I woke up the next morning with a heavy feeling. Tumatak parin sa aking isipan ang kanyang isinambit na pangalan sa senswal na paraan. Well, that's what i thought. But is it wrong tho? I saw it... i saw how he licked his lips as he stared at me while uttering his name.
Waze...
So his name is Kensley Waze, then? He has a second name too? and that's Waze? Kensley is nice but Waze is... much better.
“Go, hes...”, sambit ni mommy saakin. We're at their own field now, ani Waze ay mas mainam kung dito kami sasakay ng kanilang private jet dahil bukod sa nandito ang jet ay para rin maiwasan ang ibang kalaban ni daddy na sumunod saamin.
She nodded her head lightly. Urging me to step on it so the two of us could go now. Binalik ko ang tingin kay Waze na ngayon ay natural na naka kunot ang noong nakipag usap kay daddy. Mukhang may ibinilin sakanya.
Waze, sporting his Light Brown Houndstooth Havana Suit look's like a foreigner on it. Uhuh? Did I just praised him for that? No.
“Kensley ihjo... please take care of my daughter.”, si mommy ang nagsalita.
Ang mga bagahe ko ay nauna na roon sa loob.
Dad showed me his sorry smile. I smiled too, telling him that there's no problem with me. I went closer and hugged him. He chuckled at my reaction. “Bye sweetie... we can still talk over phone. Take care 'kay?”
“Tell me right away dad if there are no enemies na so I can go back here...”, ngumuso ako.
Tumango siya at panguso ring tinuro si mommy na ngayo'y nakabusangot. I laught at that and went to hug her. Selos lang 'to e! She's always like this. Madalas siya magtampo kung makikita niya kami ni daddy na ganito, gusto niya kasali rin siya.
“Bye baby...”
I waved my hands to the two while stepping on the stairs. Pinanood ko kung paanong unti-unting umangat ang jet hanggang sa lumipad iyon sa himpapawid.
Nasulyapan ko si Waze. I was sitting near the window so i could see the clouds, siya naman itong nasa aking tabi at prenteng nakaupo habang may kung ano-anong binabasa sa magazine.
I look around... His private jet screams too much money. The insides are cool and even smells like him. Isang piloto at dalawang stewardess ang nandito. Iyong dalawang babae na kanina'y nagtutulungan sa aking mga bagahe ay nandoon ata sa kanilang cabin? Kung tatawagin naman ni Waze ay saka lamang sila lalabas mula roon o kung kaya maghahatid ng pagkain.
“Stop staring at me.”, nagulat ako ng magsalita ang aking katabi. Wala saakin ang tingin ngunit alam kong para iyon saakin.
Tumikhim ako at taas noo siyang inangatan ng kilay. Who the f**k says I'm staring at him? He's not that handsome.
“Kailan ba tayo ulit uuwi rito?”
He closed the magazine and looked at me. “Who says we'll go back here? We'll stay there for good.”
“H-huh?”, i stammered.
We'll gonna stay there for good? The two of us?
Pinasadahan niya ng kanyang kamay ang kanyang buhok.
“Hindi pa nga tayo nagsama ay atat ka na agad makawala saakin.”
I even caught him licking his lips!
“Huh?”, what is he saying?!
He shook his head and gave me a dead pan look, like I'm so slow for not getting his point. I rolled my eyes on him. He caught it.
Pinagpagan niya ang suot at muling umupo ng maayos, he even leaned his head on the back rest so maybe he could sleep properly. Bago iyon ay sumulyap siya saakin.
“Wake me up when we're already there...”, he said while his eyes are closed.
What the hell now? Hindi ako matulog para malaman ko kung nakarating na ba kami so i could wake him the f**k up? But he has a pilot and stewardess to do it for him!
At bakit ba ako susunod sakanya? Just because he's my soon-to-be husband does that means he can dominate me?
Muli akong sumiring sakanya kahit na hindi naman niya iyon makikita dahil nakapikit na siya. Kinuha ko ang aking
neck pillow para matulog. Pagod ako kakaisip kagabi at talagang hindi ako nakatulog ng maayos.
