MATAGAL na hinintay ni Cayetana si Apollo. Nangako ito sa kaniyang babalik ito, nangarap kasi si Apollo pumunta sa iba't ibang bansa na buong pusong sinuportahan ni Cayetana. Babalikan siya ni Apollo 'yon ang pangako sa kaniya nito at pinanghahawakan niya sa bawat araw ng buhay niya.
Isa, dalawa, tatlo, apat na taon walang Apollo na bumalik.
Hangga't sa masanay na si Cayetana na mag-isa sa Isla kung saan siya iniwan ng lalake.
Ngunit isang balita ang siyang gumimbal kay Cayetana--- wala na raw si Apollo, patay na raw ito dahil sa isang aksidente.
Pinilit ni Cayetana na tanggapin ang lahat. Binuksan ang puso sa isang lalaking nangangalang Melvin.
Pilit na binaon sa limot si Apollo kahit walang kasiguraduhan kung wala na nga talaga ito.
Ngunit isang araw 'yon na lamang ang gulat ni Cayetana sa araw ng kasal niya.
Hindi siya makapaniwalang ang isang Apollo Rodriquez ay nasa harap niya at hindi na siya kilala.