I tried to remember how did I get to where I am now, pero hindi ko na lang talaga maalala pa. Parang nagising na lang ako na ganito na ang buhay ko. A lot of people would see me as someone who is low, pero hindi ko na iniisip ‘yon. Minsan naapektuhan ako kaya nasasagot ko sila, pero minsan, parang wala na lang iyon sa akin.
Katulad ngayon. I just broke up with Leon. I forgot to count how many days have we dated pero ngayon wala na iyon. Wala na kami.
“Lalabas ka mamaya?” tanong ko kay Reena.
Tumango siya sa akin. “Sasama ka? Si Jay Ann kasi hindi pinayagan,” natatawang sabi niya.
Natawa din tuloy ako. “Titingnan ko. Text kita mamaya,” sabi ko sa kaniya.
Naupo kami sa cafeteria dahil doon namin hinihintay si Jay Ann. May klase pa kasi siya habang kami ni Reena ay maya-maya pa ang susunod na klase.
Kumain na lang kami ni Reena habang hinihintay namin si Jay Ann. Nang dumating ang isang kaibigan namin ay pinag-usapan at piangtawanan namin ang pamamaalam nito sa paglabas mamayang gabi na hindi naman pinayagan.
“Tatawa-tawa ka diyan,” aniya. “Parang papayagan ka din ng lola mo,”
I rolled my eyes at her. “Huwag mo ngang i-jinx. Panira ka,” sabi ko sa kaniya.
Tumawa naman sila ni Reena. “Parang mag-isa lang akong lalabas mamaya, ah,” ani pa ni Reena.
I looked at her sideways. “Talaga ba? Mag-isa ka lang?” panunuya ko pa.
Pinandilatan naman niya ako ng mata at hindi na sumagot. Natawa na lang si Jay Ann.
This is what I like about our friendship. Sanay na sanay na sila kapag ka nakikipag-break ako sa mga nagiging boyfriends ko. Hindi na sila nagtatanong kung ano ang nangyayari. Hindi sila nang-uusisa. Hahayaan na lang nila ako na magkwento sa kanila kapag ka gusto ko na.
At ganoon din naman ako sa kanila. I don’t force them to tell me everything. Pero kapag ka may nahahalata ako, I let them know that I know about it and I am okay with it. Nagkukwento din naman sila kapag ka handa na sila.
After that day, diretso na ako ng uwi dahil maaga pa. Mamaya pa naman lalabas sina Reena. Magpapaalam pa ako kay Lola mamaya kung papayag ba siya sa paglabas ko.
The whole day, I managed to not pay any attention to anyone who was talking about me. Kahit pa na kahit saan ako dumaan, pinagtitinginan at pinag-uusapan ako, never did I ever looked at any of them. I figured it wasn’t worth it. Kahit pakikinig ay hindi ko nagawa dahil alam ko na kapag may ni isang salita lang ako na maririnig sa kanila, mapapatulan ko sila.
I smiled as I got inside our house. Maliit lang ang bahay namin, but it is made of concrete. Ito lang siguro ang tanging maipagpapasalamat ko sa mga magulang ko. At least, they provided me with a house. Hindi din naman ako nagkakaproblema sa pera dahil may pension naman sina Lolo at Lola at nagpapadala naman ang mga magulang ko. Well, dapat lang. that’s the very least they could do for abandoning me.
Ipinilig ko ang ulo ko at yumakap sa dalawang matanda. These two… they are my life. They are the ones who fulfill the love that my parents should have given me. And if I were to choose my parents, I will gladly choose them than my parents.
“Maaga ka ah,” ani Lola.
Ngumiti lang ako sa kaniya. “Maaga po dismissal, La,”
Tumango siya at itinuro ang mesa. “Tamang-tama at may inihanda akong meryenda,” aniya. Napatingin tuloy ako doon at nang makitang champorado iyon ay dali-dali akong lumapit sa mesa.
Natawa naman sila ni Lolo sa inasta ko. They really know what are my favorites. They would always prepare that kahit pa na minsan ay hindi ko makain ang mga ito dahil may mga araw na gabi na ako umuuwi.
Sinabayan naman ako ni Lola sa pagkain. Si lolo daw kasi ay kanina pa naunang kumain dahil nagugutom na daw.
Lolo went outside kaya naiwan kami ni Lola sa dining area. I took that opportunity to ask permission para lumabas mamaya.
“La,” tawag ko sa kaniya nang makitang tuluyan nang nakalabas si Lolo.
