“Ilang araw na pero wala pa ding feedback galing sa kanya. Don’t you think na baka pinapaasa lang niya tayo?” I asked Mikee over the phone. She called me to ask if tumawag na daw ba si Andrea about our proposal to meet Mr. Garcia.
“Why would she do that? Don’t tell me iniisip mong ginagantihan ka niya?” natatawang saad niya sa kabilang linya. Why not? Nung huli kaming magkita ay parang siya pa ang may sama ng loob sa akin.
“It’s not always about you, Jake. I know her. She would never do that. Well, to me, at least,” she joked sarcastically. Napabutong hininga na lang ako sa sinabi niya. What else can we do? Sabi nga niya, kami ang nakikiusap kaya dapat kaming matutong maghintay.
**********************************************
“Bakit ba wala ka na naman sa mood?” tanong sa akin ni Gab. Nasa pad niya kami ngayon at nagkayayaang mag-inuman. Hindi ako kumibo.
“Last time na nakita kitang nagkaganyan dahil pa kay—” hindi niya naituloy ang sasabihin dahil agad siyang siniko ni Andrew.
“Teka, babae ba? May bago ka na bang dine-date?” Minsan hindi ko alam kung sino bang may tsismoso eh. Babae ba o lalaki? Bakit ang lakas ng radar nitong mga kaibigan ko.
“Wala akong nababalitaan. Kaya malamang, siya pa din ýun. Tama ba, Jake?” hindi ako kaagad nakasagot bagkus ay muling lumagok ng malamig na beer sa boteng hawak ko. Pagkatapos ng ilang minuto ay saka ako magsalita.
“She’s back,” malamig na sabi ko na ikinagulat ng mukha ng dalawa.
“Kayo na ulit?” naexcite naman bigla ang mga mokong.
“No. She’s works for the CEO na nililigawan namin para maging bagong kliyente,” tamad na sagot ko sa kanila. Hanggang ngayon ay naiinis pa din ako kung bakit naging ganito kaliit ang mundo para sa aming dalawa.
“Kinausap mo na? Anong sabi? Bakit daw siya biglang nawala?” sunud-sunod na palitang tanong ng dalawa.
“We only talked about business. Isa pa ay kasama namin si Mikee sa meeting,” napasapo sila sa ulo na parang sinasabing ang hina ko talaga.
“E mararamdaman mo naman kung may feelings pa di’ba?” paggigiit ni Gab. Meron, galit siya sa akin. Sagot ko sa isip kong hindi ko nagawang isatinig. Napailing na lang ako at muling uminom ng alak.
“Huwag ka ng magsalita. Mukhang alam ko na, loser.” Nanunudyong tukso ni Gab. Parang gusto ko tuloy ibato sa kanya ang boteng hawak ko. Mas lalo lang nag-iinit ang tuktok ko sa mga tanong nila.
“Just move on, dude. Baka talagang ayaw na niya sa’yo kaya ganun,” dagdag ni Andrew. Alam ko naman ýun. May mahal bang iniiwan ilang linggo bago ang kasal niyo? F*ck! Bumabalik na naman lahat ng nangyari sa isip ko. Kung paano niya ako iniwan sa ere. F*ck. Just F*ck!
***************************************************************
Ginising ako ng sunud-sunod na ring ng cellphone ko. Sh*t! It’s a Sunday morning. Sino naman ang tatawag ng ganito kaaga? It’s seven in the morning according to the clock on my side table. Napakasakit ng ulo ko dahil naparami ang inom namin kagabi sa pad ni Gab. I tried to open my eyes to see who’s calling but the number is not registered in my contacts list.
“Hello,” sagot ko gamit ang basag na boses.
“Good Morning, Mr. Arellano.” Napabalikwas ako sa kama. It’s been years yet that voice is still vivid on my mind and memory. Only, it’s cold and emotionless. I was used to hearing her sweet and loving voice every morning. But that was before. Long time ago. I cleared my throat before answering.
“Who’s this?” I pretended that I don’t have idea who’s on the other line. Baka isipin niya e abang na abang naman ako sa tawag niya.
“This is Andrea.” I know, I wanted to say. “Oh, Good Morning Ms. Hernandez,” I said instead.
“I’m sorry for calling this early. But I just want to inform you that Alfred would like to meet you tomorrow at nine o’clock in the morning. Please be in the office earlier if possible. He hates waiting,” she talks differently now. Dati-rati ay sinasabihan niya ako na ang conyo ko daw dahil panay ang ingles ko. But look at her now. I guess time changed her a lot.
“Are your still there?” muling tanong niya. I didn’t notice that I got lost for a moment.
“Ahm, y-yes. I’ll be there early morning,” agad na sagot ko.
“Okay, we’ll expect to see you tomorrow.”
“Thank y---” hindi ko na naituloy because she already dropped the call. Naikuyom ko ang hawak sa phone ko. Alam niyang ayaw na ayaw ko binababaan ako ng telepono.
“Please do your best, Jake. We really need that account,” ani Mikee sa kabilang linya ng telepono. Upon receiving the call from Andrea, I immediately called her. I know that she’s been waiting for the news. Alam ko naman na tinutulungan niya ako to redeem myself at work. But she also needs this dahil pressured siya bilang bagong Regional Head. And I want to support her. She’s been there for me from the beginning. Sa mga panahon na nalugmok ako, siya at ang pamilya niya ang dumamay sa akin. Kaya kahit hesistant ako because I will be dealing with Andrea, I will still do my best.
“I’ll try what I can do, Mikes” I replied.
“That’s all I need Jake. I know it’s hard for you to work with her again. But this will help us,” napabuntong hininga na lang ako bilang sagot.
“Mr. Jake Arellano?” tawag sa akin ng sekretaryang mukhag kanina pa abala.
“Pasok na daw po kayo,” Maaga akong pumunta dito because Andrea said that Mr. Garcia hates waiting. Kaya 8:30 in the morning pa lang ay nandito na ako. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago tuluyang pumasok. I knocked once before opening the door. Nang bumukas iyon ay sumalubong sa paningin ko ang isang binatang halos kaedad ko lang siguro or few years older than me, I guess. Tama nga ang research ko about him. He’s a fine-looking man at mukhang mahusay talaga sa negosyo. You can easily see it in his posture and aura. F*ck Jake! When did you ever pay attention on a guy’s appearance? When did you become insecure?
And there she was. Standing beside this Alfred Garcia guy. Bahagya pa siyang nakayuko papalapit dito dahil mukhang may dinidiscuss ito at ipinapakita sa folder na hawak ng lalaki. Ano ‘to? Pinapasok ako pero parang hindi aware nandito na ako?!
I cleared my throat to get their attention. And as expected, they immediately turn their glance at me. But the only pair of eyes that I looked into was Andrea’s eyes. Saglit pang napaarko ang kanang kilay nito sa akin nang hindi ako agad nagsalita.
“Mr. Arellano, right?” inalis ko na ang tingin ko sa kanya at lumipat sa taong totoong sadya ko sa pagparito.
“Yes, Sir. Good Morning!” nakangiting bati ko sa kanya at naglakad papalapit sa table niya. He immediately stood up and shook my hand. Mukha namang matinong kausap ito maliban na lamang sa masyadong malapit na pagtayo ni Andrea sa kanya. Ang laki naman ng opisina pero bakit kailangang magtipid sa space sa pagitan nila?
“Have a seat,” anito at nagmuwestra na maupo ako sa visitor’s chair sa harap ng kanyang table. Siya naman ay naupo na din sa executive chair niya.
“I’ve read your proposal and I must say that I am impressed,” he smiled at me at leaned on the back rest of his swivel chair.
“Thank you, Sir” sagot ko dito.
“However, an exclusive bank partnership is too early, don’t you think? I mean we had this long-time banking relationship with the other banks and so far, ay naibibigay naman nila ang service sa amin ng maayos,” aniya at ipinatong ang dalawang siko sa mga armrest ng upuan at pinagsampong ang mga daliri sa kamay as if naghihintay ng isasagot ko.
“I understand, Sir. Kaya nga hindi naman namin hinihingi ang lahat kaagad. Just try our products and service first and you can decide after kung ibibigay mo na ang exclusive partnership,” I tried to convince him. Napangiti naman siya.
“I know that you and Andrea we’re together before,” aniya na ikinagulat go. Did she tell him?
“So, you knew?” I asked and looked at Andrea who doesn’t seem to be bothered.
“Yes. She used to work in your company, right? That’s why I consider your proposal dahil ang sabi niya ay tiwala siya sa serbisyo ni Ms. Santillan, your boss I suppose,” he clarified. I heard how Andrea chuckled. So dahil talaga kay Mikee ang lahat. She trusts her, not me. Wow!
“Yes, she used to be my—” pinukulan niya agad ako ng masamang tingin.
“—staff,” I continued and showed a little smile for her to see. She rolled her eyes out of irritation. I missed that.
“How about I open a personal account first? Let me try your service personally than I’ll decide if I can endorse your bank to the board.” He suggested. “Fifty-million-time deposit, is that okay for now?” tanong nito. Fifty Million? Ang humble ah!
“That will be great, Sir.” Napangiti ako ng malawak. Malaking bagay na iyon para sa akin. Matutuwa na si Mikee nun.
“Great! Just give the forms that I need to sign to Andrea. And I’ll have it delivered to your office,” I think that was his cue that our meeting is over so I thanked him and bid my goodbye.
Ngunit hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng opisina niya at nasa kalagitnaan pa lang ako ng floor niya papunta sa pinto ay narinig ko itong nagsalita.
“I saw this Italian restaurant in the internet. It’s located within the area. Do you want to try it for our lunch?” malambing na tanong niya kay Andrea. Napahinto ako sa paghakbang.
“Sure, I would love that! I’ll call your driver now,” sagot naman ni Andrea na kahit hindi ko siya nakikita ay naiimagine ko na ang nakangiti niyang mukha. Nagpantig bigla ang tenga ko sa sagot niya.
“No. I’ll drive myself. Just tell him to prepare the car,” hindi ko napigilan ang sarili ko na lumingon pabalik sa kanila. Wala pang ilang segundo ay naramdaman nila ang presensya ko.
“Is there anything else I can do for you, Mr. Arellano” asked this Alfred Garcia guy.
“Nothing, sir. I’ll take my leave.” I draw a forced smile and headed out of his office bago pa ko sumabog sa inis.
“F*ck! F*ck! F*ck!” I cursed and shouted on my mind when I got into my car. Nakakairita ang landian nila. Kaya pala Alfred lang ang tawag niya sa boss niya. Sure, I would love that!? Kelan pa siya nahilig sa Italian food?
“What?!” pabulyaw na sagot ko sa cellphone ko nang magring ito.
“Galit ka ba?”, Sh*t!
“I’m sorry, Mikes. Medyo masakit lang ang ulo ko,” palusot ko na lang. Boss ko na pala ang kausap ko.
“How’s the meeting?” tanong nito at ipinaliwanag ko na lang ang napag-usapan namin ni Mr. Garcia but the whole day I was pissed off.