I took a nap at nagising rin kaagad. I just can't sleep knowing that someone's here beside me... sleeping. The stewardess made me a snack. Nilingon ko ang aking katabi dahil doon. Should i wake him up so he can eat, too? At bakit ko siya gigisingin? Buti nga at mamatay nalang siya diyan sa gutom!
“I'm sorry, but he doesn't want his sleep to be interrupted ma'am.”, ani ng stewardess. I bet she's Caly, that's what i read in her plate name, near her chest. Napansin niya yata ang tingin ko sa aking katabi.
Tumango ako. Umalis naman siya kaya pasulyap-sulyap akong tumingin kay Waze habang kumakain. Pagkatapos ay nanuod ako ng kung anong movies bago muling natulog nang dinalaw ng antok.
Nagising ako nang may maamoy na kakaibang pabango. I rosed up and feel the warmth bed. I look around and saw a wonderful city lights behind me. I stared on it pagkatapod ay napatitig sa hinigaan. Who brought me here in bed?
Since when did we just arrived? Anong oras na ba at mukhang napasarap ang tulog ko?
Sapo ko ang noo bago umangat sa hinigaan. I saw a pair of Indoor slippers kaya iyon na ang aking sinuot. Napansin ko ring hindi nagbago ang aking suot kanina. So he didn't dresed me up? Ay iba rin naman pala... he's not that similar to those men i read in the romance books. Lumabas ako sa silid nang matantong hindi naman iyon naka lock.
“Hello po”
Isang boses ang nakapagpatalon saakin sa gulat. Sapo ko ang dibdib dahil doon. A teenage girl looked at me with her amber eyes. Suot niya ang isang maid suit.
I blink twice. “Hi?”
Her smiled widely. “Ako po si Analyn Hariva Calledo. Pero maaari niyo po akong tawaging Nena. Ako po ay isang katulong rito ni Sir. Katulad niyo po ay taga pilipinas rin ako na dinala ni Sir dito para maging katulong niya. Kaano-ano mo po si Sir, ma'am? Ay teka! Ano po pala ang pangalan niyo?”, mahabang tanong niya.
Natunganga ako. She's just too talkative. She reminds me of one of my friend, kaliyah in philippines. But her brown hazel eyes are so friendly that it tells me to trust her.
“I'm Hestia.”, i awkwardly entended my hand. Nanlaki ang mata niya at hindi makapaniwalang napatitig roon.
“Ay hala! Madumi ang kamay ko Ma'am Hestia, kagagaling ko lang sa paglilinis eh...”, kagat ang labi niya. I look down at nakita ang bitbit niyang mop at walis.
I smiled genuinely. She's nice. Inilibot ko ang kabuuan ng bahay. Where is Waze?
“Nasaan si--”
Before i could finish, Nena almost finished it for me.
“Si Sir Waze po? Nasa meeting po siya at baka mayamaya po ay darating na 'yon si Sir. Pinapasabi nga niya po sainyo na hintayin niyo nalang daw po siya at sabay daw kayong kakain.”
Hindi nakaligtas sa aking pandinig ang kanyang impit na kilig matapos sabihin ang huling katagang 'yon. And why do I have to wait for him?
Nagpaalam si Nena na magluto muna kaya inabala ko ang sarili sa pagtingintingin sa loob.
I roamed around the three storey house. Nag mula ako sa ibabang palapag at wala akong pinalampas na isang bagay roon. The first floor has a one room, na sa tingin ko ay iyon ang maid's quarter na tinutuluyan ni Nena. Nang marating ang ikalawang palapag ay napansin ko rin ang katabing kwartong tinulugan ko kanina. It got me curious so I opened the door.
A smooth perfumed room welcomed me. Three colours black, charcoal and white are the mostly main colors in the room. The wall behind bed rest is charcoal, the celling looks good with white, the rest of the wall were in black. Pati iyong mahabang kurtina ay charcoal color rin at tingin ko'y sa likod noon makikita ang city lights katulad ng tinulugan ko kanina.
The bed looks warm... yet cold. Lumapit ako roon at doon naupo. Hinaplos ko ang sheet noon. He has a very nice taste in interior design, i could see that.
Napatingin ako sa pintuan ng bumukas iyon sa saktong rahan. I almost rose up from sitting when i saw Waze, his white sleeves were rolled up to his elbow. Nasa kabilang kamay niya ang dala niya. It's three button were widely open! Bragging his hard chest. Napatingin siya saakin at mukhang hindi nama nagulat na nakita niya ako rito sa kanyang kwarto. But I didn't knew this is his room!
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at tumikhim. Should I excuse myself?
“Do you find yourself comfortable in that bed? You can sleep here... with me.”, his sof voice echoed in my ears.
Ang rahan sa kanyang boses ay damang dama ko.
“W-what? No!”, i immediately replied.
I just roamed around and that does not means I want to sleep here! And with who again? With him?!
I saw a ghost smile on his lips. “Alright.”
I leered on him. Pagkatapos ay kabado akong dumaan sa gilid niya upang makalabas ng kwarto. Binangga ko pa ang balikat niya bago tuluyang lumabas! How dare him!
Si Nena na nagluluto ang sumalubong saakin pagdating ko sa kitchen. I took a glance on the pan, getting curious on what is she cooking. She looked a teenage girl to me... And she knows really well how to cook huh? Bakit ako lang yata itong hindi marunong? I wonder if Waze knows how to cook, too. At kapag hindi, kapag kasal na kami at pareho kaming hindi marunong magluto, so maybe... we'll hire Nena? Huh?
I looked at the viands placed above the table. Samot-sari ang nandoon na hindi ko alam kung ano ang mga 'yan. Mom cooked some filipino foods too but kadalasan ay mga sosyal talaga.
“Chicken Curry, Tortang Talong, Beef Steak at Pork Ginataan with Squash and String Beans po 'yan. May gusto ka po bang ipaluto ma'am?”, ani nena na isa-isang itinuturo ang mga nakalapag sa lamesa. I shook my head.
Tortang Talong looks so yummy.
“Paborito po ni Sir ang Pork Ginataan kasi Vegetarian po siya.”,hindi napigilan ni Nena ang ngumisi habang sinasabi 'yon.
Nakagat ko ang aking labi. Uhuh? Nena shut her mouth and go back from cooking the fried rice. I heard a footsteps coming towards us and I bet that's Waze.
Who else?
“Luto na Sir! Pwede na kayong kumain ni ma'am!”, si Nena.
Nena placed the last viand she cooked. I was amazed at how good she is. Wow! I think i should learn it too 'no?
“How about you? You can join us too.”
Umiling siya. “Mamaya na po ako ma'am.”
So... maiiwan kami ritong dalawa ganoon ba?
Tumango narin ako kaya umalis siya sa kusina. Napatingin narin ako kay Waze na ngayo'y nakaupo na! Isn't he going to pull a chair for me? Ang sabi ni mommy ay gentleman sya, bakit bigla yatang nagbago? Pakitang gilas!
Mukhang naramdaman niya ang madilim kong tingin sakanya dahil pati siya ay napatingin narin saakin na hindi pa nakaupo. He raised a brow at me. This arrogant...
“Huh?”
Padabog akong umupo sa kabila at nagsimulang sumandok ng kakanin. At ano bang ipinagdadabog ko? So what if he's not going to pull a chair for you, hes? Big deal ba 'yon saiyo?
“Do you know about ny family's enemies?”, i started.
Nabitin ang kanyang pagnguya pero agad rin naman ipinagpatuloy bago ako sinagot. “Stop asking and eat.”
“But I have the rights to ask! It's my family's enemies!”
“We're working on it. Your father's enemies are living in the dark so i think this we'll take long for you to stay here...”, saad niya.
“But why did you agreed on this? Did my Dad pay you?”, naitanong ko ang matagal na ring nakapagpabagabag saakin.
Nabitin sa ere ang kubyertos na hawak niya. His brows even furrowed while looking at me with his dark stares. Obviously didn't like what i just said.
“Shut it.”
Sinimangutan ko siya. My god! I can't wait for us to finally split ways! Kung pwede lamang mag back out sa mga nangyayari ay talagang gagawin ko! I can't stand knowing I should live with this arrogant Waze by my side!