CHAPTER 1
MASIGLA akong nakikinig ng radyo habang naghahanda para pumasok. Sumasabay pa ang katawan ko sa pag indayog sa saliw ng musikang Prinsesa sa bersiyon ng 6Cyclemind at napapakanta pa ako.
Pagpasok ko sa banyo ay napatodo na ako sa pag birit. Woo! akala mo may concert!
"Gusto ko sanang lumapit kung di lang sa babaeng kayakap moooo! Ohh... Yeah!" ginawa ko pang microphone ang tabo na hawak ko. Palumpalo lang mga bes.
I just love singing, it’s my gift. Pero pang banyo lang ‘yon di pwede ipagkalat.
"Kirsten! Bilisan mo na diyan late ka na!" Sigaw ng Mama Madel ko mula sa labas ng kwarto. Hindi ko siya pinansin at patuloy parin ako sa pagkanta habang naliligo. Feel na feel ko pa ang hagod ng sabon habang dumadampi ito sa balat ko. At dahil nabi-beast mode na si Mama ay pinatay na niya ang radyo.
"Ma naman eh!" Sigaw ko.
"Bilisan mo na diyan kako at late ka na!" Tugon naman nito. Dinig ko ang mga yapak nito sa loob ng kwarto at sa tingin ko ay papalabas na ito.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na rin ako, tinignan ko ‘yong orasan at taliwas ito sa sinasabi ni mama na late na raw ako. Dumeretso na ako sa hapag kainan, nagluto naman ang Mama ng the usual breakfast namin. Itlog, hotdog, fried rice at mainit na tsokolateng nanunuot ang aroma sa ilong. Naupo na ako sa lamesa kaharap si Mama at sinimulang kumain.
"Ma, nabayaran na ba yung kuryente?"
"Yup, tapos na," tugon ni modrakels.
"’yong tubig po?" Muling tanong ko naman.
"Of course! Ang momshie pa ba? Don't worry with that na Kiddo, okay na lahat pati ‘yong renta," Sagot naman nito. Gan’on talaga magsalita ang Mama, bagets na bagets. Nasa early 40's pa naman din ito kaya bagets din kung pumorma. Hindi rin halata na may edad na ito dahil wala pa itong wrinkles at makinis din ang balat nito. Minsan nga ay napagkakamalan kaming magkapatid.
20 years old siya nang makilala ang Papa ko na taga Springland at pinagbuntis niya ko. Ipinanganak ako na hindi manlang nakikilala ang tatay ko. Sabi ng Mama, isang Sundalo or Knight sa isang Palace ang papa ko.
Sa Palace ng bansang Springland, kung saan naging tagapag-silbi ang mama ko.
So technically, isa akong half Pinay at half foreign blood. Bukod sa maganda ang Mama ko, may namana din akong physical features galing sa Ama ko. White complexion, matangos na ilong, brown eyes, soft wavy hair at balingkitnitan na katawan na siyempre galing sa Mama kong kahit anong takaw kumain ay hindi tumataba.
For 25 years, ang mama ko na ang nagtaguyod sa'kin, mula sa pagpapalaki hanggang sa makapagtapos ako ng pag-aaral. Sa lahat ng ups and downs ko bago ako naging isang Licensed Professional Teacher, ang Mama ko ang naging kasama at katuwang ko. Saksi ako sa lahat ng hirap na pinagdaan niya maigapang lang ang pag-aaral ko. Naglalabandera, tindera sa palengke at kung anu-ano pang pwedeng pagkakitaan, basta't marangal papasukin 'yon ng Mama.
Kaya nga ngayong may trabaho na ako, ako naman ang bubuhay sa kanya at pangako kong susuklian ko lahat ng sakripisyo niya para sa akin.
"Saka Ma, yung sa loan ko po pala, huwag niyo po kakalimutang bayaran, due na po yan bukas kaso nga sabado kaya dapat ngayon mabayaran ‘yan, wala po kasi akong time dumaan sa bangko," bilin kong muli rito.
"Oo nga! Huwag mo nang intindihin 'yon ako na ang bahala doon, umalis ka na at baka ma late ka, traffic pa naman." Tumango ako at nagpaalam na rin ako sa kanya. Isang halik sa pisngi ang iginawad ko bago tuluyang umalis.
NAGTUNGO na rin ako sa School. Isang sakay ng jeep lang naman papunta roon kaya hindi naman masyadong late, 6:30 A.M palang din naman kung kaya't hindi pa masyadong traffic. Pero may mangilan-ngilan ng tao ang aligaga na papunta sa kani-kanilang mga trabaho at eskwela dahil takot maabutan ng rush hour.
ST. ANDREW HIGHSCHOOL.
Ang school kung saan ako nagtuturo. Isa itong private school dito sa Mandaluyong.
