Chapter 8 LOREBEL 'LORRIE' Pag-uusapan daw namin ang aming kasal pero iba ang sinasabi ng utak ko. Binabalaan ako na huwag maniwala. Isang tingin lang kay Hector, nakakasiguro kaagad ako na matalino siyang tao at hindi siya iyong tipo na madaling manipulahin. Imposible naman talaga kasi ang gustong mangyari ni Lola Honorata—ang pakasalan ako ni Hector. Bukod sa may mahal itong ibang babae ay ang dumi pa ng tingin nito sa akin dahil naniniwala talaga siya na isa akong kagaya ng pinsan kong si Madi. Maging ako man ay salungat talaga sa kasal na iginigiit ni Lola Honorata. Sino nga lang ba ako kumpara sa apo niyang mayroon ng mataas at prominenteng pangalan hindi lang sa isang komunidad kundi sa buong sociedad pa ng mga alta? Kaya alam kong suntok sa buwan na sasang-ayon si Hector na a