Chapter 1
"MADI, A—ANO 'TO?"
"Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita na damit 'yan? Costume." Masungit na sagot ni Madi na parang nanunusok ang talim ng kanyang titig.
Si Madi ay pinsan ko. Anak s'ya ni Tiyang Mona na half-sister naman ng namayapa kong Papa. Wala akong kinagisnang ina. Si Papa naman ay maagang nakipag-ayeball kay San Pedro, grade two palang ako. Sanggol palang ako ay si Lola Agapita na ang nag-aruga sa akin pero dalawang buwan na ang nakararaan ay sumakabilang-buhay na rin s'ya. Tabacco lover kasi ang mahal kong Lola kaya komplikasyon sa baga ang ikinamatay n'ya.
Dahil sa mahabang gamutan ni Lola Agapita hanggang sa burol nito ay nagawang maisanla ang bahay at lupa namin sa probinsya. Dahil si Tiyang Mona na lang ang kilala kong malapit na kamag-anak ay pumayag ako sa alok n'yang sumama sa kanya rito sa Maynila. Nangako ang T'yang na tutulungan n'ya akong makapaghanap ng maayos na trabaho ngunit mahigit isang buwan na ako sa puder ni T'yang ay hindi n'ya pa rin ako pinapayagan na maghanap ng trabaho.
Para akong priso sa bahay nila. Ang Tiyahin ko na akala ko ay siyang tutulong at magmamalasakit sa akin ay s'ya palang mag-aalipin sa akin at mas magpapalugmok sa akin sa kahirapan. Iniisip ko mang tumakas sa puder ni T'yang Mona ay palagi akong pinapangunahan ng takot. Pinagbabantaan n'ya ako parati na tuluyan daw n'yang ibebenta ang bahay at lupa ni Lola Agapita sa probinsya oras na takasan ko s'ya.
Hindi ko alam kung masamang tao ba ako no'ng past life ko at bakit ganito na lamang ako pahirapan ng kapalaran ngayon. Si T'yang Mona, si Madi, pareho silang kontrabida sa buhay ko.
"E hindi naman uniform ng waitress 'to, Madi," ani ko matapos kong suriin ang damit na initsa sa akin ni Madi. Lingerie set ito at may kasamang telang makintab na parang kumot ngunit nang suriin ko ay isang kapa pala. Kahit hindi ko pa ito naisusuot ay pihado akong labas ang bra at kuyukot ko sa damit na ito.
O damit pa ba talagang matatawag ito?
Kinakabahan tuloy ako. Isinama ako sa malayong lugar na ito ni Madi dahil ang sabi n'ya ay i-ekstra akong crew sa isang catering services ng kakilala n'ya. Isang libo raw ang bayad kaya tinanggap ko atsaka pinayagan din naman ako ni T'yang Mona na sumama rito sa anak n'ya.
"Tonta. Hindi ka magwi-waitress." At kinumpirma na nga ni Madi ang isa sa mga naiisip ko. "Nagka-emergency 'yong isang kasama ko. Binugbog ng jowa kaninang hapon kaya na-ospital. Wala akong mahanap na ibang papalit doon dahil kakatanggap lang namin ng impormasyon tungkol sa babaeng 'yon. Ikaw ang papalit sa kanya."
"Papalit saan?"
Umikot ang mga mata ni Madi. "Entertainer. Sasayaw ka lang. Sisiw lang 'yon sa'yo dahil sumasayaw ka naman sa pipitsuging piyestahan ro'n sa baryo ninyo noon."
Nagsalubong ang kilay ko. "S—sasayaw ako at ito ang isusuot ko?"
"Natural. Ang hina mo naman makaintindi. Bwisit."
"Pero, Madi. Madi, ayoko—"
"Hoy! Hindi kita pinapapili que sa ayaw o gusto mo. P'wede ba? Wala kang choice kundi sumunod sa akin, naiintindihan mo? Tiba-tiba itong raket na napatid ng grupo ko at malilintikan ka sa akin oras na pumalpak ang booking naming ito dahil sa kaartihan mo. Maya-maya lang ay parating na ang mga kliyente kaya bilis-bilisan mo na ang pagbibihis, Lorrie. Napakaarti.”
Sinipulan ni Madi ang bakla naming kasama na nagyoyosi sa may bintana. "Brenda, make-up-an mo ng mabilisan itong isang ito. Ito na ang asikasuhin mo."
