Chapter 15

1334 Words
JACOB ARELLANO   “Good job, Jake. Kelan naman ang susunod na project mo sa kanila?” Mikee asked.   “We’ll talk about it after his birthday party,” Tamad na sagot ko sa kanya.   “Speaking of birthday,” aniya at inabot sa akin ang isang invitation. Napabuntong hininga ako at pabalang na inilapag iyon sa lanai table ng garden nila Mikee. Si Oliver ay abalang nakikipaglaro sa anak na si Ethan.   “Pinadala niya ‘yan sa opisina ko nung isang araw. Kasama ka naman niya, hindi pa niya sa’yo ibinigay,” There was sarcasm on her tone.   “Maybe because she doesn’t intend to invite me. Si Mr. Garcia lang naman ang nag-imbita,” “Are you going? Oliver and I are going,”   “I’m not sure,” I really don’t want to go. Hindi ko alam kung handa ba akong marinig ang malaking announcement na gagawin nila.   “I think you should go, hindi mo naman alam kung anong mangyayari kung wala ka.”aniya. I just sighed.   MIKEE SANTILLAN   “Ms. Santillan,” Hanggang ngayon ay humahanga pa din ako kay Mr. Garcia. Big achievements at a very young age. Matanda lang siguro siyang ng ilang taon sa amin. “Thank you for coming to my party,” Bumeso ito sa akin. At siyempre ang gwapong katabi ko ay hinapit ang bewang ko. Mag-asawa na kami pero seloso pa din. “Mrs. Santillan”, he emphasized. Bahagya kong kinutort ang tagiliran niya na hindi nahahalata ni Mr. Garcia.   “Pleasure is my mine, Mr. Garcia. By the way, this is my husband, Oliver Santillan,” Agad naglahad ng kamay ang ginoo sa asawa ko. Buti naman at behaved na siya at naging friendly pa din kahit papaano. Muntik pa kaming hindi matuloy dahil sa ilang beses niyang pag disagree sa gown ko. Sana pinagpajama na lang niya ako. Pero sa huli ay ako pa din ang nasunod dahil hindi siya pwedeng tumabi sa akin ng one week kung hindi siya mananahimik sa pagiging possessive niya. “You have such a lovely wife, Mr. Santillan” papuri nito sa akin. Mr. Garcia is a very handsome man. Mabuti na lamang at hindi ako nagblush kung hindi ay uusok na naman ang ilong ng asawa ko. “Kaya nga hindi ko na pinakawalan pa, Sir.” Oh gosh! I wanted to roll my eyes on him dahil obvious ang pagiging sarcastic niya. Mabuti na lamang at si Mr. Garcia ang nag-iba ng topic.   ‘” Where’s Mr. Arellano? Is he not coming?” I honestly don’t know if he’s coming nor any idea where he is right now. Hindi ko din naman siya masisi dahil alam niya kung ano ang purpose ng party na ito. Andeng personally invited me kaya hindi ko din matanggihan. I feel bad for Jake but Andrea is also my friend. Ganito ba talaga ang mga bilyonaryo? Kailangan pang magpaparty para sa isang announcement? I asked Andrea kung ano ba ang balitang sasabihin ng boss niya pero hindi naman siya sumagot. Maybe ayaw niya na lang ding magsalita because he knows Jake is my bestfriend.   “Maybe he’s just somewhere out there,” Oliver answered for me.   “Yes, maybe.” Nakangiting sagot ni Mr. Garcia.   “How about Andrea, where is she?” I asked the guy.   “Nag-aayos pa,” he smiled at us. Siyempre, ipapakilala na siya ng isang bilyonaryo so she has to look great not to mention na natural na talaga siyang maganda. Poor Jake. I feel sorry for him.   Nagpaalam na muna siya sa amin to attend his other guests and told us to enjoy the party.   “Mukhang mapapadalas na naman ang drinking session naming ni pareng Jake pagkatapos ng gabi na ito,” Oliver commented after Mr. Garcia left. Pasimple kong kinurot ang tagiliran niya dahil naalala ko ang ginawa niya kanina.   “Aw, love” reklamo nito.     ANDREA HERNANDEZ   Nagpapawis na ang kamay ko sa kabang nararamdaman ko. Tonight, iaannounce na ni Alfred ang relationship naming dalawa. I never wanted this. Mas gustong kong mag lay low na lang. Hindi naman sa akin importante ang recognition. But this is what he wants for his birthday.   “Ang ganda ganda mo naman Ma’am,” kanina pa ako kinocompliment ng baklang make up artist na kinuha ni Alfred para ayusan ako.  