General POV Nakangiting binabasa ni Zacxheus ang note. Hindi niya namalayan na nagmamasid pala sa kan'ya ang CEO. Nakabukas ng kaunti ang pinto ng silid kung saan nandoon nagtago ang CEO. Tanging makakapal na kilay at dalawang pares ng mga mata ang nakikita sa kan'ya. Nagmamasid lang sa kan'ya ang CEO nang hindi ito namamalayan ni Zacxheus. Agad napansin ni Zacxheus na may nagmamasid sa kan'ya kaya agad napatingin si Zacxheus sa gawi ng pinto na nasa gilid niya, hindi kalayuan mula sa table ng CEO. Napansin niyang sinarado ito ng taong nasa loob ng silid. Agad ngumiti si Zac. "Alam kong nand'yan ka lang, Boss! Bakit ka ba nahihiyang magpakita?" Napipilitang saad ni Zacxheus, puno pa rin ng takot ang boses niya. "Soon," isang malalim na boses ang narinig ni Zacxheus sa loob ng opisina