Adrian: NAAAWA AKONG HINAHAPLOS ang asawa ko sa ulo nito na parang batang nagsumiksik sa dibdib ko. Ramdam ko ang takot na nararamdaman nito sa kanyang napanaginipan. At kung hindi ako nagkakamali ay naalala na niya ang nakaraan. Kung sino ako, kung ano kami. Kahit hindi niya sabihin ay sa uri pa lang ng kilos nito ay mahihinulaan ko na....may ideya na siya kung sino ako at anong nangyari sa nakaraan namin sa lugar na 'to. "Adrian.." pinahid ko ang luha nitong tumulo. Kahit nahihimbing na ito ay mukhang sariwa pa rin sa kanya ang gabing naging bangungot sa nakaraan naming dalawa. Kung saan ko siya unang natagpuan...at nakilala. "Husshh now honey, you're not alone. I'm always here for you" pagkausap ko habang hinahaplos ito sa ulo na nakakulong sa bisig ko. Mapait akong napangiti at mas