CHAPTER 22: Change of Plans THIRD PERSON'S P.O.V "May balita na ba kayo?" seryosong tanong ni Biff sa mga tauhan niya at nakita niya namang nagkatinginan ang mga ito. "Boss hindi kami makalapit sa butler ng Vigor twins dahil palagi silang napapaligiran ng mga royal guards," sabi naman ng isa sa mga tauhan ni Biff kaya naman napatangu-tango siya. "Pero boss nagpaimbistega ako tungkol sa totoong pagkatao ng butler ng mga Vigor ito boss yung envelope." sabi pa ulit ng tauhan ni Biff bago niya inabot ang envelope saka iyon binuksan. Nang makuha niya na ang nasa loob ng envelope ay agad niyang binasa ang mga nakalagay dun at nakita ni Biff ang isang profile ng babae at mas nanlaki ang mga mata niya ng makilala kung sino ang babaeng nasa envelope. "Bakit ibang profile ang nakalagay dito?"