CHAPTER 8 "ANG NASA LIKOD NG MASKARA"

1030 Words
CHAPTER 8 ZIAH's POV: Parang dumikit sa sahig ang aking mga paa nang dahan-dahan kong masilayan ang pagbagsak ng katawan ng lalaking balak sana akong pakawalan at iligtas. Sa dami kasing armado na siyang nagpaputok ay imposible na ngang makaligtas pa ang binata. Pero buti na lang ay natigil na sila sa kakaputok nang makita nilang nakahiga na ito at wala ng buhay. Kaso nga lang, may isang bala ang siyang natamo ko sa balikat. Hindi sanay sa ganito ang katawan ko kaya konting dugo lang ay para na akong hihimatayin dahil sobrang takot talaga ako sa dugo. Makakita lang ako nito ay talagang nanghihina ako at nahihilo. Kaya 'yon ang naging dahilan para mawalan ako ng malay. TANGING sampal ang nagpagising sa aking diwa na nagmumula mismo sa babaeng nakatakip na naman ng mukha. Hindi ako magkakamali na siya yung babaeng amo na nakausap ko noong isang araw. Mata pa lang niya ay halata ko na agad ang galit nito. Tiningnan ko ang aking balikat na ngayon ay meron ng telang puti ang siyang nakatakip dito na simbolo na ginamot yata nila ako. Hindi nila ako kayang saktan at hayaan na mamatay. Kung sabagay, hindi naman nila kayang mawala ako dahil kapag ako nawala, wala na silang puhunan para magkaroon ng pera. "Ano bang problema mo?" inis na turan ko sa babae. Hindi ko malaman kung bakit umaapaw ang galit nito sa akin. Akala mo naman kung marami akong atraso sa kanya. Ni hindi ko nga siya kilala. Pero sa lagay niyang 'yan ay halos kilalang-kilala niya ako. May lihim siyang inggit sa katawan niya, na 'yon ang siyang nakikita kong rason niya para ganituhin ako. "Ikaw ang problema ko Ziah! Masyado ka talagang peste sa buhay ko! Gusto mo pa talagang mamatay ha? At nagawa mo pang tumakas!" sigaw nito. Kakaiba na naman ang boses na animo'y may ginagamit siyang bagay para mapabago ang kanyang boses upang hindi ko siya makilala. Pero yung mga katulad niyang tao ay wala akong panahon para isipin kung sino siya. Siya rin naman ang mai-stress sa lagay niya habang ako ay walang pakialam sa dalaga. "Bakit naman ako tatakas? Sa palagay mo ba ay meron akong kakayahan na tumakas? Mag-isip ka nga," ani ko bilang pamimilosopo. "Tumigil ka... Alam kong ginagamit mo 'yang ganda mo para magkahumaling ang mga tauhan ni papa sayo. Siguro pinangakuan mo yung lalaking nagbantay sayo kanina kaya gano'n na lamang ang lakas nang loob niya na itakas ka! Bakit Ziah? Anong klaseng pangako ba ang sinabi mo ha?!" malakas niyang sigaw. Sa tono ng pananalita niya ay halatang may malalim siyang pagtingin sa lalaking nagligtas sa akin, o hindi kaya'y meron siyang crush doon. Hindi naman kasi malabo na mahalin niya ang taong 'yon lalo na at may itsura ang binata at taglay nito ang saktong katawan na gusto ng mga kababaihan. But I'm not belong to those girls dahil yung true love na hinihintay ko ay nasa Mafia. Kailan niya nga ba ako ililigtas? Umaasa ako na lalapitan ni Dad ang lalaking 'yon para hindi na ako mahirapan dito. Malaki kasi ang chance na 'yon ang kakausapin ni Dad kapag tumagal pa ako rito na hindi pa natatagpuan ng mga pulis. "Bakit hindi ka makasagot ha?!" "Hindi ka ba nagsasawang sigawan ako? Saka obvious naman kung bakit gusto akong takasin ng lalaking pinabantay mo. Halata naman siguro ang lamang ko sayo diba? Sa gand ako pa lang, walang-wala ka na," ani ko sa dalaga para painitin lalo ang ulo niya. Hindi nga ako nagkamali dahil isang malakas na sampal ulit ang natamo ko mula sa palad ng babaeng nakatakip ang mukha. Bakit ba kasi ayaw niyang ipakilala ang sarili niya? Natatakot ba siya sa pwedeng mangyari sa kanya kapag nakalaya ako rito at nalaman ko ang buong pagkatao niya? Pero dapat lang naman na matakot siya, ang kapal ng apdo niya para ipakidnap ako. Kapag nalaman ko lang talaga anong mukha at sino siya sa likod ng maskara niya ay hindi ako magdadalawang isip na i-hunting siya kapag nakalaya ako rito. I'll make sure that she will pay for it. "Oo maganda ka nga Ziah... But I'm sorry to say dahil yung kagandahan mong 'yan ay mawawala rin sayo dahil aangkinin ko na. Maghintay ka lang at huwag kang atat... Kung ako sayo, namnamin mo na sa sarili mo ang konting sandali na meron pang ganda ang natitira sayo," makabuluhan na bigkas niya na tila may pinaplano nga laban sa akin. Balak niya pang angkinin kung anong meron ako. Napakademonyo niya talaga! Ano kayang isip ang meron siya. Kung wala sigurong nakapalibot sa amin na mga lalaking armado ay kaya ko na itong patumbahin eh. Kung mag-labanan kami na babae sa babae ay kaya ko siyang labanan. Nag-aral ako ng martial arts. Pero hindi ko ito basta-basta magagamit dahil yung mga alalay niya ay may mga baril. Anytime pwede nila akong patayin kapag sinaktan ko ang amo nila. "Kung talagang malakas ang loob, magtuos tayong dalawa. Let see kung sino sa atin ang matitirang buhay. Kapag napatay mo man ako, edi ibibigay ko ang trono ko sayo at pwede kang magpanggap bilang si Ziah. Kasi wala na ako roon na choice dahil nga patay nga. Pero kung ikaw ang mapatay ko, then it's a best gift for me," ani ko rito na ikinatawa niya lang. Oo, pinagtawanan niya lang ako para ipamukha sa akin na ako pa yung baliw. "Ano ako uto-uto para pumayag sa gusto mo? Ni hindi ko nga kayang pakagatin ng lamok ang mukha ko para hindi masira, tapos gusto mong maglaban tayo? Oh gosh, hindi ako ganyan Ziah. Mas gugustuhin kong magpakaduwag dahil alam kong nasa akin ang huling halakhak," confident nitong sabi. "Ayon naman pala eh. May mukha ka. Bakit kailangan mo pang hiramin at gayahin ang mukha ko?" singhal ko rito. She just smiled in a devil way. "Correction, hindi ko hihiramin at gagayahin. Dahil kusa ko na itong aangkinin. At kapag naipasa na yung mukha mo sa mukha ko, pwede ka ng mabura sa mundo... Don't worry, ako ng bahala na mag-alaga kay Mr. Xi. Ang daddy mo. Hihigitan pa kita," saad niya na ikinainit lalo ng aking ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD