Chapter 11 -M.C P.O.V- Nagising ako na parang nanlalamig ang buo kong katawan,ramdam ko din ang panginginig ng katawan ko.Nahihirapan din akong imulat ang mga mata ko sa di ko alam na dahilan. Gusto kong bumangon sa pagkakahiga ko pero parang nanghihina ang buo kong katawan,pinilit kong imulat ang aking mga mata kahit nahihirapan ako. "Tr-travis. . ." mahinang tawag ko kay Travis pero hindi ko alam kung maririnig nya ako. Dahan-dahan kong iginala ang mga mata ko sa buong tent pero wala sya,mukhang umaga na din dahil naaaninag ko ang liwanag mula sa labas.Bakit ba hinang-hina ako?Sinubukang kong gumalaw pero napaigik ako ng maramdaman ko ang pagkirot ng paa kong sa tingin ko ay hindi pa magaling. Nasaan ba si Travis?natulog ba sya dito kagabi? Pipilitin ko sanang tumayo ulit ng pumas