Adrian: MATAPOS ANG NAKAKANGAPAL mukhang eksena namin ni Lira sa conference ay inakay ko na ito palabas lalo na't kitang may tama na rin ito dahil nakakarami na ng nainom. Tapos ko naman ng makilala lahat ng staff na makakatrabaho ko dito sa restaurant. Magpapalusot na lamang siguro ako bukas sa kanila bilang paliwanag sa ginawa ni Lira. Napakatahimik na naman nito habang binabagtas na namin ang kahabaan ng highway pauwi ng condo. Kahit nga ang sulyapan ako ay 'di niya magawa. Kita ko sa peripheral vision kong nakabusangot itong tila kay lalim ng iniisip. Nangangamba naman akong basagin ang katahimikan sa pagitan namin lalo na't hindi maganda ang temper nito ngayon. Baka mamaya bulyawan pa ako nito at paglakarin dito sa kahabaan ng highway. Sabi nga less talked, less argument, less pa