me that way. Magiging asawa lang kita sa papel. Hindi ang katulad mo ang nais kong makasama habang-buhay" diretsahang pambanara ko na ikinapalis ng matamis nitong ngiti. Kita ko sa peripheral vision kong napaiwas tingin ito at nagtaas-baba ang adams apple. "Pero naka-set na ang kasal natin next month Lira. Tanggapin mo na lang, hindi naman kita pababayaan sa piling ko" para akong kinuryente sa baritonong boses nito na napaka-sexy ng dating sa pandinig ko. Lihim akong napangiti at kinilig sa sinaad nito na 'di ko batid kung totoo ba? O nambobola lang. TUMULOY KAMI sa tambayan naming magkakaibigan. Sa bar nila Liezel dahil may vip access ako dito at kahit hindi na ako magbayad sa mga inumin ko dito'y walang problema. Sumunod pa rin naman si Adrian at bakas ang pagkamangha nito habang iginigiya ang paningin sa paligid. Nanigas ako ng pinagsalinop nito ang mga kamay namin habang napapalingon sa bawat nadadaanan namin. Hinayaan ko na lang ito at nagpatuloy sa elevator dahil sa third floor ang madalas naming tambayan kung saan mga anak bilyonaryo lang ang nakakapasok dahil may mga vip card ang mga ito. Habang dito sa first at second floor ay p'wede kahit mga walang vip card as long as may pambayad sila sa mga nagmamahalang inumin dito. Secured naman ang buong lugar na 'to sa kaliwa't kanang naglalakihang bouncer na nagkalat at nakamasid sa buong lugar. Nagkalat din ang mga cctv camera para sa seguridad ng mga costumer. Magkahawak-kamay kaming lumabas ng elevator at hindi maiwasang pagtinginan kami ng mga nakakasalubong at sabayan namin na ikinaiilang ko. Hindi pa ito nakuntento at humapit na rin ito sa baywang kong ikinalunok ko ng sunod-sunod! Para akong sinilaban ng apoy sa pagkakayakap na nito sa akin habang naglalakad kami papasok sa vip room naming naka-accupied sa akin. Kabisado na ako ng mga waiter dito at napakagiliw nila kaming inaasikaso dahil hindi naman lingid sa kaalaman nilang matalik kaming magkaibigan sa tagapagmana nitong building na pinagtatrabahuan nila. "Bitaw na" madiing saad ko nang makalabas na ang waiter na magiliw umasikaso sa amin at dinalhan kami ng inuming in-order ko. Bahala ang Adrian na 'to sa inumin niya dahil sumabit lang naman siya sa akin. Ngingiti-ngiti naman itong bumitaw at nagtaas pa ng kamay na animo'y kriminal na sumusuko. Tsk. Napairap ako dito at pabalang umupo sa pang-solohang couch at sa baba itinuon ang paningin kung saan nagkakasiyahan ang mga nandoon sa dancefloor. "Stop staring, will you?!" naiiritang saad ko dito dahil panay pa rin ang matiim nitong pagtitig na tila hindi nagsasawang tinititigan ako. "Sorry honey, I just can't believe that you're gonna be my wife" saad nitong nagpatili sa utak ko. Kainis! Ang galing niyang magdala! Halatang sanay na sanay mangtunaw ng katinuan sa mga linyahan at uri ng pananalita niyang napaka-manly at may halong lambing. Mariin akong napapikit at dinampot ang shot kong black label. Sanay naman ako sa alak. Nakikipag-magdamagan nga ako sa mga kaibigan kong lasinggera din. "It's annoying! P'wede ba? H'wag kang titig nang titig nakakairita" madiing singhal ko na ikinangiti lang nito at napakibit-balikat pa bago dinampot ang baso at nagsalin ng inumin. "Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin, honey? Wala pa nga akong ginagawa o gusto mo...." sinamaan ko ito ng tingin sa sinaad nitong may ibig sabihin habang nangingiti ng 'di mapagkakatiwalaan lalo't may kamang nakaabang dito sa loob ng vip room na kinaroroonan namin. Muli akong lumingon sa baba sa mga nagkakatuwaan pa rin sa dancefloor dahil salamin lang naman ang nakapalibot dito sa silid at kitang-kita ang mga tao sa labas pero tinted ito sa labas kaya hindi mo makikita ang mga tao dito sa loob. "Kung sa tingin mo, makaka-score ka sa akin Mr. Mondragon?....Tsk! Tsk! Tsk! In your dreams" pambabara ko sa pantasya nito na ikinadaan ng sakit sa kanyang mga mata. Nakonsensya naman ako sa pagiging matalas ng dila ko sa paglamlam ng sigang itsura nito. "Sorry. Aaminin ko, hindi kita type. Kaya p'wede kang magpatuloy sa gawain mo kahit pa kasal na tayo, at gano'n din ako. Sa papel lang tayo mag-asawa, nothing more, nothing less" napalabi itong napatangu-tango at inisang lagok ang shot na 'di manlang gumuhit ang init at pait sa gwapo niyang mukha. Mukhang sanay na sanay ito sa mga alak. "Pero, bakit ka pa pumayag makasal tayo kung hindi mo naman pala ako gusto?" may halong pait na tanong nito. Ako naman ang napa-isang lagok sa shot ko at gumuhit ang init at pait sa lalamunan kong ikinangiwi ko. Nangingiti naman itong pinagmamasdan ako. "Kasi mahal ko ang pamilya ko" simpleng sagot ko na ikinatango-tango nito bago nagsalin sa mga baso namin. "Ikaw? Bakit ka pumayag?" balik-tanong ko na ikinalapad ng ngiti nito at muling nabuhayan ang mga matang nangungutitap na nakatitig sa akin. "Ayo'ko sana eh, pero 'di ko naman kayang tanggihan ng makita ko kung gaano ka-dyosa ang mapapangasawa ko" walang prenong pagtatapat nito. Napapailing na lang ako sa pagiging straight to the point nito na lihim kong ikinakilig. Lintik na pusong 'to! Hindi ko masaway kahit kinakastiguhan ng utak ko. "Let me just clear to you, sa papel lang tayo mag-asawa. Hinding-hindi ako magpapakama sa taong wala akong pagtingin so if I were you? Tigil-tigilan mo na 'yang pagpapantasya mo sa akin habang maaga pa dahil wala kang mapapala sa akin" direktang saad ko at muling tinungga ang baso ko. Matiim lang naman itong nakatitig sa akin na parang binabasa ang nasa isip ko. "Kanina mo pa inuulit-ulit 'yan. Oo na, hindi mo ako type. Kaya naiintindihan ko at nirerespeto ko ang desisyon mong hanggang sa papel lang tayo. Isa lang ang pakiusap ko habang kasal tayo" seryosong saad nito habang matiim akong pinakatitigan. Nagkibit-balikat ako dito para magpatuloy. "H'wag kang manlalake, sa harapan ko. Dahil gano'n din ako, hindi ako mambababae kapag nakaharap ka" naibuga ko tuloy ang iniinom ko at nasamid. Kaagad naman itong tumayo at hinimas-himas ako sa likod na ikinatulos ko. Napakainit ng palad nitong humahaplos sa nakalantad kong likod. Tiningala ko ito na ikinamilog ng mga mata ko dahil sinalubong nito ang mga labi ko ng isang mapanugtong halik! "Umpt!!" pinagsusuntok ko ito sa braso pero para lang akong sumusuntok sa pader na walang pakiramdam. Nilalakumos na niya ang mga labi kong kusang dahan-dahang tumugon dito! Panay ang sigaw ng utak kong itulak na ito pero parang may sariling isip ang mga kamay kong dumantay sa magkabilaang braso nitong kay titigas! Dahan-dahang namigat ang mga talukap ng mata ko at mas pinalalim ang pagtugon nito. Hindi ko namalayang nagiging agresibo na kami sa isa't-isa na ngayo'y nakapatong na ito sa akin at nakahiga na kami sa kama ng 'di ko namalayan! Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig at napamulat ng mga mata nang maramdaman itong humahaplos na sa nakalantad kong mga hita dahil sa iksi ng backless dress ko! "Stop!" awat ko sa kamay nitong pumipisil-pisil sa hita ko at malapit nang makapasok sa singit ko! "Bakit honey?" naguguluhang tanong nito at namumungay na rin ang mga matang nakakatupok sa akin. Para niya akong pinapailalim sa kanyang kapangyarihan na mapasunod sa lahat ng gusto niya. " Ohh f*ck" kusang kumawala ang impit na ungol ko nang sumubsob ito sa aking dibdib at marahang sinisipsip ang