Chapter 12 LOREBEL 'LORRIE' "Hector, bitawan mo nga ang braso ko. Nasasaktan ako. Ano ba?" Angal ko dahil hindi na naman makatao ang paghawak at paghila niya sa braso ko. Pero ano pa bang aasahan ko kay Hector? Mas nakakagulat kong magiging mahinahon siya sa akin. Nang maipasok niya ako rito sa isang silid ay awtomatikong bumukas ang mga ilaw. Kumpirmado. Penthouse nga ng asawa ko ang pinagdalhan sa akin ng taong nagligtas sa akin. Gusto ko na lang na matawa ng mapakla sa malikot na takbo ng kapalaran ko. 'Yong kahit muntik nang magkandaletse-letse ang buhay ko kanina dahil sa kagagawan ni Hector ngunit sa huli ay may gana pa ang kapalaran na dalhin ako rito sa bahay n'ya. Maligasgas niya akong binitawan at naitulak niya ako sa kama. Napahiga ako ngunit agaran din akong bumangon a