Date
.
.
Naging statwa ang katawan ko dahil sa matinding yakap niya. So this is how it feels when a person whom you like very much hugged you... Parang nakalutang ako sa kawalan ngayon.
.
"Bro!" Tipik ni Tadeo sa balikat niya at agad naman na bumitaw siya nang yakap sa akin.
.
Nag handshake na silang dalawa at nakangiti lang din.
.
"No date but probably an exemption is okay. Instead of a whole day, I'll make it half day. Kahit papaano ay nanalo naman tayo," ngiti ni Tadeo sa kanya.
"Thanks, bro!" handshake nilang dalawa.
.
Nag-inggay agad ang grupo sa loob at humalukipkip na si Krystal sa gilid. Tumaas lang din ang kilay niya. Katabi naman niya si Ivan ngayon na medyo naguguluhan pa. Kararating lang din kasi niya.
.
"You've heard that right? Half day," he winked.
.
Ngumiti na ako at tumango lang din sa kanya. Tumalikod na siya at inakbayan na ni Tadeo. Mukhang sa shower room na patungo ang grupo.
.
"Swimming ba kayo, kuya?" si Ava kay Tadeo.
"Mamaya, magbibihis lang," si Tadeo sa kanya.
.
Tumili na si Bria na lumapit sa akin at kinuha na ang bulaklak na bigay ni Ivan. Napangiti na ako at kinilig na din. Who could have thought that we'll date after all. Umirap si Krsytal at lumabas na dito. Tinaasan pa siya nang kilay ni Bria. Napailing na ako. Lumapit na din si Ivan sa akin ngayon.
.
"Huling huli na talaga ako," iling niya.
"Ikaw naman, suko agad!" si Maya sa kanya at umalis na din.
"Anyway, I'm here to give you this, Faith. Salamat..." ngiti ni Ivan.
.
Inabot niya sa akin ang isang frame. Sa tingin ko frame ito. Hindi ko makita ang laman sa loob dahil nakabalot ito.
.
"Salamat. Ano 'to?"
"Huwag mong buksan dito. Saka na pag alis ko," ngiti niya.
"I'll be back to Manila tomorrow. I drop by just to hand it for you."
"Okay. Mag-iingat ka."
.
Ngumiti na ako. Kahit papaano ay mabait naman si Ivan talaga. Binuksan ko ang binigay niya pagkarating sa bahay at namangha na ako. Isang stolen shot photography ko ito. Nakatagilid ako na nakaharap sa dagat. Maganda ang pagkakakuha niya nito, dahil umalon ang buhok ko sa hangin.
.
"Ang ganda... Talented talaga si Ivan sa mga ganito," si Maya.
"Kaya pala. Ang ganda ng pagkakakuha niya," ngiti ko habang pinagmamasdan ito.
"Fine Arts and kinuha niya. Ayaw nga ng Ama niya kasi nga abogado ang gusto para sa kanya. E, wala rin nagawa. Mabait din naman talaga si Mayor," pagpapatuloy ni Maya.
"Patapos na ba si Ivan?"
"Sa tingin ko nasa second year pa lang siya. May dalawang taon pa. Pero usap-usap na sa France na siya mag-aaral next year."
.
I nodded. Hindi naman sa hindi ako interesado sa kanya, pero sa tingin ko mas mabuti sa kanya na doon matapos ang pagiging Fine Arts niya. Mas malayo ang mararating niya, at mas marami siyang matutunan.
.
"Ang ganda talaga, Faith... Can you please leave it here."
"I can't. Hindi pwede ano! Bigay niya kayo 'to, at kahit hindi ko pa siya gusto. E, gusto ko naman ang kuha na 'to; So, I'll take it with me," sa mas malawak na ngiti ko.
.
The night was great after the battle of the band. We had fun talking around the table meal with everyone. Nag video call pa kami ni Hope at bumati pa siya sa lahat ng nandito. It was a celebration too, and all in all it was fun and great.
.
DAHIL hindi maganda ang panahon nasa bahay lang din kaming lahat. We have this massive play house beside the humongous tree. Dumugtong ang pagkakagawa nito sa puno. Tree house ito na pinagawa nila ni Tita para sa mga pinsan ko noong maliit pa sila. Pero ngayon, pinalaki nila ito at pwede kang matulog sa ibabaw nito.
.
It is closer to the main house and the tree house is made of wood. The roof is made of transparent sheet. Kaya kitang kita mo ang bituin sa lahat at buwan. Nagiging glass house naman ito sa umaga, dahil puno ng mga halaman sa gilid nito.
.
