“Adonis, sa kwarto ka kaya ni Brie matulog mamaya,” pagbibiro ni Mildred. Nagtawanan ang ilan at inasar na naman nila kaming dalawa ni Adonis. Si Adonis naman ay napapangiti na lang at naiiling samantalang ako ay napapairap sa mga pang-aasar nila. Una nilang binuksan ang Hennessy at nagsalin sa mga baso. Kanya-kanya kaming baso para raw mas masaya at malaman kung sinong unang matutumba. Mabilis lang naming naubos iyon. Hindi ko rin alam kung paanong ganoon na lang kaunti ang natira sa Hennessy. Parang kakabukas lang namin nito, ah? Tapos ngayon ay paubos na. “Kwentuhan tayo. Mga kalat moments natin,” saad ni Mildred. Ininom niya agad iyong laman ng ng baso niya at tumayo. “Kagaya ng kalat moments namin ni James noong isang buwan. Alam niyo ba—” Agad na tinakpan ni James ang bibig ni Mil