HAPPY “NANINIWALA ka na ba na talagang kaibigan ko lang si Jasmin?” tanong sa akin ni Ray matapos naming makilala ang boyfriend ni Miss Jass. Nandito kami ngayon sa bahay ng bagong boss ko dahil birthday niya at invited si Ray. Isinama naman niya kami ni Kaycee. Kanina ko nga lang nalaman na dito kami pupunta. Ang sabi niya lang kasi, may pupuntahan daw kami at may ipapakilala siya sa akin. Kahit si Miss Jass ay nagulat din nang malamang magkakilala kami ni Ray. Sa dalawang araw kasi na panay ang paliwanag ni Ray na kaibigan lang daw niya ang bagong boss ko, hindi talaga ako totally naniniwala. Patuloy akong pinaglalaruan ng imahinasyon ko tungkol sa kanilang dalawa noong araw na magkasama sila. Pero mabuti na lang at ganoon. Dahil dalawang araw na rin na bigo pa rin si Ray na pasukuin