Hindi gan’on kalaki ang sweldo kumpara sa public school pero maayos din naman, matagal tagal na rin n’ong nakapasa ako sa board exams, pero hindi ko pa talaga gustong magpa rank sa DepEd. Well I can still pay the bills padin naman. Siguro, mag iipon na muna ako ng maraming pasensiya na kakailanganin ko sa public school. Makukulit din naman ang mga bata sa school na to, walang pinagkaiba sa public school, pero the fact that you're dealing with individual different people plus mayroon pang sangkaterbang paperworks eh talaga namang isang toneladang patience ang kakailanganin mo para maging isang Public School Teacher.
Pagkarating ko ay dumaan muna ako sa faculty room, 10 minutes’ pa rin naman bago magsimula ang klase. Habang naglalakad patungo sa Faculty room ay nakita ko ang papasalubong na Principal na si Mrs. Tañedo "Good Morning Maam," bati ko sa kaniya.
"Oh Good Morning Ms. Rodriguez, I would like to congratulate you because your Advisory class, again, became the top class in the first grading exams. Keep up the good work hija!" anito na nakangiti.
At sinuklian ko rin siya ng matamis na ngiti. "Thank you po maam! Pangako po, mas lalo ko pong pagbubutihan ang pagtuturo sa mga bata, nakakatuwa pong malaman na nag e-excel sila academically."
"Okay aasahan ko yan Ms. Rodriguez," tugon naman nito. Mas lalo akong ginanahang magtrabaho sa balitang sumalubong sa’kin, my efforts paid off. Worth it lahat ng stress at pagod. Hindi kaya biro maging isang Teacher, para kang naganak ng 50 na bata tapos sabay sabay nag teenager. Kaloka! Lalong lalo na ‘yong mga estudyante ko sa lower section, panay hugot. Tapos ako na Teacher nila, hindi alam kung saan huhugutin grades nila. Napapa face palm na lang din talaga ako minsan. Hindi ko ma imagine kung paano kinakaya ng Adviser nila ang pag hahandle sa mababait na estyudyante mula roon.
Tinungo ko naman ang table ko para kunin ang mga librong gagamitin ko para sa aking klase.
"And the ulirang guro award goes to... Ma'am Kirsten Mutya Rodriguez," pangangantiyaw ng co-teacher kong si Ava na matalik ko ring kaibigan. Classmates kami noong college, naaalala ko noong first day sa klase, pinakuha kami ng Professor namin ng 1/4 na papel, kaso halos lahat sa klase ay may kahati na at walang extrang papel, dahil sa kaming dalawa ang pinaka late dumating, naghati kami sa kaisa-isang papel na mayroon siya. And the rest was history. Pagkakaibigang nabuo dahil sa papel. At kahit ngayong pareho na kaming guro ay ‘di parin mabubuwag ang samahan namin. Tiningnan ko naman siya at umiling-iling lang ako sa kanya sa habang natatawa nang bahagya.
"Una na ko ah magsisimula na klase ko," paalam ko.
"Bye, see you later sa lunch time Sis," sagot naman nito na naka pout pa ang lips. I just nodded and left.
Binaybay ko ang gawi papunta sa classroom ko. Bawat estudyante at guro na nakakasalubong ko ay binabati ako ng "Good Morning." At binabati ko rin sila pabalik.
Pagkarating ko naman sa classroom ay naabutan kong naka-upo na ang mga estudyante ko. Sabay-sabay akong binati ng mga ito ng, "Good Morning Ma’am!"
"Good Morning class!"
Pagkalapag ko sa bag ko ay kinuha ko agad ang class record ko. Isa-isa ko namang tinawag ang mga estudyante para sa attendance nila.
"Reyes…"
"Ma’am absent po," sagot ng estudyante kong si Migo.
"Absent ulit si Generoso?" Takang tanong ko. Pang apat na araw ko nang hindi nakikita ang batang ito, nag aalala na ako dahil hindi na ito pumapasok.
"Hindi po namin alam Ma’am, hindi naman po nagsabi kung bakit," tugon ng iba pang estudyante.
"Hmm... sige hayaan niyo't bukas mag schedule ako ng home visit sa kanila para malaman ko kung anong nangyari sa kaklase ninyo ha," pagpapanatag ko sa kanilang loob.
"By the way, I would like to congratulate you all because you are the top section on our periodical exam! Good job mga anak!" Pag-iiba ko ng usapan.
"Thank you Ma’am!" Tugon naman nila at nagpatuloy na kami sa aming klase.
Pagkatapos ng klase ko ay dumeretso na ako ng uwi. Bagama't weekend at araw ng sweldo ay naisipan ko na lamang matulog nang maaga dahil mag ho-home visit pa ako bukas sa estudyante kong si Generoso Reyes. Bilang guro ay kailangan nating magmalasakit sa bawat estudyante, itinuturing tayong pangalawang magulang, ibinibigay natin ang buong puso natin para sa mga estudyante.
We are their second parents.