nakalitaw kong cleavage na lalong nagpapainit sa nararamdaman ko! "Sh*t I'll gonna kill you Mondragon I said stop!" nahihirapang saad ko na ikinatigil nito at napangusong parang paslit na sinuway ng magulang. "Honey naman" maktol nito at ramdam ko sa puson ko ang katigasan nito kahit pa nakasuot pa rin naman ng pantalon ito. Napalunok akong nagiwas tingin dito at marahang itinulak. Bumangon na ako at inayos ang damit at buhok kong bahagyang nagulo. Napaupo na rin ito at kakamot-kamot sa batok habang pinapanood ako. Sinamaan ko ito ng tingin at tinungo ang pinto na ikinaalarma nito. "Sandali!" pigil nito sa kamay kong ikinataas ng kilay ko. Nahihiya ang mga mata nitong 'di makatingin sa akin ng diretso. "What?" nakataas kilay kong tanong na ikinangiwi nito at muling napakamot sa batok. "Ahm, pasabay naman oh. 'Di ko dala ang kotse ko, nando'n ang wallet at cellphone ko" mahinang pakiusap nito na ikinangisi ko. Humugot ako ng sampung libo sa pouch ko at inabot ditong napat*nga sa perang inilapag ko sa palad nito. "Is ten thousand enough?" namula itong napaiwas ng tingin at ibinalik muli sa kamay ko ang perang iniabot ko kaya napakunot ako ng noo. " 'Di bale na lang, kung ayaw mo akong isabay sa iba ako makikisabay. Hindi ako namamalimos ng pamasahe sayo" saad nito na nagpasundot ng konsensya ko. Nauna itong lumabas at mukha nga'ng na-bad-trip ko kaya kaagad kong sinundan ito. Ang lalaki ng hakbang nito kaya napapatakbo na ako para masabayan ito. Tahimik naman ito at halatang nasira na ang magandang mood. Diretso itong naglakad ng tuwid palabas ng bar habang patakbo ko itong sinasabayan. Kinonsensya pa kasi ako ng mokong! Kainis! Pagkalabas namin ng bar ay nagtungo ito sa pedestrian lane at bagsak ang mga balikat na tila pasan ang mundo sa laki ng problema. Napabuga ako ng hangin at tinungo ang sportscar kong nakaparada sa parking nitong bar. Kaagad akong sumakay at dumaan sa tabi nito para isabay na pero natigilan ako ng makitang may kayakapan na agad itong haliparot na nakikipaghalikan na sa kanya kahit pa maraming napapatingin sa kanilang napapadaan. Para namang tinutusok ang puso ko sa nakikita ngayon at kusang tumulo ang mga luha ko. Napailing na lang akong mapaklang natawa at pinaharurot na ang kotse palayo sa kanila! Nalingunan ko pa sa side view mirror ko na bumitaw na ito at matamang napasunod ng tingin sa papalayong kotse ko. "Such a f*ckboy! Asshole!" sigaw ko at mapaklang natawa sa unang gabi namin. Sabi na nga ba't tama ang hinala ko. Babaero ang mokong! Mabuti na lang nakapagpigil pa ako at 'di nagpatangay sa mga halik nitong nakakatangay ng katinuan. Mahigpit akong napakapit sa manibela at nagngingitngit ang mga ngipin ko sa 'di ko maipaliwanag na dahilan. "Walang modo, nakakita lang ng ibang nakapalda dinakma kaagad!" natatawang sigaw ko habang mabilis na nakikipagkarerahan sa mga kasabayan ko dito sa highway. Ngayon pa lang dapat ko ng lagyan ng boundary ang pagitan namin. Lalo na pag magkasama na kami sa iisang bubong. Hindi ko kayang sikmurahing makahalikan ulit ang katulad niyang napakababaero! Baka mamaya mahawaan pa ako ng bad breath sa mga kinakalaplapan nito kung saan-saan! Napapahig ako ng mga labi nang maisip ang mainit naming pinagsaluhang halik kanina sa loob ng vip room! " Nakakadiri kang lalake ka! F*ck you! Napakalandi mong nilalang! Magsama kayo ng mga kaladkarin mong babae wala akong pakialam! How dare you! Babasagan kita ng itlog hayup ka!" nanggagalaiting sigaw ko. Nagpupuyos ako sa galit na bigla na lang lumukob sa dibdib ko. Pakiramdam ko'y naagawan ako ng bagay na.......pag-aari ko na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD