-M.C P.O.V- Maaga akong nagising at nagluto ng umagahan namin nina Mickey at Eiji,pagkatapos kong magluto inayos ko naman ang susuotin ko sa pagpasok sa trabaho. Nasa kwarto ko ako ngayon at nakatingin sa ilang mga damit ko na nakalatag sa ibabaw ng kama ko at nagiisip kung alin sa kanila ang susuotin ko. Actually after kong magluto ay ito na agad ang sinunod kong gawin at hanggang ngayon eh wala pa akong napipiling susuotin ko.Hindi naman ako ganito katagal pumili ng susuotin ko sa pagpasok sa trabaho,ngayon lang. Bigla namang sumingit sa isip ko si Hans,umuwi na din kaya yun after ko syang iwam kagabi sa labas?Puro kasi kalokohan ang babaero na yun eh pati ako sinasali sa trip nya sa buhay. Be his girlfriend?Ang lalaking yun makakatikim ng batok sa akin pag nagpakita ulit sya sa akin