Zacxheus POV "Guys!" Nagulantang na lang kaming lahat dito sa loob ng opisina nang marinig namin ang sigaw ni Dakota kahit nasa labas pa lang siya. Alam na namin ang mga galawang ito, may panibago na naman siyang balita sa amin. Pabagsak niya na binuksan ang pinto ng opisina kaya napahawak kami sa dibdib namin sa gulat. Hingal na hingal na siya habang may dala-dala siyang mga papeles. Ang pormahan niya ngayon ay parang galing siyang lumusob sa isang malakas na bagyo. Ang gulo ng buhok niya at ang papeles na dala-dala niya ay nagkakagulo at wala na sa tamang arrangements. Agad siyang nilapitan ni Blue at ni Zyraine upang tulungan siyang dalhin ang mga papeles na dala-dala niya. Bumuntong-hininga ako at nag-cross arm habang naka-upo sa swivel chair. "Ano? Ano na namang chika mo, Dakot