Dare

1305 Words
Dare . . The surfing was great and I had a good time. Well, most of it was just a deep stare from him. Until the night was over. Naging maingay ulit ang lahat sa loob bahay. The foods were great and everyone was having a good time. . The next day I wake up early just to purposely see the sunrise. Nana Skye told me that the sunset here in the Island is so beautiful and she was right, because I was smiling the whole time while watching it dancing climbing up high. After adoring the sun I went to the kitchen straight away. I just want to help the maids in cooking. . Ganito na talaga kahit sa Italya pa. Minsan may katulong kami at minsan naman wala. Maarte si Mommy, sobra, kaya minsan hindi rin nagtatagal ang mga katulong namin talaga. . "Wow! Ano 'to fiesta?" si Bria. "Yaya ang bonga mo nama ah!" si Ava kay Yaya. "Ay Ma'am si Faith po ang nag-ayos ng lahat ng ito hindi po ako. Siya rin po ang nagluto ng omelette at iba pa," ngiti ni Yaya sa akin. . Nilapag ko lang ang daing sa mesa. Napangiwi pa ako, dahil sa totoo lang hindi pa ako nakakain neto. Pero mukhang masarap naman 'ata ito. Sabi kasi ni Yaya mas masarap kapag maraming kamatis at sibuyas, kaya naghiwa na ako at ginawang decorasyon ito sa gilid ng daing. . "Wow, ang galing naman ng apo ko," si Lola Skye. Kakababa lang din niya mula sa hagdanan. Inalalayan pa siya ni Tadeo. "Good Morning, Nana!" . Humakbang akong palapit at mahigpit na yumakap sa kanya. Mahina ang hakbang at naupo na sa mesa. Sumunod naman si Nonno rito. Nagmano na rin ang lahat sa kanila, at ng kompleto na ang lahat ay kumain na kami. . Like the other day, this day is no special at all. We looked around on everything, every shops and foods. Pasyal-pasyal at tingin tingin sa mga tao sa paligid. But what captures my attention is Lachie again. Nakaupo siya sa gilid na hawak ang gitara niya. Kasama niya sina Tadeo at Seth. . Lalagpas lang sana kami ni Bria, pero nahinto na rin at lumapit sa kanila. Napako lang ulit ang paningin ko kay Lachie, na ngayon ay nakangiti sa katabi niya. . "Faith!" si Anton sa gilid. "I have something for you." Sabay bigay niya sa bulaklak na hawak. . Nag-ingay pa ang lahat na nandito at napuno ng kantyaw sila kay Anton. . "Pwede bang umakyat ng ligaw?" si Anton sa akin. "Ha?" "Oh no! Hindi pwede!" Irap ni Bria. "Ang baduy mo, Anton at si Faith pa talaga! Noong nakaraang buwan si Anette ang nililigawan mo. Huwag na! Basted ka lang din kay, Faith," tawa niya. . Napailing na ako na natawa. Natawa kasi silang lahat at nakakatawa nga naman ang hitsura ni Anton ngayon. . "Ikaw naman. Wala na agad ako pag-asa!" reklamo niya. "Wala, bro. May nagmamay-ari na niyan," pa-simpling tugon ni Tadeo. . Natawa na sila at napakamut na siya sa ulo niya. . "Join us tonight, Anton. We'll have a singing session. Kung papasa ang boses mo, may pag-asa ka kay, Faith," tawa ni Riley. "Cool!" Taas kamay niya. . Natawa na ako. Nakakatawa nga naman siya. Naalala ko lang ang kaklase ko noong high school na si Medot Van. Parang baliw iyon at kagaya rin niya at hindi rin nagkakalayo ang hitsura nila. . "What you gonna have tonight?" tanong ko kay Tadeo, pero kay Lachie napako ang tingin ko. Panay kasi ang bulong ng isang babae sa kanya, na katabi niya. I don't know her and I think she's one of their friends here. I'm not interested anyway. "We'll have our practice, Faith. Sasali kasi kami sa battle of the band corner," sagot ni Riley. "Who's your vocalist?" tanong ni Bria. . Lahat sila napatingin kay Lachie na nakangiti