Takot ang siyang nararamdaman ng isang dalagang may piring ang mga mata. Basta na lamang itong tinangay ng mga kalalakihan at piniringan sa mata upang hindi niya makilala ang mga kidnappers. Kadarating niya lamang mula New York at ito pa ang bumuluga sa kanya. Ang tangayin siya ng mga kalalakihang noon lamang niya nakilala. Dinig na dinig niya ang mga pinag- uusapan ng mga ito tungkol sa ransom money na makukuha. May busal din ito sa mukha kung kaya't tanging ungol lamang ang maririnig mula sa dalaga kahit gusto niyang magsisisigaw sa mga oras na iyon.
"Opo, boss! Hawak na po namin siya!" sabi ng isang lalaking may hawak ng selpon.
Kahit anong aninag ng dalaga ay hindi niya mabosesan ang kausap ng lalaki sa may selpon. Kung kaya't muling pumalag ang dalaga sabay kawag- kawag nagbabakasakaling makalas ang kanyang tali maging ang piring nito.
"Sige boss, tatawagan ko na ang ama niya!" muling narinig ng dalaga na sabi ng lalaki.
Maya't- maya pa'y ramdam ng dalaga ang paglapit ng lalaki sa kanya. Maging ang paglapit ng mukha nito sa mukha ng dalaga.
"Malilintikan ka sa akin kapag nagkamali ka ng sasabihin sa iyong ama. At may masamang mangyayari sa ama mo kapag naging matigas ang iyong ulo!" bulong na babala ng lalaki sabay alis sa busal ng bibig nito.
"Who are you? Anong kasalanan ko sa inyo at kinidnap niyo ako?!" sigaw na sabi ng dalaga.
"Tumahimik ka! Basta, sundin mo lang ang iuutos ko sa'yo at magiging okay ang lahat!" sita ng lalaki.
"You will pay for this, I swear!" madiing wika ng dalaga.
"Ang dami mong dada! Kausapin mo ang bulok mong erpat!" singhal ng lalaki sabay dikit sa tainga ng dalaga ang hawak nitong selpon.
"Hello, sino ito?" boses ng ama niya.
"Dad?! Dad, help me! Someone kidnap me Daddy!" takot na takot ang dalaga .
"Caly? Oh, thank God she's alive! Hey, my princess did they hurt you?" nag-aalalang turan ng Daddy niya.
Magsasalita pa sana si Caly subalit muling ibinalik ang busal sa bibig nito. Kung kaya't ang sumbong sana nitong pagkahaba- haba ay nauwi sa ungol lamang. Halos mapatid na yata ang gilit sa leeg nito sa pagkukumahog na magsalita at sumigaw sana.
"Walang mangyayaring masama sa kaisa- isa mong anak na babae, Mr. Dela Cueva. Basta sumunod ka lamang sa gusto ng aming amo! Maliwanag ba?!" wika ng lalaking tumangay kay Caly.
"Okay! I will give what you want! Basta, huwag niyong sasaktan ang aking anak! Don't touch her even the finger tips of her hand!" pahayag ni Mr. Dela Cueva.
Napangisi ang lalaking kausap ni Mr. Dela Cueva sabay tango.
"Mainam, Mr. Dela Cueva! Hintayin mo ang mga susunod naming tawag maya-maya lamang! Dahil ang boss namin ang siyang makakausap mo mismo!" ani ng lalaki.
"Whatever! Basta huwag niyo lang kakantiin ang anak ko, makukuha niyo ang gusto niyo!" saad ni Mr. Dela Cueva.
"Iyan ang gusto ng amo namin, masunurin! Kung pumayag ka na sana noon pa, hindi sana madadamay ang pinsesa ng inyong pamilya!" wika ng lalaki sabay halakhak at ibinababa na nito ang selpon.
Muling nilapitan ng lalaki si Caly na napagod na sa kakatangtangkang makatakas.
"Dito ka lang at hintayin natin si boss! Behave ka lang dahil hindi ka prinsesa ngayon kundi muchacha!" sabi ng lalaki sabay tawa nang malakas.
Napapikit na lamang si Caly at naglandas ang mga luha nito sa kanyang pisngi. Dahil kung bangungot lamang iyon ag gusto na sana niyang magising.
Habang sa Mansyon ng mga Dela Cueva ay naroon na si Sarhento Generoso Axier Donasco. Ang active at hinahangaan sa galing at diskarte ng pulis laban sa sitwasyong kagaya ng kinasasangkutan ng nag-iisang babaeng anak nila.
"Nakuha ba ang location nila, Abby?" tanong ng Sarhento sa nag- monitor ng location ng tumawag.
"Hindi Sarhento! Masyadong maiksi ang kanilang pag- uusap sana hinabaan ma lang!" sagot ni Abby isa sa co- team ng Sarhento.
Tumango- tango naman ang Sarhento at hinarap si Mr. Dela Cueva.
"Sa susunod ho, medyo lagyan niyo ng trick para medyo humaba ang inyong pag-uusap ng kidnapper. Kasi sa panahon po ngayon, iba na ang mga kidnappers. Masydo na silang matatalino at madaling makatunog!" saad ni Mr. Dela Cueva.
Siya namang paglapit ng Donyang kabiyak ni Mr. Dela Cueva.
"Nahanap ma ba ang anak natin, Freto?" agad na tanong ng Ginang.
Niyakap ni Freto ang kanyang asawa at hinagkan sa ulo.
"Dapat nagpapahinga ka na dahil alam kong stress ka sa pag- kidnap sa ating prinsesa, Adelle." Sagot ni Don Freto.
"I'm very much worried for her, Freto! Alam mo na ang magaganap kapag hindi nailigtas ang aking anak!" napapaiyak nang wika ni Donya Adelle.
"Sshhhh! Magiging maayos ang lahat, Adelle. Matalino ang anak mo at matapang, she will definitely endure the panicked that shw felt right now!" pang- aalo ng Don.
"Nag- iisa na lamang si Caly sa ating poder bilang single. Idagdag mo pang nag- iisang babae sa pamilyang ito, kaya hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa akin, Freto!" tuluyan nang napaiyak ang Donya.
Sinenyasan ni Freto ang mayordoma ng Mansyon, si Claring.
"Pakidala naman ang Ma'am mo sa aming kwarto. Tapos tawagan mo si Bamboo upang suriin siya." Bilin ni Don Freto.
"Sige po!" sagot ni Aling Claring sabay akay kay Donya Adelle na umiiyak pa rin.
"Sa plano natin dapat hindi malaman ni Ma'am, Don Freto. Mahina siya masyado at nerbiyoso baka mas lalong hindi tayo makapag- iisip ng solusyon." Suggested ni Sarhento.
"Ikaw ang nakakaalam ng magandang plano Sarhento. Ibinibigay ko ang aking pahintulot na ikaw ang magplano ng lahat. Tagamasid lang ako at tamang pakikinig sa anumang plano niyo. Basta ang pinakamahalaga sa akin ay ang kaligtasan ni Caly." Sagot ng Don.
"Salamat po sa tiwala!" msayang tugon ni Sarhento sabay baling sa mga kasamahan nito.
Hindi nga nag-aksaya ng panahon ang team ni Sarhento Generoso at nagsimula na silang magplano. Para sa one on one man hunt operation para mahuli ang mga kidnappers. Tamang pakikinig lang at suggested si Don Freto dahil halos lahat ay naghanda naman sa kanilang paglalakbay. Ang kanilang final mission, iligtas at makuha mula sa mga holdaper si Calla Lily Dela Cueva, the only girl among the four brothers of their family.