A/N: Second update po for today. birthday treat ko po sa inyo para sa kaarawan ko bukas. Hihihi Enjoy reading po. Chapter 27 LOREBEL 'LORRIE' Simpleng ngiti na may lambong ng tamis ang tangi kong nakuhang sagot mula sa kanya. Naasar ako at parang naiiyak din. Isa lang kasi ang ibig sabihin nito. Hindi niya siniseryoso kung ano man ang hinaing at dinaramdam ko. Wala lang sa kanya na nasasaktan ako. Balewala sa kanya ang kakarampot na karapatang pinaglalaban ko sa buhay niya. Tumaas-baba ang dibdib ko dahil bumibigat ang paghinga ko sa nagsasabayang mga negatibong emosyon sa loob-loob ko at bago pa ako umiyak sa harapan niya ay marahas na akong tumayo. "Ayoko na talaga—" "Stay on your seat, wife." Kagyat na pigil sa akin ni Hector. Balak ko pa siyang singhalan pero nakulong sa la