Habang naglilinis ng sugat ng lalaki ay di ko sinasadyang nadiinan ito. May insekto kasing lumipad sa may mukha ko at napailag ako sabay napadiin ang kamay ko sa sugat. Bigla nitong hinablot ang kamay ko at inialis sa pagkakadiin. “Aray naman,” saad ko dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. “Aray? Mas masakit ang naramdaman ko ng diinan mong sugat ko.” “Nakita mo yung insekto di ba? Nabigla ako eh. Takot ako sa mga kung anu-anong lumilipad.” paliwanag ko sa lalaki. “Lumabas ka na lang pwede ba?” “Di ko pa tapos na linisin ang mga sugat mo.” “Hwag na ako na lang.” “hindi mo kaya. Ako na.” ”Please, umalis ka na,” pilit ako nitong tinataboy at hinaharang sa akin ang isa niyang kamay. “Wala kang alam sa paglilinis. Di mo to alam kaya ako na.” “Shawn!” malakas na tawag nito sa