dahil panay ang bulong ng katabi niya. Tumaas lang ang kilay ko. Hanggang sa napako ang tingin niya sa akin. Napalunok na siya at tinitigan pa ang iba. . "Yup?" taas ng dalawang kilay niya. "Bro, Faith asked if you're still available?" Pabiro ni Riley na pilit tinatago ang halakhak niya. . Napatingin ulit si Lachie sa akin at napalunok na ako. Kumunot na ang noo kong nakatitig kay Riley sa inis! Ngumiti lang din si Lachie at napayuko pa. Mala head-to foot naman akong tinitigan ng babae na katabi niya. Tinasaan ko lang din siya nang kilay. Ang arte niya! Tumayo si Seth at tumabi na sa akin. Nakita niya siguro ang ikot ng mga mata ko sa babaeng ito! . Tumikhim si Seth at umakbay sa akin. . "Faith is taken, bro. May syota na siya sa Italya," ngiti niya kay Lachie at napailing na ito. "Dude, I don't care. Hindi naman ako interesado," he shrugged. "Woah! Narinig niyo iyon?" Taas kamay ni Riley, sabay lingon sa mga kabarkada nila sa nasa likod lang din, at hindi ko rin kilala ang iba sa kanila. "Huwag si Lachie, Faith. Marami kang magiging karibal diyan," tugon ng isa na ka-grupo niya "Wala akong boyfriend ano!" Sabay siko ko sa tagiliran ni Seth. "Oy, single pa si, Faith ano!" Nag second the motion si Bria, at sinabunutan na si Tadeo, dahil may nilagay ito sa buhok niya. . Natawa lang din ang lahat, at kasama na ako. Napatingin ulit ako kay Lachie at nahuli siya ng mga mata ko. Umiwas na siya at pati na ako. I feel like I'm seeing butterflies in the corner of my eyes and my tummy rumbles. . "I see that," mahinang bulong ni Seth. . Nakalimutan ko na nakaakbay pala ang walang hiyang ko ngayon. . "I would love to make a dare," tugon si Seth. . Natahimik ang lahat at nakinig sa kanya. . "If we won the battle of the band. The four of us can choose a date," taas kilay ni Seth na nakangiti. Nag-ingay ang lahat ng lalaki na kabarkada niya. "Sure, dude! Let's do it!" saad ng isa sa kanila. "Ang OA mo kuya! Alam ko naman na hindi kayo mananalo!" Sigaw ni Ava. . Ang alam ko kasi kasali sa banda sina Seth, Tadeo, Riley at Lachie. At extra naman nila sina Anton ang at iba pa. . "Deal!" si Anton na nakatingin sa akin. Ngumiwi na ako, at umiwas sa titig niya. "But if we loose, we let the girls decide a date for us," ngiti niya. "OMG! I love that! Humanda ka kuya. Makakadate mo si Florencia!" sa malakas na tawa ni Bria. "And also you, Riley. You have to date Maxine and you have no choice!" si Ava sa kanya. "f**k, bro. Magpatiwakal na lang ako kaysa makadate ang mukhang unggoy na iyon!" mura ni Riley. Napailing na si Seth. "Cool, I'm in..." sagot ni Lachie at napatingin ang lahat sa kanya habang nakatitig sa akin. "T-talaga? Papaano pag matalo kayo. Are you willing to date, Anette?" arteng tugon ni Bria sa kanya. "Sure, no problem... Pero pag manalo kami, I'll date, Faith." Sabay tayo niya. . Natahimik ang lahat at natulala pa ako ngayon. Did I heard it right? Oh my god! He choose me? What the cactus! Napamura ako ng lihim. Tumayo na siya at naglahad ng kamay kay Seth. . "Deal, bro? Is that okay? Can I date her?" . Halos magwala na ang puso ko ngayon sa sobrang kaba. Tinangal ni Seth ang kamay na nakaakbay sa akin, at tinangap ang kamay ni Lachie. . "Fine, that's cool," sabay iling niya. "No, kuya!!" Pa-sigaw ni Bria. Nagwala na 'ata siya pero natatawa lang din ito. Kinuha na ni Lachie ang gitara niya at sumenyas sa ka-grupo sa likod. "Let's go!" Tugon ni Riley, at sumabay sa hakbang palayo rito. . . C.M. LOUDEN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD