Di kami nagkikibuan noong una. Ininom ko lang ang lady’s drink na inorder nila para sa akin. Tsaka naalala ko pa rin ang babaeng kinakausap sya noong bisperas ng pasko at hindi na rin sya nag-return call. Nakalimutan na siguro ako dahil may kasiping naman sya ng gabing iyon. Di natin alam baka nakakasama pa rin nya ang babae kaya di na sya nagpadala ng food after Christmas. Last na bigay nya yung grocery package. Ilang araw na ngang wala akong balita sa kanya. Ok nga yun, tahimik na buhay. Naka move-on na ba sya agad-agad? Di pa rin ako kinakausap ng lalaking katabi ko. Good for him pero bakit di ako masaya? Ang gulo naman ng isip ko. Isa pa, wala rin siguro syang masabi sa akin kaya hindi rin sya nagsasalita. Si Jane panay pagpapacute kay Carson at tatawa-tawa lang ang lalaki habang um