Prologue
Title pa lang, mukhang alam mo na ang mangyayari. Sa simula palang, hanggang sa huli.
Kasi yung title, masyado nang common. Palasak na raw--gamit na gamit na raw. Pero para sa akin, ito lang ang pamagat na nagsu-suit sa istorya ng buhay ko.
Oo. Boyish ako, pero hindi ako lesbian. Babae pa rin ako—marupok, malambot, emosiyonal.
Ang pinagkaiba lang, lalaki ako manamit--lalaki ako pumorma.
Maraming nagsasabi, matapang daw ako dahil marunong ako makipag-away.
Oo. Tama naman sila. Sanay na akong makipag-away. Pero hindi ibig sabihin no'n, manhid na ako at walang nararamdaman.
Tao lang din ako.
Marunong magmahal; araw-araw nasasaktan.
Matapang ako sa labas ng kwarto ko.
Matapang ako sa labas ng bahay namin o sa tuwing kasama ko ang best friend ko, pati ang ibang kaibigan namin.
Pero . . . marunong din akong umiyak tuwing mag-isa ako. At tuwing gabi sa loob ng kwarto ko. Mahina ako kapag mag-isa ako. Mahina ako kapag nasa loob ako ng kwarto ko.
Do you ever think that this story is your typical 'best-friend-turned-lovers' story?
I will assure you that this story is not what you think.
Ano nga ba ako sa istoryang ito? Kahit ako, hindi ko rin alam. Kasi . . . ako nga ba ang bida ng istorya kong ito? O ako ang kontrabida?
Ako nga ba ang magugustuhan ng mga mambabasa ng istoryang ito? O ako ang kakainisan ng lahat dahil sa pagiging makasarili ko?
What if you're given a chance to choose between the two most important in your life—who would you choose? The person you love? Or your best friend?
Ako nga pala si Gabriella Manlapaz—his boyish best friend. At naniniwala ako sa kasabihang . . .
"You can't have the same thing at the same time. You always have to choose and lose the other one."
Kayo rin ba?
Paano nga ba kami unang nagkakilala ng best friend ko?