Lola’s eyes squinted at me. “Lalabas ka na naman?” tanong niya sa akin ng diretso. Natatawang napanguso ako pero hindi na sumagot. Alam na din naman niya kasi ‘yon. Napailing pa siya. “Ikaw na bata ka, palagi ka na lang lumalabas. Delikado pa naman kung gabi,”
Ngumuso ako lalo. “La, kasama ko naman sina Reena. Isa pa, may sasakyan naman ‘yon. Papahatid ako sa kaniya mamaya. Promise,”
Lola looked at me sideways. “Baka Reena Reena lang ‘yan. Hindi na kami magugulat ng lolo mo kung makikita ka na naman namin mamaya o bukas na hinahatid na naman ng ibang lalaki,”
Parang sumakit ang dibdib ko sa sinabi ni Lola. They know about me jumping from one man to another. Hindi ko na pilit na itinago sa kanila iyon. They never talked to me about it. But they are always telling me to be careful with whom I trust. Delikado na ang paligid ngayon. They can’t risk me being in danger, pero hindi din nila ako pinipigilan because they always know that I can handle myself and they trust me. And that I am accountable of my actions and of myself. That is why I really love them… and I make sure that I will never disappoint them.
“Wala akong boyfriend ngayon, La,” paninigurado ko sa kaniya.
Umiling siya. “Mahal ka namin ng Lolo mo,” aniya na nagpatango sa akin. Alam ko naman ‘yon. Ni minsan ay hindi naman sila nagkulang sa pagpapadama sa akin noon. “Kaya sige na. Oo na. Basta. Ang palagi naming sinasabi sa iyo, mag-iingat ka. Tawagan mo kami kung kinakailang. I-text mo din kami palagi,” bilin niya.
Nakangiting tumango ako. Niyakap ko pa si Lola. Natatawang niyakap din niya ako pabalik. “Ayaw naming gawin sa ‘yo ang nagawa namin sa Mama mo. Ayaw namin na paghigpitan ka. As much as possible, we want you to enjoy your youth. Okay?” aniya at tumango ulit ako. “Pero, please. Huwag naman ‘yong madaming lalaki. We want you to experience real love. Gaya nang sa amin ng Lolo mo,”
Natawa ako sa sinabi ni Lola at kumalas sa yakap. “Bata pa ako, La. Hindi pa dadating ang magmamahal sa akin gaya ng pagmamahal ni Lolo sa inyo,”
Lola’s eyebrows furrowed at me. “Hoy, ano ka, “aniya na medyo tumaas ang boses. “High school pa lang kami nang magustuhan ako ng Lolo mo. Hinintay niya talaga ako hanggang sa maka-graduate kami ng college,”
Nakita siguro ni Lola sa mukha ko na nagulat ako at medyo hindi makapaniwala. Ngumiti siya sa akin at tumango. “Totoo. Kaya iyan din ang gusto ko para sa iyon. Iyong makakita ka ng taong mamahalin ka talaga,”
Hindi na ako sumagot at inisip na lang kung dadating pa ba ang araw na iyon. Kung possible ba na mangyari din sa akin ang nangyari kay Lola.
Will I ever experience real love?
Parang sa kanila ko lang naramadaman ang totoong pagmamahal eh. Tanging sa kanila lang ni Lolo.
The whole night, I was thinking about it. Kahit noong kumakain na kami nina Lolo at Lola ay iyon lang ang nasa isip. Pilit ko man na inaalis iyon sa isip ko ay nahihirapan ako lalo pa at nakikita ko sa mismong mga mata ko kung gaano kamahal nina Lolo at Lola ang isa’t-isa.
Then, it would enter my mind… that maybe, it will also be possible for me. But then, my parents came into my mind. Doon na tuluyang nawala sa utak at puso ko ang pag-asa.
Maybe… true love is really meant for some people. But for me, just like with my parents, I don’t think it’s for us.
Pilit kong inalis sa utak ko ang pinag-usapan namin ni Lola lalo na noong nagbibihis na ako para umalis. Susunduin ako ni Reena. We will drop by Jay Ann’s house. Susubukan daw namin na ipagpaalam siya sa parents niya.
Nang dumating si Reena ay agad akong nagpaalam kina Lolo at Lola. Hinatid pa nila ako sa labas.
Reena went out of the car to greet my grandparents. Ngumiti na lang ako sa kaniya.
“Magandang gabi din,” Lolo and Lola greeted my friend back. “Mag-iingat kayo, ah,” ani Lola at humarap sa akin. “Sophia Alison, iyong bilin ko, ah,”
Napanguso ako sa tawag ni Lola sa akin. Tumango na lang ako at yumakap sa kanila ni Lolo. “Aalis na po kami,”
“O, siya sige. Mag-iingat kayo,” ulit pa ni Lolo bago ako hinayaan na pumasok na ng sasakyan. Kumaway lang ako sa kanila habang nagda-drive na si Reena paalis sa harap ng bahay.
Nang makalayo na kami ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Sabay pa kaming natawa ni Reena nang magkatinginan kami.
“Don’t talk na,” saway ko sa kaniya dahil alam kong tutuksuhin niya lang ako. “I just want to enjoy the night,”ani ko at ngumiti sa kaniya..