Well honestly, maganda ang pagkaayos niya sa akin. I am wearing a lavender silk gown. Nakalugay ang buhok ko na kinulot ang dulo. Light make up lang tulad ng nirequest ko. Simple yet elegant. ‘Yan daw ang look ko tonight. I honestly don’t care. Pero ayokong mapahiya si Alfred that’s why I just followed whatever he wants tonight. Napabuga muna ako ng hininga bago ako lumabas ng hotel room ko. Naglalakad akong mag-isa sa lobby when I saw a very familiar figure. Agad dumoble ang tahip ng dibdib ko. He’s wearing an all-black tuxedo. Nakabrush up ang buhok nito at kahit sa malayo ay napakagwapo niyang tingnan. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kapormal. Tahimik at tila malayo ang iniisip nito while walking face down. Para akong naestatwa nang magawi ang tingin niya sa gawi ko. I know he was stunned too. I didn’t expect na pupunta siya. Ang text sa akin ni Mikee kanina ay silang dalawa lang ng asawa ang magkasamang dumating. Hindi ko nagawang alisin ang tingin ko sa kanya. I don’t know why I suddenly wanted to look at his deep eyes. Sa bawat pagkakataon na nakikita ko iyon ay magkahalong saya at sakit ang nararamdaman ko. I tried to stay away from him. And act like I hate him so much. Pero sa tuwing nakakasama ko siya ay nagiging mahina ang depensa ko. Kahit pala gaano kalaki ang galit mo sa isang tao, hindi basta mawawala ang kakaibang pakiramdam lalo na’t malalim ang pinagsamahan niyo.  I saw him walking towards me without taking his eyes off me. It seems like he has so many things to tell me. Lalong bumilis ang t***k ng puso ko knowing he’s coming near me. But then someone blocked his way.   “Hey, are you ready?” Out of nowhere ay lumabas si Alfred. He didn’t saw Jake because he came from the door before where Jake stands. Nagulat pa ako sa paghawak niya sa braso ko. “Y-yeah,” nauutal na sagot ko. Ikinawit nito ang kamay ko sa kaliwang braso niya at inalalayan ako sa paglalakad. Wala na si Jake sa kinatatayuan niya nang muli ko siyang tingnan.               JACOB ARELLANO   Wala naman talaga akong balak pumunta sa party na ito knowing what is about to happen later. But somehow, maybe I wanted to see her for the last time bago man lang siya maengaged. Or bago man lang nila iannounce ang tungkol sa kanila. I can’t help but regret the chance that I had before. She was mine. Bago pumunta sa venue ay naisip ko munang maglakad lakad. Mikee said she booked a room for her and Oliver. May balak pa yatang sundan si Ethan. Hindi ko siya matawagan kaya nagdecide akong puntahan na lang sila sa kwarto since binigay niya ang room number. Siguro naman hindi pa sila busy na dalawa bilang nagsisimula pa lang ang party. Abala ako sa paghahanap ng room nila but I was stopped upon seeing the most beautiful woman I’ve seen in my life. And she will remain to be the one kahit pa ilang sandali na lang ay mawawala na ang kakarampot na pag-asang pinanghawakan ko ng matagal na panahon. She looks like a goddess on her lavender silk dress and curled hair. Hindi niya kailangan ng makapal na make up dahil natural na siyang maganda. Nakita niya rin ako. Hindi yata ako makokontento na tingnan lang siya ngayong gabi. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong sabihin na hanggang ngayon, siya pa rin. Siya lang.  Unti-unti na nagkusang humakbang ang mga paa ko papalapit sa kanya. I am full of questions. Baka kaya pa, baka pwede pa. The closer I get to her, the more I wanted to bring her into my arms. To hug her again. Pero, muli na namang pinaalala sa akin ng tadhana na hindi na pwede. Alfred came and held her hand. Napakuyom ang kamao ko at nagtangis ang panga ko. Pero hanggang doon lang ang pwede kong gawin. She’s no longer mine.  With a heavy heart, I turned my back on them.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD