Deeper . . Halos araw-araw na ang dalaw ni Lachie sa akin sa bahay. Mukhang si Tadeo lang din and nakakaalam na boyfriend ko na siya. Sa lahat naman kasi ng mga pinsan kong lalaki kay Tadeo malapit si Lachie. . Halos araw-araw din ang pabulaklak niya at biscotti. Nakakahiya sa Mommy niya, dahil panay ang bigay nito sa akin. Napansin din agad ni Bria at Ava ito, kaya minabuti ko ng sabihin sa kanila na boyfriend ko na si Lachie. Ayaw ko kasi na magduda pa sila. . "Kayo na?" si Bria. . Tango akong nakangiti sa kanilang dalawa ni Ava. Silang dalawa lang din kasi ang pinakamalapit sa akin dito. Si Maya kasi ay medyo matanda na sa amin ng limang taon. Kaya Ate na namin siya at panay na ang suway niya sa aming tatlo. . "Oh my God! Congratulations!" Tili ni Ava. . Nakuha pa tuloy nam