Chapter 13

1808 Words
Two Years Ago ANDREA HERNANEZ “Hon!” Sinalubong niya ako ng mahipit na yakap. Araw-araw naman kaming makasama pero parang hindi sapat ang mga oras namin sa isa’t isa. Ganito ba ang pakiramdam kapag malapit ng ikasal? “I missed you,” aniya at biniyan ako ng mabilis na halik sa labi. “Gosh, magkasama lang kayo kaninang umaga!” Panunukso ni Ma’am Mikee sa amin. “Oliver, yakapin mo na nga ‘yang asawa mo para hindi naiinggit sa amin ng honey ko,” balik na tukso sa kanya ni Jake. Mikee just rolled her eyes. Napakacute talaga niya sa tuwing ginagawa niya iyon. At natutuwa ako sa tuwing nag-aasaran silang dalawa ni Jake. Para silang mga bata. “Mamaya pagdating sa bahay, humanda ‘to sa akin,” gatong ni Sir Oliver at hinapit sa baywang ang magandang asawa. ******** “How’s your day?” Niyakap niya ako mula sa aking likuran habang pinagmamasdan namin ang dream house namin na malapit ng matapos. Ilang buwan na lang din at ikakasal na kami. “Hindi naman busy day kanina kaya ayos lang. Madami rin bagong inituro sa akin si Ma’am Mikee. Ang sabi nga niya ay isasama daw niya ako sa susunod na sales call niya para daw makita at matuto ako kung paano makipagdeal sa kliyente,” Hindi naging madamot si Mikee sa mga kaalaman. Tulad ng sinabi niya dati, tinuturan niya ako at sinasanay para balang araw daw ay maaari din akong maging isang branch manager tulad nila ni Jake. At sa totoo lang ay nag-e-enjoy ako sa mga bago kong natututunan. “It’s good. As long as you don’t force yourself too much. Ayokong haggard ang bride ko habang lumalakad ka sa aisle,” marahan kong nahampas ang braso nito na nakayakap sa akin. “Ikaw, kamusta ang araw mo?” Hindi kami nagsasawang i-kwento ang mga nangyari sa amin araw-araw. Masaya kaming nakikinig sa kwento ng bawat isa. “Konti na lang, hon. Malapit ko nang maclose ang pinakamalaking account na mahahawakan ko. Sobrang na-e-excite ako.” Kita ko sa mga mata niya ang labis na saya at excitement. Ang huling account na nakuha niya nung panahon na binigyan siya ng kondisyon ni Boss Mildred ay naging maganda ang resulta. Nagustuhan siya ng Presidente ng corporation na ‘yun kaya madali siyang nakapasok mga kakilala pa nitong malalaking kliyente. “Sa totoo lang ay kinakabahan ako,hon. Paano kung hindi ko maclose ang deal?” “Imposible ‘yun, napakagaling kayang branch manager ng honey ko.” Hindi ko man lubusang naiintidihan ang buong trabaho niya, alam kong ang pagpapalakas ng loob niya ang tanging maitutulong ko sa kanya. Naniniwala ako sa kakayahan niya. “Just stay by my side, hon. You’re my lucky charm.” Napangiti ako sa kanya. Sana lagi na lang kaming ganito. ************************************************************ “Hon, baka ma-late ako,” Alam kong labis ang pag-aalala niya sa kabilang linya ng telepono. Ngayon ang araw na makikilala niya ang isa sa malalaking kliyente na nirekomenda ni Atty. Lim. Matagal na ding naantala ang meeting niya dito dahil masyadong abala ang lalaki sa kanyang mga negosyo sa labas ng bansa. “Okay lang, hon. Maaga pa naman, hihintayin na lang kita.” Alam ko kung gaano kaimportante sa kanya na maclose ang deal. Kailangan mas maging maunawain ako. Nang mga nakaraang araw ay madalas din siyang mahuli sa pagsundo sa akin. Sinabi ko naman na sa kanya na kaya ko namang umuwi mag-isa pero nagpupumilit siya na sunduin ako. I want to end my day by seeing your lovely face- lagi niyang dahilan. Sino ba naman ako para hindi kiligin. “Andeng, hindi ka pa ba uuwi?” Halos tatlong oras na akong naghihintay kay Jake. Hindi siya sumasagot sa tawag at text. Ang huli niyang message ay magsisimula na daw ang meeting. “Nasaan na daw ba si Jake?” naiiritang tanong ni Ma’am Mikee. “Nasa meeting pa po yata,” mahinang sagot ko. “He should’ve at least told you to go home, hindi ‘yung pinaghihintay ka niya dito. Sumabay ka na sa amin,” Kanina pa ako sinasabihan ni Ma’am Mikee na umuwi na pero nangako ako kay Jake na hihintayin ko siya. “Ihahatid ka na namin sa boarding house mo, Andeng” nakangiting offer ni Sir Oliver pero buong galang ko pa din iyong tinanggihan. Sa huli ay nagpaalam na lang din sila sa akin at nagbilin na umuwi na din ako kaagad kung wala pa din si Jake sa loob ng thirty minutes. Isang oras pa ulit akong naghintay bago siya dumating. “Hon, I’m so sorry,” puno ng pag-aalala ang mukha niya. Hindi ko alam kung bakit kahit limang oras akong naghintay sa kanya at nalipasan na ako ng gutom ay hindi ko magawang magalit sa kanya. “Anong nangyari sa meeting mo?” “I closed the deal, hon! Sa atin niya ilalagay lahat ng funds nila!” I guess kahit matagal akong naghintay para sa kanya ay worth it naman dahil naging successful ang meeting niya. Hindi ko magagawang magalit kung ganito siya kasaya. “Congratulations, hon!” Niyakap ko siya ng mahigpit. “Thanks, Hon! Sobrang saya ko! Pero sorry talaga at napaghintay na naman kita,” Ngumiti ako sa kanya at muli siyang niyakap. Nandito na siya at iyon ang importante. ********** “Hon, uuwi na lang ako mag-isa. Kaya ko naman eh,” matapos ang isang linggo ay may meeting na naman ito sa panibagong kliyente. “No, wait for me. Babawi ako sa’yo. Saglit na meeting lang naman ito, hon. Magpipirmahan lang kami ng dokumento,” Isang oras na akong naghihintay sa kanya dito sa opisina. Ang mga kasamahan ko at sila Ma’am Mikee ay nakauwi na. Ang guard at ako na lang ang nandito. “S-sige,” “Ma’am, Ma’am,”’ nagising ako sa mahinang tapik sa aking balikat. Si Kuya Anjo, ang guwardiya ng branch namin. Nagpunas ako ng aking mata. Madilim na sa labas. “Ma’am, umuwi na po kaya kayo para komportable po kayong makatulog,” aniya. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa paghihintay kay Jake. “Anong oras na po ba kuya?” hindi maapuhap ng mata ko ang orasan dahil sa sobrang antok ko pa din. “Alas onse na po ng gabi, Ma’am. Baka hindi na po darating si Sir Jake,” agad akong napatingin sa cellphone ko. Alas onse na pero ni isang text at tawag ay wala siya. Sinubukan kong tawagan ang cellphone niya pero hindi iyon nagriring. Nag-aalala na ako. Imbes na sa boarding house ay sa condo niya ako tumuloy. May susi ako nito. Sabado naman bukas kaya kahit doon na ako matulog. May mga gamit naman ako sa condo. Nagdarasal ako na sana ay doon na siya tumuloy kesa naman isipin na napahamak siya. Ngunit bigo akong nakarating dahil wala din siya. Minabuti kong maghintay na lamang sa kanya. Hindi ko magawang matulog kahit sobrang inaantok na ako. Napilitan lang din akong kumain. Ang sabi ni Mikee ay hindi rin daw niya matawagan si Jake. Sobra akong nag-aalala. Bandang alas dos ng madaling araw nang marinig ko ang pagpihit ng doorknob. Kumalabog ang pagbukas ng pinto. Kinabahan ako ngunit nakahinga rin agad ng maluwag nang makita kong si Jake ang pumasok. Lasing siya at pasuray suray ang lakad. Muntik pa itong matumba. Mabuti na lamang at naging maaap ako at nasalo agad siya. “What are you doing here, hon?’’ Gusto ko siyang sapakin sa tanong niya. Nakalimutan na ba niyang naghihintay ako sa kanya sa opisina? Pero alam kong magmumukha lang akong tanga kung makikipagtalo ako sa lasing. “Saan ka galing? Bakit uminom ka?” sa halip ay tanong ko. “Nag-ayang mag bar si Mr. Tan. Hindi ko nagawang tanggihan dahil malaking pera ang ipapasok niya sa bangko. That guy really likes me. Ipapakilala pa niya ako sa mga kumpadre niya na potential clients, hon. I’m so happy!” Gusto kong magdamdam sa kanya. Pero paano ko magagawa iyon kung sa bawat paghihintay ko ay nagiging matagumpay siya sa trabaho? Masaya akong nakikitang naabot niya ang mga goals niya. Masaya akong makita siyang masaya. Kahit mabigat siya ay naihiga ko siya sa kama at pinalitan ng damit. Pinunasan ko ang mukha at katawan niya upang maginhawaan siya ngunit hindi pa ako natatapos ay hinawakan niya ang kamay ko. “Are you proud of me? I want to be the best for you, Andrea. Gusto kong ipagmalaki mo ako,” parang hinaplos din niya ang puso ko sa sinabi. Alam kong ginagawa niya ang lahat para sa akin. Kaya kahit nakakaramdam ako ng sama ng loob sa sunud-sunod na paghihintay ko sa kanya ay kaya kong balewalain kung kapalit naman ay ang success niya. ********************************************************************* I woke up with tears in my eyes. It’s just five in the morning. I don’t know why suddenly I wanted to watch the sun rise. Ilang minuto lang ang layo ng dagat sa amin. Kinuha ko ang bike ni Andy at nagpunta sa dagat. Napayakap ako sa aking sarili ng umihip ang malamig na simoy ng hangin. Saglit na lang ay magbubukang liwayway na. Nagulat ako ng pumatong ang isang itim na jacket sa aking balikat. Parang may mga kabayong nag-uunahan sa pagtakbo sa bilis ng t***k ng puso ko nang makita ko ang may-ari ng jacket. Gusto kong mag-iwas ng tingin pero parang wala kong kusang lakas na gawin iyon. I wanted to see those eyes. “Ang aga pa, bakit ka pumuntang mag-isa dito?” tanong niya. “How did you know I’m here?” balik- tanong ko sa halip na sagutin siya. “I saw you. Kaya sinundan kita,” he answered while looking at the vast sea. Kinain kami ng katahimikan at tanging malakas na kabog ng dibdib ko at ang paghampas ng alon ng dagat sa dalampasigan ang naririnig kong ingay sa paligid. Maya maya pa ay nagsimula ng magpakita ang haring araw. Sabay naming pinanuod ang sunrise. Humugot siya ng malalim na buntong hininga bago magsalita. “May I know why?” he asked, still not looking at me. Napatingin lang ako sa kanya. Naghahanap ng linaw sa ibig niyang pakahulugan. “Why did you leave?” I felt his sadness in his voice. But I can’t find the words to say. “Why did you have to leave me?” he repeated. Once again, I felt the familiar ache in my heart. The pain that I’ve been keeping for years. The pain that I tried not to feel for a long time. “Matagal na ‘yon, Jake. There’s no use of talking about it,” napapikit ako upang pigilan ang luhang mamuo sa mga mata ko. “I want to know,” mariing sabi niya. He clenched his fist. “That’s not important anymore,” pPara saan pa? It’s too late to regret everything. Years have passed. Parehas na kaming may sariling buhay. “Maaaring sa iyo hindi. But it is for me,” nanatiling nakayuko ang mukha niya at hindi ko makita kung anong emosyon ang rumerehistro doon. “Ayoko ng balikan pa ‘yon,” tinalikuran ko siya at nagsimulang humakbang palayo pero agad din niyang nahawakan ang braso ko at humarap sa akin. “How about me Andrea? Hindi mo ba tatanungin ang gusto ko?” His eyes were full of emotions. There’s hate, longing, pain. Bakit Jake? Bakit ganyan ang ipinapakita mo sa akin? Gusto kong sagutin ang tanong niya. Gusto kong isumbat lahat sa kanya. Pero ibubuka ko pa lamang ag bibig ko ay hindi ko na nagawa pang magsalita. “Andrea,” parehas kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses na iyon. “Alfred,” tanging nasabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD