Chapter 47 LOREBEL 'LORRIE' "HECTOR! Diyos ko, Hector!" bulalas ko nang sa muling paglingon ko kay Hector na nakaluhod sa labas ng kotseng kinaroroonan ko ay bigla na lamang itong nabuwal patungo sa semento. Nagmamadali akong bumaba at umikot para daluhan ito. Nawala bigla ang lamig na nararamdaman ko dahil sa pagkabasa sa ulan at napalitan ng sindak ang pakiramdam ko. "H—hector?" Pagluhod ko sa harapan niya. Nawalan na ito ng malay! I became paralyzed for a few second. Nablangko ang isip ko sa pagbulusok ng sindak sa sistema ko. Hindi ko malaman ang gagawin. I. . . I am really scared. Sa kabila ng pagbagsak ng ulan sa akin ay naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mga mata. Natatakot akong hawakan si Hector baka mapasa pa ang kalagayan niya. Hanggang sa kusa na lamang na umalpas ang