Chapter 16 LOREBEL 'LORRIE' Habang narito ako sa rooftop ay sinimulan ko nang pakalmahin ang aking sarili. Nang medyo malinaw na ang aking isip ay doon naman nag-umpisang magtalo ang utak ko kung pagsisisihan ko ba ang kusang pagpapalayas ko sa sarili ko sa penthouse ni Hector o paninindigan ko ito. Palakad-lakad ako rito sa rooftop kahit na liwanag lang buwan ang tanglaw ko. Paroon-parito ako hanggang sa tinablan ng lamig ang balat ko. Iniisip kong huwag nang bumalik sa penthouse at naisip na bumalik sa mga kaibigan ni Hector para humingi ng pabor para matulungan nila ako sa maaari kong gawin subalit sumagi sa isip ko ang nakaka-guilty na ideya na malalamatan ang pagkakaibigan nila ng dahil sa akin. Mabigat sa loob ko na manira ng friendship. Naroon na 'ko na hindi maganda ang tr