“Sino pa ang nakakaalam na nakakakita na ako?” tanong ko kay Justin habang pinapanood ko sa cellphone ko ang ginagawa ni Jelsea. Wala naman siyang pinagkakaabalahan. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana at mukhang abala siya sa pagtingin sa tanawin sa labas ng kwarto ko. Parang gusto ko na tuloy umuwi. Hindi na yata ako sanay na wala siya sa aking tabi. Halos isang buwan na rin kasi kaming magkasama kaya siguro nasanay na ako na lagi siyang nasa paligid ko. Napahawak ako sa noo ko at mahinang nagmura. Damn! Sabi ko titigilan ko na ang kakaisip sa kaniya. Sabi ko pipigilan ko ang anomang atraksiyon na nadarama ko sa kaniya. Heto naman ako at hindi mapakali na nakatitig sa screen ng cellphone ko at gusto ng umuwi. “Alam naman naming lahat, pare. Ikaw na lang ang hindi nakakaalam n