Medyo umaambon at hindi masyadong malamig. Nag bbq kami ng hotdog at marshmallows sa baba. Gumawa kasi ng bon fire ang mga lalaki sa gilid. Panay lang din ang pag gitara nina Riley, Tadeo at Seth. Samantalang sina Lachie at Cian ay kumakanta. They were invited to play in the main Island. Exclusibo nga dahil may producer na kumuha sa kanila. Hindi ko alam ang detalye pero parang pinag uusapan pa nila ito.
.
"Here, Faith." Bigay ni Bria ang kape sa akin.
"Why do you love coffee so much?" si Ava, at tumabi na siya.
"Nasanay na kasi ako," ngumiti na ako sabay inom nito.
.
Natahimik kami nang marinig ang boses ni Lachie mula dito. Hindi naman kami kalayuan sa kanila.
.
"Nakakalusaw talaga ang boses niya ano?" ngiti ni Bria.
"I've heard someone approached him the other day. Was it Don?" si Maya.
Hindi ko napansin ang presensya niya. Nasa likod ko lang pala siya.
"Really? Ano raw ba?" si Bria.
"Kukunin raw 'ata siya. Pero inayawan na niya," tugon ni Maya.
"Kung sa bagay kahit na siguro ay aayawan ko muna. Pag-aaral muna ano," kibit balikat ni Ava.
"Iba ka naman. I think Lachie will finish his degree in two years. Civil Engineer kaya 'yan."
"Baliw! Tatlong taon pa. Five years ang kurso niya." Sapak ni Ava sa noo ni Bria.
"Five years ba ang Engineering?" litong tanong niya.
Tumango na ako at ngumuso na.
"Five years at mahirap din. Pero pag naging licensyado ka na, aww malaki ang pera," si Maya.
"Kung sa bagay inhenyero rin naman ang Ama niya 'di ba?" si Ava.
"Oo, pero rinig ko medyo naghihirap sila. Hindi kasi maganda ang takbo ng negosyo ngayon," dugtong ni Bria.
.
Mas napako na tuloy ang titig ko sa kanya ngayon. Umiwas agad ako nang lumingon siya sa banda ko. Panay ang titig at iwas ko sa kanya ngayon. Nagkwento pa so Ava at nakikinig lang din ako sa kanya, pero ang mga mata ko ay nakatitig lang din kay Lachie.
.
Every time I saw his wide smile it made my heart smile wider too. Ang baliw na puso ko!
.
When the night hits deeper the others are climbed up to their beds up top. Sa tree house kami matutulog ngayon. Malaki naman ito at may dalawang parte o division ito. Sa kabila ang mga lalaki at sa kabila naman kaming mga babae. Nang pumasok sina Bria at Ava para magbihis ng pantulog at maghilam-os, ay nagpaiwan pa kami ni Maya.
.
Sumunod naman si Seth at Riley sa itaas at naiwan si Tadeo at Lachie. Tumayo na rin silang dalawa at lumapit sa amin ni Maya . Umupo sa tabi ni Maya si Tadeo at sa tabi ko naman si Lachie. Uminit lang ang pisngi ko at nagsimula na ang kaba sa puso ko ngayon.
.
"Are you free this weekend?" mahinang tanong niya.
I nodded. Wala naman akong gagawin, kaya libre ako sa Sabado talaga.
"Let's go out for a date. Can we?" tanong niya pero napako ang mga mata kay Tadeo.
Tumango si Tadeo at tumayo na silang dalawa ni Maya.
"Okay, sige mag-usap kayo," kindat ni Tadeo sa kanya at ngumiti na siya.
Natahimik kaming pinagmasdan sila papasok. Hanggang sa nagsalita na siya.
"Do you want any particular thing to do?"
"Wala, e... Ewan," ngumiti na ako, at kinabahan na.
"Okay... Let's see. Tingnan natin kung ano ang magagawa nating dalawa sa kalahating araw na para sa atin," titig niya.
.
Napayuko na ako. Umiwas ako, dahil pakiramdam ko lalabas na ang puso ko ngayon sa harap niya. Pinagpawisan pa tuloy ako ng bongga!
.
"Sige, ikaw ang bahala..." sa mas malawak na ngiti ko sa kanya.
.
Natahimik kami at parang naputol 'ata ang dila ko. Hindi na tuloy ako makapagsalita. Kaya kinuha na niya ang gitara sa gilid at nagsimula na siyang tumutug ng kanta. I smile while listening to him singing. Sa lamig ng boses niya ay mas lalong nanlamig ang katawan ko at parang mahihimatay na naman ako ngayon sa tabi niya. Kaya tumayo na ako. Nahinto agad siya sa kanta at tumingala sa akin.
.
"Kukunin ko lang ang jacket ko, babalik din agad ako."
.
Nilapag na niya ang gitara sa lupa at tumayo na. Tinangal ang jacket na suot at maingat na pinasuot sa akin ngayon.
.
"Ayan, okay na ba..." titig niya at napalunok na ako.
.
.
Thank you.
C.M. LOUDEN