Chapter 39

2399 Words

Panandaliang nilamon ng katahimikan ang aming pagitang dalawa matapos na sabihin ko iyon sa kanya. Naisip ko tuloy na baka binigyan ko siya ng mas malaking alalahanin nang dahil sa mga salitang aking binitawan. Baka ang isipin niya ay ang lala ng aking nararamdaman at kung ano na ang maisipan niyang gawin o iutos sa akin. Parang nais ko tuloy pagsisihan na sinabi ko pa ang mga bagay na iyon sa kanya eh. Lumalim pa ang katahimikang lumulukob sa aming dalawa, animo ay parehong nagpapakiramdaman kung sino ang mauunang magsalita. Ilang beses kong narinig ang patuloy na paglalim ng kanyang hininga, na halatang may malalim siyang iniisip. Napanguso na ako doon, mukhang napasobra yata ang kaartehan ko sa mga nasabi. “M-Mister Seymour nandiyan ka pa ba?” “Yes, sandali lang Senda.” “Okay.” Tum

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD