Episode 04

2782 Words
Chapter 4 -TRAVIS P.O.V- "Atlast natapos din." Sinandal ko ang likuran ko sa upuan ko at iniutnat ang mga braso dahil sa ilang oras na pagpipirma at pagta-type ng mga kamay ko sa laptop ko.Pinagawa na lahat ni M.C ang mga gawain na itinambak ko sa  kanya.Ang babaeng iyon,talagang binabawian ako sa ilang araw na tinatakasan ko sya. Grabe!Hindi ako sanay na nagbababad sa trabaho.Hindi naman ako papasok sa opisina ko kung hindi lang ako binantaan ni Taz.Ewan ko ba!nang marinig ko ang banta nya sa akin parang kinabahan ako.Kilala ko si Taz lahat ng sinasabi nya ginagawa nya at sa oras na hindi ako pumasok sa kumpanya ko baka gawin nya nga yun.Lahat kasi sila naawa daw kay M.C dahil lagi akong hinahabol at lagi kong pinagtataguan.Ako kaya kaibigan nila. Pag naiisip ko ang banta ni Taz sa akin parang yung katamaran ko sa katawan eh nawawala. Aish!Hindi ko alam pero ang lakas ng epekto sa akin ng banta ni Taz. *FLASHBACK* "The hell you were doing here Amadeus?Don't you have a company to work for?Bakit ba lagi kang nasa kumpanya ko?" Ito talagang si Taz kakaupo ko lang sa sofa nya sinisinghalan na agad ako.Masama bang tumambay sa opisina nya?May asawa na at lahat,magkaka anak na din pero may kasungitan paring taglay.Nawa'y hindi mamana ng anak nya ang ugali ng ama nya. "Masama bang makitambay Taz?Tsaka alam kong pupunta sina Lance dito at ang iba para pagplanuhan ang nalalapit na kasal ni Lance kay Sari,tutulong ako syempre." sabi ko na poker face na ikinatitig nya sa akin. Ang mga ganyang titig ni Taz minsan di mo alam kung dapat mong katakutan eh.Kakauwi lang namin galing Greece kahapon matapos naming bawiin si Sari sa matanda nyang tiyuhin tapos tatambay lang sa opisina nya ipagdadamot nya pa. "I will remind you Amadeus that they will go here after their works.Ikaw?Hanggang kailan mo pahihirapan ang sekretarya mo?" Napakamot ako sa ulunan ko dahil sa sinabi ni Taz.Ang alam ko lang ay si Balance ang mahilig manermon sa akin about kay M.C hindi ko akalain na concern din pala ang isang ito. "May tiwala naman ako sa kanya Taz.Tsaka ayokong mawala sa mga kaganapan sa grupo." dahilan ko na ikinailing nya "If i were you magsisipag ako sa kumpanya ko at hindi patamad tamad.Hindi ako magtatakas if one day babagsak ang kumpanyang ipinamahala ng Daddy mo sayo.Poor Uncle Luis for having a lazy son.Hindi mo ba naiisip ang magiging future mo pag nag asawa ka na?kawawa ang babaeng mahuhulog sayo." sabi nya sa akin. Grabeng panlalait naman ni Taz sa akin.Akala ko ng maging asawa ni Gail ang isang ito ay babait kahit 1% lang.Wala paring pinagbago,sasabihin at sasabihin ang iniisip.Tsaka sino bang may sabing mag aasawa ako? "Marriage is not for me okay Taz.Wala sa plano ko ang mapasama sa team nyo nina Balance at Shawn." sabi ko na ikinailing nya lang "Isa pa my company can stand without me Taz.Kung baga mag ooperate yun kahit wala ako.Isa pa inaantok lang ako pag mga documents ang nasa harapan ko." paliwanag ko pa Napasunod ang tingin ko kay Taz ng tumayo ito sa pagkakaupo nya at naglakad sa harapan ng lamesa nya at umupo sa ibabaw nito bago namulsang nakatingin sa akin ng seryoso.Pag ganitong tinginan ni Taz na hindi ko alam ang nasa isip parang gusto kong kabahan. "If you continue doing that attitude of yours Amadeus im sure that M.C will have no choice but to leave you." sabi nya na malawak na ikinangiti ko. "That will not gonna happened Taz.Matagal na sa akin si M.C at kahit kailan hindi pumasok sa isip nya na magresign bilang secretary ko.Ang ganda kaya ng sahod nya bilang secretary ko at marami pang benefits." sabi ko na bahagya nyang ikinatango. "Darating ang panahon Amadeus na magsasawa si M.C sa ginagawa mo and eventhough you offered a good salary and benefits for if she can stand being your secretary,you have no choice but to let her go." seryosong sabi ni Taz na ikinatahimik ko. Hindi naman siguro mag sasawa si M.C bilang sekretarya ko.Loyal yun sa akin eh. "Malabo talaga Taz.Hahahaha" sabi ko kay Taz na bumuntong hininga bago seryosing tumingin sa akin. Taz Ezra Westaria glare. .parang hindi ko gusto itong klase ng titig ni Taz ah. "Then i think i have no choice but to warn you." seryosong sabi nya na ikinakunot ng noo ko. Anong ibig nyang sabihin? "Warn about what Taz?" "Pag hindi ka pa pumasok bukas at sa mga susunod na araw sa kumpanya mo Amadeus i'll trade my secretary Mr.Teron to your secretary.Trust me i'll make sure na papayag ang secretary mo sa mga privilages na ibibigay ko." seryosong sabi nya na hindi ko kinakitaan ng pagbibiro sa sinabi nya. Napalunok naman ako sa banta nya.Alam kong hindi marunong mag biro si Taz pero sya ipagpapalit si Nathan na ilang taon nya ng sekretarya?Isa pa,imposibleng pumayag si Nathan. "Nathan will disagree with you Taz." sambit ko na ikinangisi nya. "Walang magagawa si Mr.Teron kundi ang sundin ako Amadeus.Im the Boss remember,batas lahat ng mga sinasabi ko at alam mo yun Amadeus.You knew me Amadeus.Be lazy as much as you want but i'll get your secretary by hook or by crook." sabi nya na ikinatayo ko sa kinauupuan ko. Damn!Hindi ako makakapayag.Si M.C mawawala sa akin bilang sekretarya ko?Bakit parang hindi ko gusto ang ideyang iyon? "Now now Amadeus?What will you do?" nakangising tanong sa akin ni Taz na ikinabuntong hininga ko. Hindi ko naman siguro ikamamatay kung papasok na ako sa kumpanya ko.Isa pa,ayokong totohanin ni Taz ang banta nya. M.C leaving on my company?That's a f*cking no to me. "Give me a few days Taz papasok din ako.Just don't trade my secretary to yours." seryosong sabi ko na kita kong ikinangiti ni Taz. Ang lalaking ito kahit kailan mga tinatakbo sa utak hindi ko maintindihan. "Good. I'll watch you Amadeus if you'll do what i said." sabi nya bago tumayo sa kinauupuan nya at bumalik sa upuan nya. "So,pwede na akong mag stay dito?" "Yeah sure.Enjoy the days that you'll be free and after that magpakatino ka na sa kumpanya mo." sagot nya sa akin bago ibaling ang atensyon sa laptop nya. Pabagsak akong umupo sa sofa nya at di makapaniwalang nabantaan ni Taz. Aishhhh!!! *END OF FLASHBACK* Si Taz ang klase ng tao na mahirap suwayin ang kagustuhan.Hindi sa natatakot akong mawala si M.C ha.Magaling mag trabaho si Nathan at masipag din sya pero mas gusto kong magtrabaho si M.C.Tsaka nasanay na ako sa presensya ng babaeng yun. Napabuntong hininga akong tiningnan ang laptop ko kung nasaan ang report na kakatapos ko lang gawin.Tiningnan ko din ang ilang mga papel na natapos ko na ding pirmahan.Siguro tuwang-tuwa si M.C dahil nabawasan na ang gagawin nya. Matapos nyang sabihin sa akin ang schedule ko ngayong araw ay hindi na yun pumasok aa opisina ko.Walang awa talaga ang isang 'yun,hindi man lang ako kinamusta kung buhay pa ako sa daming itinambak nya sa akin.Kahit pagdadala ng kape wala. Ano kayang ginagawa ng babaeng yun?Mukhang pinabayaan na ako dito ah.Ang balak ko pa naman ay tapusin lahat ng gagawin ko.Kasal na next week ni Balance at susunod naman doon ang proposal ni Ford.Dapat tapusin ko na lahat ng ito para walang masabi si Taz,baka mamaya may mata yun dito kumpanya ko mahirap na. Bakit kasi hindi ako pinupuntahan ni M.C ngayon eh.Paano ko itatanong kung may gagawin pa ako.Aisshh!! Napagdesisyunan kong isara ang laptop ko at tumayo sa kinauupuan ko bago naglakad palapit sa pintuan ng opisina ko ng biglang. . *BOOOGSS* "SH*T!DAMN MY F*CKING FOREHEAD!!" angal ko habang hawak hawak ko ang noo kong nauntog lang naman ng pintuan ko na biglang bumukas. Sh*t!Magkakabukol pa ata ng di oras ang gwapo kong mukha!! "Oh?Boss?Anong meron?bakit nakahawak ka sa noo mo?" Asar na binalingan ko si M.C na parang hindi alam na nauntog ako sa pinto na binuksan nya.Di ko alam kung nananadya ang isang ito o paraan nya ito na bawian ako sa mga panahon na iniiwan ko sa kanya lahat ng gawain sa kumpanya. Damn!Ang sakit ng noo ko. Inismiran ko si M.C at naglakad nalang ako pabalik sa upuan ko.Bakit kasi naisipan ko pang hanapin ang isang ito nabukulan pa tuloy ako. "Boss?okey ka lang?" rinig kong tanong ni M.C. "Kailangan mo?tinawagan ba kita na pumasok sa office ko." asar na sabi ko sa kanya na kita kong ikinakunot ng noo nya. Kanina hinihintay kong pumasok hindi sya dumating tapos ngayong hahanapin ko sya tsaka susulpot.Nananadya na talaga ang babaeng ito eh. "Sungit Boss ah!resulta ba yan ng maghapon mong pag upo sa trono mo na matagal na nabakante?" Pag ngising sabi nya na alam kong inaasar ako ng babaeng ito. "Tss!" "Oh!Bakit may bukol ang noo mo Boss?Saan nadali yan?" sabi nya pa bago mabilis na lumapit sa akin at hinipo ang noo ko ng bahagya akong mapaigtad ng lumapat ang kamay ni M.C sa noo ko.Mabilis kong hinawi ang kamay ni M.C na takang ikinalingon nya sa akin. Shet!!Ano yun?May kuryente ba ang kamay ni M.C para makaramdam ako ng ground mula sa paghipo nya? Agad akong tumayo sa upuan ko at bahagyang lumayo kay M.C.Baka makuryente na naman ako pag hinawakan ako ng isang yan. "Anyare sayo Boss?" takang tanong nya na ikinasimangot ko nalang. "Wala!Lumayo ka nga sa lamesa ko." sita ko sa kanya. Naguguluhang lumayo si M.C sa tabi ng mesa ko at tumayo nalang sa may gilid habang nakatingin sa akin na akala mo'y  nawiwirduhan sa akin. Tss! Ayoko lang na makuryente ulit ng dahil sa paghawak nya. "Ikaw Maria ha!Matuto kang kumatok sa pintuan ko hindi yung bigla-bigla mong binubuksan.Tingnan mo tuloy ang nangyari sa noo ko." reklamo ko sa kanya. "Malay ko bang nasa may harapan ka ng pintuan mo?Tsaka nasanay lang ako na deretsong napasok sa opisina mo ng hindi na kumakatok.Masakit ba?" tanong nya sa akin na asar na ikinabalik ko sa upuan ko. Nagtanong pa! "May bukol ang noo ko.Malamang masakit." sabi ko na ikinatango nya nalang. Wala pa atang pakielam ang bossy na sekretarya kong ito kung nasaktan  ako o hindi eh!Sumang ayon nalang kaya ako kay Taz na makipagpalit ng sekretarya? Napailing nalang ako sa sarili kong naisip dahil alam ko namang hindi ko magagawa yun.Nakakapanghinayang kung bibitawan ko si M.C na mahusay sa trabaho nya.Pagtiyagaan ko nalang ang isang ito kahit minsan ay boss pa kung umasta sa akin. "Sorry Boss ha!Malay ko bang kasalubong kita sa pintuan mo.Anyway,pumasok lang naman ako sa opisina mo para batiin ka ng good job dahil sa wakas natapos mong lahat ang trabaho mo ng hindi tumatakas." ngiting sabi nya na pumapalakpak pa. Pang asar din ang isang ito eh! "Nang aasar ka ba ha Maria?Kung pumasok ka lang dito sa opisina ko para tingnan kung buhay pa ako.See im alive kaya bumalik ka na sa lamesa mo at baka di kita matantya." Asar na sabi ko sa kanya na ikinatawa lang naman ng isang ito. Talagang nang aasar na ang isang ito eh! "Sungit mo Boss." "Paano ako di magsusungit ha Maria?Hindi mo man lang ako sinilip sa opisina ko maghapon para alamin kung kumain na ba ako o hindi.Walang kalaman-laman ang tiyan ko dahil hindi lang naman ako inalala ng sekretarya ko kung kakain ba ako o hindi." sabi ko na ikinatigil nya sa pagtawa. "Sorry na Boss.Eh. .hindi kasi ako sanay na naandito ka ngayon sa office mo eh.Nasanay ako na wala ka dito kaya nakalimutan kong alukin ka ng pagkain." paliwanag nya na asar na ikinasandal ko nalang sa upuan ko. Pag wala ako dito lintek akong hagilapin tapos ngayong naandito na ako tska ako pababayaan.Baliktad din utak ng sekretarya kong ito aba. "Kumain ka ba?" tanong ko nalang sa kanya. "Oo Boss kasabay ko si Vice President Paul kumain." sagot nya na hindi ko alam kung bakit nakadagdag ng inis ko. Talagang nagawa pa nyang kumain kasama ang iba tapos ako hindi inalala kung gutom o hindi. Bakit ba naiinis ako na hindi man lang nya ako naisip. Hinilot ko ang sintido ko bago tumingala.Naiinis talaga ako putcha sa hindi ko malamang dahilan. kainis. "Will you get out of my office now Ms.Soriano.Out." seryosong uto ko na hindi sya tinitingnan "Eh Boss----" "Labas!" "Eh Boss mag uuwian na kasi aayain sana kitang kumain sa labas." "SABI NANG LAB---anong sabi mo?" gulat na tanong ko na ikinatingin ko kay M.C na nakayuko at parang nahihiya sa sinabi nya. Tama ba yung narinig ko? "Anong sabi mo M.C pwede bang pakiulit ?" sabi ko na dahan-dahan nyang ikinalingon sa akin. "Uhmm--kasi Boss alam kong wala ka pang kinakain sa maghapon----" "Buti alam mo." putol ko sa sasabihin nya na ikinanguso nya. "Huwag ka ngang ngumuso dyan." sita ko sa kanya na ikinayuko nya nalang. Langya!Nakukyutan ako sa pagnguso ng babaeng ito eh.Ang gulo! "Inaaya mo ba akong kumain sa labas M.C?" tanong ko na ikinatango nya. "Pambawi lang Boss kasi alam kong napagod ka sa maghapong trabaho mo.Tsaka gusto kitang ilibre kasi pumasok ka na sa kumapanya mo." Sabi nya na hindi nakatingin sa akin. Hindi ko alam pero yung inis ko kanina sa sabay nilang pagkain ni Paul ay biglang nawala dahil sa pag aya nya sa aking kumain sa labas. Magsasalita na sana ako ng biglang mag ingay sa opisina ko ang cp ni M.C na agad nyang kinuha sa bulsa nya. "Hello. .oh Hans napatawag ka?" sabi ni M.C sa kausap nya na ikinasalubong ng kilay. Whose that Hans?Yun ba yung lalaking wagas kung maka angkin sa M.C ko. Teka?!Kailan ko pa sya naging M.C?Kung anong naiisip kong kalokohan,syempre secretary ko yan. "Ngayon na?Pero kasi----" biglang tumingin sa akin si M.C na ikinakunot ng noo ko. Sabi ng i-unfriend ang lalaking yun eh.Mukhang may lakad pa ata ang dalawang ito.Nagsisimula na naman akong mabwisit. "If you have something to do with that sly man go ahead Maria.Kaya kong kumain mag isa." seryosong sabi ko na agad kong ikinatayo sa lamesa ko at agad kinuha ang coat ko bago nilagpasan si M.C at deretsong lumabas sa opisina ko. Naiinis na naman ako