"Anjanette na, 'ti." Ngumisi sa akin ang bakla.
Isang bahay bakasyunan itong pinagdalhan sa akin ni Madi pero wala kami sa mismong loob ng rest house dahil dito kami pinatuloy sa maliit na bahay dito sa bandang likuran. Parang tirahan ng mga kasambahay siguro. Hula ko lang.
"Upo ka rito, bi," untag sa akin ng baklang nagsisilbing assistant ng grupo ni Madi. Maingat niya akong hinila paupo sa plastic na upuan.
Hindi lingid sa kaalaman ko na pagsasayaw sa club ang hanapbuhay ni Madi pati ng itong mga kasama n'ya. Extra side hustle job nila itong pagbibigay aliw sa mga stag party. Exclusive booking kumbaga. Hindi naman lihim sa bahay at sa lugar nina T'yang Mona ang gawaing ito ni Madi kaya kahit wala akong interes sa pinaggagawa n'ya ay nalalaman at nalalaman ko rin.
Nagmamakaawa akong tumitig sa baklang tinatawag nila sa pangalang Brenda. "'Ti, h—hindi ko kaya ang ginagawa nila. Tulungan mo naman ako oh. Hindi ko kaya ang trabaho na 'to." Halos pabulong ko lang na sabi sa pangamba kong marinig iyon ni Madi na narito lang din sa loob ng bahay at inaayusan ang sarili.
"Lakasan mo lang ang loob mo, bi. Malaking atik ang naghihintay sa grupo ninyo. Kung akis lang ang may ganito kagandang mukha, seksi tapos may kiffy na katulad ninyo, kahit tumabi na kayong lahat. Gibsung ko na ang buong pagkatao ko." Sinimulan niyang i-clip ang bangs ko na tumatabing sa aking mukha.
"Ang ganders mo talaga, bi. Malamang no'ng nag-Reyna Elena ng kagandahan ang sanlibutan ay ibinilad ka sa taas ng bubong ng mga magulang mo."
Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Naa-appreciate ko naman ang compliment n'ya sa akin pero hindi ko magawang ngumiti dahil takot ang nananaig sa sistema ko.
"Alam mo, gan'yan talaga kapag first time, kakabahan ka pero maniwala ka sa 'kin, bi. Splok ko na sa'yo na kapag makita mo 'yong mga kliyente mamaya, zirowena na 'yang kaba mo dahil mga guash na super to the max ang mga sasayawan ninyo. Mga Maharlika, bi at kajowa-jowabelles. Kung ako sa'yo, pag-igihan mo ang performance mo na ala-Beyonce dahil sa ganders mong 'yan ay baka makapatid ka ng isang Papable."
"K—kilala mo ba ang mga kliyente?"
Impit ang kilig ni Ating bakla. "Yis, bi. Mga high-profile 'yon, guerrero sa kapogian. Sa internet at tabloid ay Trojan Armies nga raw ang bansag sa kanila. Mga malalaking negosyante sa bansa at pulitiko pero kapag inalok ka ng extra service, 'wag kang pumayag kaagad ha? Bata ka pa at bago ka lang sa kalakaran na ito. At kahit hindi ko itanong ay sigurado akis na hindi pa nalu-Luz Valdez ang virginity mo."
Napalunok ako. "Ayoko. Hindi ho ako papayag. Hindi ko ho talaga kaya."
Gusto ko nang maiyak. Kahit narito ako sa pinakalugmok na kabanata ng buhay ko ay hindi ko hahayaan na umabot ako sa desisyon na ibebenta ko ang puri at dignidad ko kapalit ng pera. Kung alam ko lang na hindi pag-i-ekstra sa catering service itong pagdadalhan sa akin ni Madi ay nagmatigas sana akong lumabas sa bahay nila kanina.
"Hindi ka p'wedeng pilitin sa ganoong bagay kahit na si Madi pa 'yan, bi unless kung ikaw mismo ang papayag. Ang tama mong gawin ay bonggahan mo na lang jembot at twerk mo para bigyan ka ng limpak-limpak na datung. Libu-libo ang Shurely Fuentes mong mai-take home. Talo mo pa ang mga beauty nila sa true the fire." Ibinulong n'ya lang ang huling linya na iyon.
Wala pang fifteen minutes ay namake-up-an na ako ni Brenda. Lumapit kaagad si Madi.
"Sakto na 'yan. Magbihis ka na. Bilisan mo at ikaw na lang ang hinihintay namin." Bossy na utos nito. Parang fishnet ng mangingisda ang suot ni Madi. Labas ang kaluluwa.
Kipkip ko sa aking dibdib ang damit na isusuot ko ayon kay Madi ngunit bago ako dumiretso sa loob ng banyo ay nakuha kong itanong kay Madi ang tungkol sa perang makukuha ko sa trabahong ito na labag sa loob ko.
"Madi, magkano ang ibibigay mo sa akin pagkatapos nito?"
Tumaas ang sulok ng labi nitong kumapal dahil sa madilim na shade ng pulang lipstick. "Five kyaw." Balewalang sabi nito.
Narinig iyon ni Brenda. "Hoy gagita ka, ti. Buburautin mo talaga itong Diyosa mong pinsan. Grabe s'ya."
Umikot ang mga mata ni Madi. "S'ya, kinse mil. Malaki na 'yan total sabit ka lang naman sa raket naming ito."
Masama pa ang loob n'ya. As if namang nagmakaawa akong isabit niya ako sa trabaho nilang ito. At dinuro pa niya ako.
"Pero siguraduhin mo lang na aayusin mo ang performance mo dahil masisira talaga iyang buhay mo oras na mag-inarte ka mamaya sa show."
Hindi talaga maayos ang hilatsa ng mukha ko nang maiusot ko na ang stripper's costume. Pakiramdam ko ay nakabuyangyang pati ang kaluluwa ko. Naisip ko kung paano na lang kung sinusundan ako ng kaluluwa ni Lola Agapita? Baka mamaya nito ay kurutin niya ako sa singit.
Pero naging lakas ng loob ko ang perang ibabayad sa akin ni Madi pagkatapos nito. Kinse mil. Sobrang malaking bagay na iyon para sa akin pero dalangin ko lang na sana ay hind ako dayain ni Madi.
Nagtanda na ako sa inabot kong bangungot sa kanila ni T'yang Mona. Simula kasi nang dalhin ako ni T'yang Mona sa bahay nila, ni isang sentimo ay wala pa akong natatanggap mula sa kanila. Ang pangako lang ni T'yang sa 'kin ay tutulungan naman daw nila akong matubos ang bahay at lupa ni Lola Agapita. At kapag daw tumakas ako sa kanila ay tuluyan na raw n'yang ibebenta iyon. Iyon ang paulit-ulit na pananakot ni T'yang sa akin kaya pinili ko na lamang ang magtiis sa impyernong bahay nila.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako nagpasyang lumabas na ng banyo. Nahihirapan akong sulyapan ang aking sarili sa harapan ng salamin dahil parang naninikip ang sikmura ko sa hitsura ko.
Inipon kami ni Brenda sa iisang hilera. Bale ako ang pang-anim na miyembro sa grupo nina Madi. Inimporma kami ni Brenda na may darating daw na tao na may mahalagang sadya sa amin. Hindi pa man gaanong nakakapagpaliwanag si Brenda ay mayroon nang kumatok mula sa labas.
Isang nakasuot ng purple business suit ang taong pinagbuksan ng pinto ni Brenda. Matangkad, maputi at guwapo. May kasingkitan ang mga mata. Para itong ramp model na walang kaemo-emosyon. Isa-isa kaming tinignan nito bago ito humakbang papasok.
"I'm Gavius Alvizo, executive assistant of Mr. Hector Evandre Griego. I have the NDA here for all of you to signed. The terms of this agreement will lasts for like a lifetime. Ibig sabihin ay hahnggang sa hukay ninyo ay wala kayong maaaring pagsabihan ng ano mang magaganap sa gabing ito sa pagitan ninyo at ng mga big boss." Pormal lang ang tono nito pero nakakatakot.
Ang daming tumatakbo sa isip ko habang ipinapasa sa amin ni Brenda ang papeles na dala ni Mr. Executive assistant daw kaya naman ako ang nahuli sa pagpirma.
"Bi, ikaw na." Pukaw sa akin ni Brenda na inaabot na sa akin ang ballpen.
Ipinaliwanag sa amin ng lalaki na non-disclosure agreement daw itong pinirmahan namin. Proteksiyon daw ito sa mga kliyenteng aaliwin namin ngayong gabi. Bawal kaming maglabas ng confidential na impormasyon ukol sa ano mang magaganap kung hindi ay makukulong kami at magbabayad ng isang daang libong piso kada-isa sa amin kung mangyaring malabag namin ang nakatala sa NDA.
Iniwan kaagad kami ni Mr. Executive assistant pagkatapos nitong makolekta ang mga NDA na napirmahan namin.
"Paminta si koyah mo, 'ti." Nakahagikhik na usal ni Brenda pagkaalis ng lalaki ngunit kaagad din itong sumeryoso nang pinandilatan ito ng mata ni Madi.
Hindi nagtagal ay pumasok na kami sa loob ng mismong rest house. Halos ikasinghap ko pa ang mga bodyguard na natanawan ko sa palibot ng property, indikasyon na matataas na uri nga ng mga personalidad ang narito sa loob. Lumalagabog na ang dibdib ko sa kaba. Hindi ako maaaring pumalpak dito dahil baka mamaya paglabas ko ay ma-shoot to kill ako ng mga bodyguard na nasa labas.
Paakyat na kami sa hagdan dahil sa ikalawang palapag daw gaganapin ang aming private show. Nahuhuli ako sa kanila habang si Brenda ay naiwan lang sa maid's house. Nang tumingala ako ay madilim sa second floor. Patuloy na dumadagundong ang kaba sa aking dibdib na para bang may nagkakarerang mga kabayo sa loob niyon. Sa tanang buhay ko ay hindi ko inakala na mapupunta ako sa ganitong uri ng sitwasyon. Na mang-aaliw ako ng mga lalaki.
Pagkarating namin sa ikalawang palapag ay siya namang pagsisimula ng isang sensual at slow na tugtog. Pagsampa ko sa ikalawang palapag ay umilaw na rin ang isang malikot na disco light. Dala ng kaba ko'y nadampot ko ang isang baso ng alak na namataan ko sa ibabaw ng isang corner table na nadaanan ko.
Ilalapag ko na sana ang basong nasimot ko ang lamang alak nang may biglang lumabas sa isang pinto. Dali-dali akong sumunod sa grupo nina Madi ngunit bago pa ako makalayo ay may narinig akong boses na sa palagay ko ay galing doon sa lalaking lumabas sa pinto.
"Have you disposed of that scotch where you dropped a forsaken aphrodisiac drug, Jax?"
"Itinabi ko na ro'n sa mesa, Rhig. Stop nagging me. Kailangan kong mag-focus sa mga dancer dahil stress ako. Leave me alone now, will you?"
"You're really an idiot, Jax!"
Bukod sa nagtatalong dalawang lalaki ay may nasulyapan din akong lima pang kalalakihan na nakaupo sa iba't ibang couch. Nang maalala ko ang fifteen thousand na makukuha ko pagkatapos nito ay kusa na lamang gumalaw ang katawan ko at ginaya ang ginagawa ng grupo ni Madi.
"Ajax is over there, ladies. He's the cursed groom-to-be and he needs the three of you." Narinig kong wika ng isa sa limang nakaupo.
"Come to papa, babies and show me what all you have got,” wika noong tinawag na Ajax.
Si Madi ay kasama sa tatlong babae na pumihit paharap sa gawi ko. Sensuwal ang kanilang galaw nang lapitan nila ang isa sa dalawang lalaki na nagtatalo kanina malapit sa akin.
Patuloy kong ginagaya ang marahan ngunit sensuwal na sayaw ng mga kasama ko. Marunong naman akong sumayaw at parati akong bida-bida noong elementary at high school ako at madalas akong nagpiprisenta ng intermission dance number kapag mayroong event sa school pati na tuwing piyesta sa baryo namin.
Ngunit hindi ko na gaanong maalala kung kailan ako huling sumayaw. Iyong sayaw na masaya ako. 'Yong bigay-todo. Sa nakaraang mga taon ay natuon lang ako sa pagtatrabaho sa jackfruit farm nina Mrs. Lucy. Nang magkasakit ang Lola Agapita ko ay pinahinto ko na s'ya sa pagtatrabaho roon at nakiusap ako kay Mrs. Lucy na ako na ang hahalili kay Lola.
Marami akong isinantabing mga bagay na para sa sarili ko katulad ng pagmamahal ko sa pagsasayaw at pati na ang pag-aaral ko sa kolehiyo pero lahat ng iyon ay ginawa ko dahil mahal ko ang Lola Agapita. Gusto ko pa siyang makasama ng mas matagal kaya ako ang kumayod para sa aming dalawa. Kaya sa edad kong beinte kwatro ay hindi na ako nakatuntong ng kolehiyo.
Nagsisipulan na ang ibang lalaking kliyente habang sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan ay natuon ang aking mga mata sa lalaking tahimik lang na nakaupo sa dulong couch sa kanan. Ang tahimik n'ya. Tila may umihip na mainit na hangin sa balat ko at biglang may lumukob na kakaibang init sa akin. Sa pakiwari ko'y epekto iyon ng alak na tinungga ko.
Natagpuan ko ang aking sarili na dahan-dahan humakbang patungo sa lalaking nasa dulo.
"Be careful, lady. You're approaching a dangerous trap." Kantyaw sa akin ng hindi ko matukoy kung sino.
"At napukaw na nga ang interes ng isang Hector Evandre Griego."
"Masamang pangitain." Hagikhikan ng mga kaibigan nito at naririnig ko iyon sa kabila ng ingay ng musika na patuloy na tumutugtog.
Oh! So, s'ya pala ang amo ng naka-purple business suit na nagpapirma sa amin ng NDA kanina.
Napalunok ako nang itinaas ng tahimik na lalaki ang tingin nito direkta sa mukha ko. May hawak itong baso ng alak at sumisimsim doon. Tinamaan ng magaslaw na liwanag ang mukha nito at parang maninigas ang mga tuhod ko sa dilim ng eskpresyon ng mukha nito. Sa mas malapitan ay naaaninag ko na ang angking kaguwapuhan nito. Hindi siya mestisuhin pero nahalata ko kaagad ang banyaga nitong lahi sa anggulo ng mukha nito.
Nanaig ang kagustuhan kong masilayan pa ang lalaki. Tuluyan na akong lumapit sa kanya. Salamat sa alak at lumakas ang loob ko. Sumobra lang yata ang epekto niyon dahil parang humaharot na rin ako, hindi lang ang galaw ng katawan ko. Kakaiba ang init sa loob ko.
Ilang sandali ko rin siyang sinasayawan pero wala pa rin siyang imik. Ang misteryoso ng pagiging tahimik n'ya. Parang wala rito ang isip n'ya. Bored ang lalaki at parang wala rin epekto sa kanya kahit hinaharutan ko na ang paggiling ko. May aura rin ito na parang nagbabanta.
Bagkus na isipin ito ay napagpasyahan ko na lamang na lumipat sa ibang kasama nito ngunit nang akmang aalis ako sa kanyang harapan ay bigla niyang hinuli ang kamay ko at maligasgas akong hinila hanggang sa bumagsak ako sa kandungan n'ya. Ikinasinghap ko ang ginawa n'ya. Namilog din ang aking mga mata.
"Continue."
Kinilabutan ako sa malalim at tila paos niyang boses nang bumulong siya sa tainga ko. Hindi ako kaagad nakakilos sa kandungan n'ya at parang sinilaban ng apoy ang kaibuturan ko dahil sa naupuan kong matigas na parang kahoy sa pagitan ng mga hita n'ya. Nakalimutan ko bigla ang huminga.
"You're making me horny. Now you have to take responsibility for disturbing the beast between my thighs and I am certain you're feeling it. What's your name?"
Nalulunod ang katinuan ko sa lalim ng kanyang boses. Kahit ang kanyang boses ay ang lakas ng karismang taglay. Hindi ko akalain na kayang guluhin ng isang lalaki ang sistema ko sa pamamagitan lang ng tinig nito. Bago ako sa pakiramdam na ito kaya hindi ko malaman ang nangyayari sa aking sarili.
"Lo—Lorrie po." Hindi magkandatuto kong tugon. Bigla kasing nanuyo ang lalamunan ko. Palayaw ko ang aking binanggit.
"Okay, Lorrie. You seem coy but quit being respectful 'cause I have nothing in my mind right now but to disrespect and ruin you by any means which we'll both enjoy."
Nagsitayuan ang aking mga balahibo sa katawan.
At nabalot ng kantyawan at sipulan ang ikalawang palapag nang biglang tumayo ang lalaki kasama ako at hinila ako patungo sa isang madilim na silid.