sa di ko malamang dahilan.Langya!Ano bang nangyayari sa akin hindi naman ako mabilis mabwisit ng ganito. Saan kaya ako kakain ngayon?Hindi ako marunong magluto at simula ng umalis ako sa bahay at tumira sa condo ko mag isa puro order ang kinakain ko.Minsan nakikidayo ako kina Taz o sa iba.Mukhang kailangan ko nang matutong magluto ah.Buti si Taz kahit papaano marunong nang magluto. Huminto na ako sa tapat ng elevator at hinintay yun magbukas. Saan kaya ang lakad ni M.C kasama ang lalaking yun?Mukha malapit kay M.C ang lalaking yun kaya pakiramdam ko kaaway ko ang lalaking yun lalo pa at sinabihan nya akong ibigay na lang sa kanya si M.C.Ano sya sinuswerte?Sipain ko sya. Alam ko naman na pagpinigilan ko ang babaeng yun hindi naman ako susundin nun dahil mas boss pa kung umakto ang isang iyon. Kainis!Hindi ko alam pero nasasayangan ako sa hindi pagkain sa labas kasama si M.C.Ang weird ko grabe! Nang bumukas ang elevator ay mabilis akong sumakay at hinintay itong magsara at ng papasara na ito ay napakunot ang noo ko ng may dalawang kamay na pumigil sa pagsara ng elevator at mabilis na pumasok sa loob. "M.C?" Ano ito?Makikisabay sa paglabas ng kumpanya ko?Hindi man lang ako pinauna.Ako kaya ang Boss dito. "Ang bilis mo maglakad Boss." sabi nya na bahagyang himihingal. Tumakbo ang babaeng ito?Ganun ba sya ka excited na lumabas kasama yung Hans na yun?Tsk! Hindi ko nalang sya pinansin at baka lalo akong mainis.Gutom ako at talagang mas uunahin nya yung bwisit na kaibigan nyang iyon kaysa sa akin. Tang'na!Pakiealam mo ba Lancellot! "Saan mo gustong kumain Boss?" biglang tanong nya na ikinalingon ko sa kanya na ngiting nakatingin sa akin. Anong meron sa ngiti nya ngayon at napapatitig ako dun! "Huh?" "Ang sabi ko saan nyo gustong kumain?Ililibre kita diba?" ulit nyang sabi na ikinalito ko. "I thought that you----" "Diba nga sabi mo Boss kung nasaan ka dapat andun din ako kasi secretary mo ako!Baka dahil sa hindi ko paglibre sayo ngayon ay hindi ka na naman pumasok bukas." putol nya sa sasabihin ko na hindio ikinaimik. Okay!Yung inis ko hindi ko alam kung anong emosyon ang pumalit dun.Gusto kong ngumiti pero pinipigilan ko. Damn!My secretary chose to have dinner with me. "Ililibre mo talaga ako Maria?" "Oo naman malakas ang loob kong manlibre Boss dahil sahod mo ang gagamitin natin." ngiting sabi nya na ikinakunot ng noo ko. "What do you mean by that?" "Boss yung ilang linggo na hindi mo ipinasok sa kumpanya mo ay binabawas ko sa sasahurin mo kaya yung nabawas ay panlibre ko ngayon sayo." sagot nya na ikinatunganga ko. Langya!Akala ko libre talaga nya yun pala sa pera ko parin manggagaling ang libre nya.Mautak ang sekretarya kong ito. "Alam ko na kung saan tayo kakain Boss.Ituturo ko sayo ang daan habang nagmamaneho ka." ngiting sabi nya sabay labas sa elevator na kabubukas lang at kababa sa Groundfloor. "Boss mo ko Maria hindi Driver." naiiling na sabi ko sa kanya habang kasabay sya sa paglalakad palabas sa kumpanya ko. "Alam ko Boss pero dahil ako ang manlilibre ngayon ikaw ang magmamaneho." "Sahod ko ang gagamitin mong panlibre M.C." "Sahod mo na hindi mo deserve dahil sa ilang linggo mong absent.Huwag ka ng umangal Boss ikakain mo din naman." sagot nya sa akin na ikinailing ko nalang Bakit ba hinahayaan kong ganituhin ako ng babaeng ito.Nakakainis hindi ko alam kung bakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD